top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | June 24, 2022


Batid natin ang magandang epekto ng pagsasayaw dahil ito ay maituturing na ehersisyo na nakabubuti sa kalusugan. Nakakatuwa rin itong gawin kasama ng mga kapamilya o kaibigan — tunay na nakakapagpatatag ito ng katawan at samahan. Bilang magaling na dancer sa kanilang lugar at paaralan, naranasan ni Jarmie Alim, anak nina G. Ruel at Gng. Lucila Alim ng Antipolo City, ang tuwa na hatid ng pag-indak. Marami pa sanang mga galaw sa pagsasayaw ang magbibigay-saya at maghuhubog sa kanya bilang dancer, ngunit maikling panahon lamang ang inilagi ni Jarmie sa dance floor ng buhay.


Si Jarmie, 13, namatay noong Enero 25, 2019, ang ika-115 sa mga naturukan ng Dengvaxia na under Clinical Trial Phase 3 (WHO, Peter Smith) at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} - na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya. Si Jarmie ay isang beses naturukan ng Dengvaxia noong Abril 28, 2016 sa kanilang paaralan. Anila G. at Gng. Alim,“Si Jarmie ay masayahin, masigla, aktibo at malusog na bata. Siya ay mahilig sumayaw at madalas nakikilahok sa sayawan sa aming lugar at sa kanyang paaralan. Hindi siya nagka-dengue at kailanman ay hindi pa nagkaroon ng malubhang karamdaman na nangangailangang siya ay maospital, bukod nitong kamakailan kung saan siya ay malubhang nagkasakit na naging sanhi ng kanyang pagpanaw.”


Nagkaroon ng pagbabago kay Jarmie noong Mayo 2017. Naging matigas at mainitin ang kanyang ulo, at mahirap utusan bagama’t hindi naman siya dating ganu’n. Pagdating ng Enero 2019, nadagdagan pa ang mga nararamdaman niya at lumala ang kanyang kondisyon hanggang siya ay pumanaw. Narito ang kaugnay na mga detalye:

  • Enero 20 - Nanakit ang kanyang kanang tuhod at nagkalagnat siya. Naninikip din ang kanyang dibdib at nahirapan siyang huminga.

  • Enero 21 - Dinala siya sa isang ospital sa Antipolo City at sinuri ang kanyang tuhod. Binigyan siya ng mga gamot na Celecoxib at Prednisone matapos makitang namamaga ang kanyang kanang tuhod at pinauwi rin sila. Pinainom siya ng nasabing mga gamot at bahagyang nakatulong ang mga ito at nakatulog siya. Pagsapit ng gabi, nang mawala na ang epekto ng gamot, bumalik ang sakit ng kanyang tuhod at hindi na naman siya makatulog.

  • Enero 22 - Dinala siya sa isa pang ospital sa Antipolo City at kinabitan siya ng dextrose at oxygen. Mataas ang lagnat niya at may lumabas na mga rashes sa kanyang mukha na kumalat sa kanyang katawan. Hindi na rin siya makagalaw dahil sa labis na pananakit ng kanyang tuhod at hirap sa paghinga. Ayon kina G. at Gng. Alim, “Dahil hindi inaasikaso nang maigi ng ospital ang aming anak, humiling siya na ilipat sa ibang ospital na siya naman naming ginawa.”

  • Enero 23 - Si Jarmie ay inilipat sa isang ospital sa Quezon City. Nagwawala siya dahil siya ay gutom na gutom na. Tinatanggal din niya ang mga aparato sa kanyang katawan at dahil sa pagwawala ay itinali siya at isinailalim sa iba’t ibang pagsusuri gaya ng x-ray, CT scan atbp. Lumala ang paninikip ng kanyang dibdib at pananakit ng paa. Magdamag siyang hindi nakatulog.

  • Enero 24 - Gutom na gutom siya at kung anu-ano na rin ang mga sinasabi. Humiling pa siya na itakas siya sa ospital. Ayon sa doktor, puti na ang baga ni Jarmie at kumalat na ang impeksiyon sa kanyang paa. Nabanggit ng kanyang mga magulang na baka dala ng Dengvaxia vaccine ang mga nararamdaman ni Jarmie, ngunit sabi ng doktor, walang kaugnayan ang bakuna sa mga ito. Pagsapit ng tanghali, in-intubate si Jarmie matapos turukan ng pampatulog. Kinabitan din siya ng hose sa ilong kung saan may lumalabas na dugo. Hindi na muling nagising si Jarmie. Subalit, ayon sa kanyang mga magulang, “Minsan ay kita ang pagluha ng kanyang mga mata.” Bandang alas-5:00 ng hapon, nawalan ng tibok ang kanyang puso. Na-revive siya at pagsapit ng alas-7:00 ng gabi, sinalinan siya ng dugo. Anang mga doktor, kumalat na ang impeksiyon sa kanyang kanang paa.

  • Enero 25 - Pagsapit ng alas-5:30 ng madaling-araw, nag-agaw-buhay si Jarmie. Sinubukan siyang i-revive, ngunit pagsapit ng alas-6:00 ng umaga, tuluyan na siyang pumanaw.


