top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 12, 2022


Dear Chief Acosta,


Pina-renovate ng may-ari ng aming nirerentahang apartment ang gusali kung saan ito nakatayo at pinatanggal niyang lahat ang mga signs para sa mga fire exits. Aniya, hindi na ito kailangan dahil alam na naman daw ng mga naninirahan kung saan ang mga fire exits ng nasabing gusali. Tama ba ang kanyang ginawa? - Darius


Dear Darius,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ng R.A. No. 9514 o mas kilala sa tawag na “Fire Code of the Philippines of 2008.” Alinsunod sa nabanggit na batas, ang mga may-ari, tagapangasiwa, mga nakatira at iba pang taong may pananagutan sa gusali ay kailangang maglagay ng fire safety construction, protective and warning system, at magpatupad ng programang ukol sa pangkaligtasan sa sunog o apoy. (Sec. 7 (d)). Kabilang na ang:


(7) A fire exit plan for each floor of the building showing the routes from each other room to appropriate exits, displayed prominently on the door of such room;


x x x


(11) Properly marked and lighted exits with provision for emergency lights to adequately illuminate exit ways in case of power failure.


Samakatuwid, ipinag-uutos ng batas sa mga gusali ang pagkakaroon ng maayos na planong pangkaligtasan kung sakaling magkaroon ng sunog at dapat ang mga daanan palabas ay mayroong maayos na palatandaan. Isa ito sa mga obligasyon ng may-ari at ibang taong nabanggit ng batas. Dahil dito, mali ang sinabi ng may-ari ng gusali kung saan ka nakatira na hindi na kailangan pa ang palatandaan ng mga fire exits dahil alam naman ninyong mga nakatira kung saan ito. Kung sisilipin, labag sa batas ang ginawa ng may-ari ng building ng iyong apartment dahil mahigpit na ipinagbabawal ng ating batas ang pagtanggal ng anumang mga signs na ipinaskil para sa fire safety ng isang gusali alinsunod sa Section 8 (l) ng parehong batas na nagbabawal ng: “Removing, destroying, tampering or obliterating any authorized mark, seal, sign or tag posted or required by the fire service for fire safety in any building, structure or processing equipment.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 1, 2022


Dear Chief Acosta,


Nakahiligan kong mamingwit ng isda sa mga ilog at lawa sa aming probinsya tuwing libre ako sa oras. Hindi naman ito madalas at hindi ko rin ibinebenta ang aking mga nahuli dahil kaunti lamang ito. Ngayon, ako ay nabahala noong may nakapagsabi sa akin na bawal diumano ito kapag ako ay walang permit para rito. - Aron


Dear Aron,


Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act No. 8550, as amended, o mas kilala bilang “The Philippine Fisheries Code of 1998.” Nakasaad sa nasabing batas na:


“Section 86. Unauthorized Fishing. – (a) It shall be unlawful for any person to capture or gather or to cause the capture or gathering of fish, fry or fingerlings of any fishery species or fishery products without license or permit from the Department or LGU.

Except in cases specified under this Code, it shall also be unlawful for any commercial fishing vessel to fish in municipal waters.

The discovery of any person in possession of a fishing gear or operating a fishing vessel in a fishing area where he has no license or permit shall constitute & prima facie presumption that the person is engaged in unauthorized fishing: Provided, That fishing for daily food sustenance or for leisure which is not for commercial, occupation or livelihood purposes may be allowed.” (Binigyang-diin)

Malinaw na nabanggit sa batas na hindi kinakailangang kumuha pa ng permit dahil ang iyong pamimingwit ng mga isda sa ilog at lawa sa iyong lugar ay hindi mo naman pinagkakakitaan o ginagawang hanapbuhay.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 25, 2022


Dear Chief Acosta,


Nakasagasa diumano ang aking pinsan. Sa kasamaang-palad, dahil sa kanyang pinaghalong takot at pagkabigla ay itinakbo niya ang kanyang sasakyan at pinabayaan lang ang nasagi imbes na tulungan ito. Kaugnay sa nabanggit, maaari ba siyang makasuhan ng iba pang kaso bukod sa pinsalang natamo ng kanyang nasagasaan? - Juancho


Dear Juancho,


Ang sagot sa inyong katanungan ay opo. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article 275 ng Act Number 3815 o mas kilala sa tawag na Revised Penal Code (RPC), ang krimeng abandonment of one’s own victim, viz:


Article 275. Abandonment of a person in danger and abandonment of one's own victim. - The penalty of arresto mayor shall be imposed upon:


1. Anyone who shall fail to render assistance to any person whom he shall find in an uninhabited place wounded or in danger of dying, when he can render such assistance without detriment to himself, unless such omission shall constitute a more serious offense.


2. Anyone who shall fail to help or render assistance to another whom he has accidentally wounded or injured.


3. Anyone who, having found an abandoned child under seven years of age, shall fail to deliver said child to the authorities or to his family, or shall fail to take him to a safe place. (Binigyang-diin)


Gamit ang nabanggit, malinaw na krimen ang pag-abandona o hindi pagtulong sa tao na aksidenteng napinsala o nasugatan. Bagaman masasabing aksidente o hindi sinasadya ang dahilan ng pinsala o sugat na naidulot sa biktima, ang kaparusahan ay nagmumula sa kasunod na akto ng pag-abandona o pag-iwan ng taong nakaaksidente sa kanyang biktima.


Sa katunayan, sa kaso ng banggaan ng sasakyan, tahasang kinilala ng Korte Suprema na maaaring makasuhan ng reckless imprudence at abandonment of one’s victim ang may sala alinsunod sa Articles 365 and 275 ng RPC (Antonio A. Lamera vs. The Honorable Court of Appeals and the People of the Philippines, G.R. No. 93475, June 5, 1991, Ponente: Honorable Former Chief Justice Hilario G. Davide, Jr.). Ayon sa Korte Suprema, magkaiba ang dalawang kaso at maaaring parehas na maisampa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page