Walang kasing sakit para sa mag-asawang Alim ang pagkamatay ni Jarmie. Sa kabila ng kanilang pighati, hindi mawala sa isip nila ang sinabi ng doktor hinggil sa posibilidad na magreklamo ang mga Alim.


Narito ang bahagi ng tugon ni G. Alim, “Karapatan naman namin ‘yun. Binanggit ng doktor na kung sakaling magreklamo kami ay mag-e-mail kami sa kanya para kung tanungin siya ay alam niya ang isinasagot. Naging pabaya ang mga taong nagbakuna kay Jarmie. Inabutan lamang ako ng aking anak ng papel upang magbigay ng pahintulot sa pagtuturok sa kanya ng Dengvaxia sa kanilang paaralan. Sa pag-aakalang ito ay tulad ng mga bakuna na itinuturok sa mga bata ay pinirmahan ko ang nasabing papel at pumayag naman ako.”


Tapos na ang pag-indak ni Jarmie sa dance floor ng buhay, ngunit walang wakas ang pananagutan ng mga pumutol ng kanyang pagsasayaw hangga’t hindi nabibigyang-katarungan ang trahedyang naganap sa kanya.


Mahirap man sa kanila ang pagkawala ng pinakamamahal ng anak, buo ang loob ng mag-asawang Alim na ipaglaban ang katarungan na nararapat para sa kanilang anak. Ang PAO at PAO Forensic Team na hiningan nila ng tulong ay kasama nila sa labang ito.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 21, 2022


Dear Chief Acosta,


Bilang Person with Disability (PWD), puwede ba akong manghingi ng discount para sa pagbabayad ng toll fee? Sa akin ang sasakyan, ngunit hindi ako ang nagmamaneho nito. - Catie


Dear Catie,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 6.6 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (R. A.) No. 9442 o mas kilala sa tawag na Magna Carta for Persons with Disability as Amended, kung saan nakasaad na:


“6.6 Land Transportation Privileges – At least twenty percent (20%) discounts in bus fares such as ordinary, aircon fares and on public railways such as LRT, MRT, PNR, and such other similar infrastructure that will be constructed, established and operated by public or private entity. Toll fees of skyways and expressways are likewise subject to at least twenty percent (20%) discounts, however, this privilege can be availed only by a person with disability owning the vehicle.” (Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit, mayroong karapatan ang ating mga PWD para sa at least 20% discount sa mga toll fees. Subalit, ang PWD na may-ari ng sasakyan ang tanging makagagamit ng pribilehiyong ito. Ibig sabihin, maaari ninyong magamit ang nasabing discount, kung mapatutunayan ninyong kayo ang may-ari ng inyong sasakyan, kahit na hindi kayo ang personal na nagmamaneho nito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 12, 2022


Malinaw na nakasaad sa Social Security System (SSS) Circular No. 2019-009 o mas kilala sa tawag na “Guidelines on the Payment of Maternity Benefit,” ang mga sumusunod:


“Section 12. Liability of the Employer. – The Employer shall pay to the SSS damages equivalent to the benefits which said female employed member would otherwise would otherwise been entitled to in any of the following instances:


i. Failure of Employer to remit to SSS the required contributions for the female employed member; x x x.” (Binigyang-diin)


Ang karapatan ng babaeng empleyado na matamasa ang kanyang maternity benefits ay nakapaloob sa batas na dapat masunod ng mga employers. Kaugnay nito, sinabi sa Seksyon 12 ng nabanggit na panuntunang mananagot ang employer sa SSS ng danyos katumbas ng benepisyo na dapat sana ay matatamasa ng babaeng empleyado kung hindi sana pumalya sa pagbabayad o pag-remit ang nasabing employer sa SSS ng mga kinaltas nitong kontribusyon.


Bukod pa sa nabanggit, maaaring pagmultahin, makulong at makasuhan ng krimeng Estafa ang employer na nagkaltas, ngunit hindi nag-remit sa SSS ng kontribusyon. Ito ay alinsunod sa Seksyon 7 at Seksyon 10, Rule 46 ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 11199 o mas kilala sa tawag na The Social Security Act of 2018, kung saan isinasaad na:


“SEC 7. Failure or Refusal to Deduct and Remit Contributions. – Whoever fails or refuses to deduct contributions from the compensation of one’s employee/s, or from his/her income, in the case of the covered SE, and to remit the same to the SSS, shall be punished by a fine of not less than five thousand pesos (P5,000) nor more than twenty thousand pesos (P20,000) and imprisonment for not less than six (6) years and one (1) day nor more than twelve (12) years. [Sec 28, (e), 2nd sentence]


SEC 10. Employer’s Misappropriation of Contributions or Loan Amortizations of Its Employees. – Any employer who, after deducting the monthly contributions or loan amortizations from his/her employee’s compensation, fails to remit the said deduction to the SSS within thirty (30) days from the date they became due, shall be presumed to have misappropriated such contributions or loan amortizations and shall suffer the penalties provided for Swindling or Estafa under Article three hundred fifteen (315) of the Revised Penal Code.” (Binigyang-diin)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page