top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 29, 2022


Dear Chief Acosta,


Noong pumanaw ang aking lolo ay mayroon siyang naiwang baril. Ano ba ang magiging epekto nito sa kanyang lisensya at sa registration ng kanyang baril? Nais ko ring malaman kung ano ba ang nararapat kong gawin bilang custodian ng nasabing baril? - Eddie


Dear Eddie,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinatalakay ng Republic Act No. 10591 o mas kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Nabanggit sa nasabing batas na:


“SEC. 26. Death or Disability of Licensee. – Upon the death or legal disability of the holder of a firearm license, it shall be the duty of his/her next of kin, nearest relative, legal representative, or other person who shall knowingly come into possession of such firearm or ammunition, to deliver the same to the FEO of the PNP or Police Regional Office, and such firearm or ammuni”tion shall be retained by the police custodian pending the issuance of a license and its registration in accordance, with this Act. The failure to deliver the firearm or ammunition within six (6) months after the death or legal disability of the licensee shall render the possessor liable for illegal possession of the firearm.”


Kaugnay nito, nakasaad sa Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas na:


“Section 26. Death or Disability of the Licensee


26.1 Upon the death of the licensee, the privilege of his/her license to own or possess firearms and the registration of the firearm automatically expires.

xxx xxx xxx


26.3 When a licensed citizen with registered firearm dies or become legally disabled, his/her next of kin, nearest relative, legal representative, or any other person who shall knowingly come into possession of the registered firearm shall cause the delivery of the same to the FEO or Police Regional Office or through the nearest police station which has jurisdiction over the licensee and/or the registered firearm.”


Ayon sa mga nabanggit na probisyon ng batas, kapag namatay ang may-ari ng baril ay automatic na mawawalan ng bisa ang kanyang lisensya at rehistro ng kanyang baril. Kaakibat nito, mayroong mabubuong obligasyon ang pinakamalapit na kamag-anak, kinatawan o sinumang mamamahala sa nasabing baril na dalhin at isuko ito sa kapulisan sa loob ng anim na buwan mula nang pagkamatay ng may-ari ng baril. Kung hindi ito magawa, maaaring makasuhan ng illegal possession of firearm ang may hawak ng nasabing baril.


Kaya naman, pagkamatay ng iyong lolo, ang kanyang lisensya at rehistro ng kanyang baril ay nawalan na ng bisa. Dahil ikaw ang may hawak sa baril ng iyong lolo, kinakailangan mong dalhin ito sa Firearms and Explosive Office (FEO), Police Regional Office o sa pinakamalapit na police station na nakasasakop sa lugar ng iyong lolo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 26, 2022


Dear Chief Acosta,


Dalawang buwan nang nawawala ang pusa ko. Isang araw, nakita ko itong bitbit ng anak ng aking kapitbahay. Hiningi ko ito sa mga magulang ng bata, ngunit ayaw nila itong ibalik sa akin dahil napamahal na ito sa kanila ng mahigit sa isang buwan. Sino ang tunay na may karapatan sa nasabing pusa? - Jo


Dear Jo,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Article 716 ng New Civil Code of the Philippines na nagsasaad na:


Article 716. The owner of a swarm of bees shall have a right to pursue them to another’s land indemnifying the possessor of the latter for the damage. If the owner has not pursued the swarm, or cease to do so within two consecutive days, the possessor of the land may occupy or retain the same. The owner of domesticated animal may also claim them within twenty days to be counted from their occupation by another person. This period having expired, they shall pertain to him who has caught and kept them. (Binigyang-diin)


Malinaw sa batas na ang may-ari ng alagang hayop ay maaaring bawiin ito sa loob ng 20-araw mula sa pagkakakuha ng ibang tao, kung hindi, ito ay mauukol sa taong nakahuli at nag-ingat dito. Dahil sa nabanggit, pag-aari na ng iyong kapitbahay ang pusa dahil hindi mo ito nabawi sa loob ng 20-araw mula sa pagkakuha nito ng iyong kapitbahay.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 24, 2022



Tulad ng mga mag-aaral, ang mga may-ari ng eskwelahan ay pinagkalooban din ng Saligang-Batas ng mga karapatan. Ito ang tinatawag na academic freedom. Kinikilala ng estado ang papel na ginagampanan ng publiko at pribadong institusyon sa larangan ng edukasyon. Kaugnay nito ang estado ay may kalayaang bigyan ng rasonableng superbisyon ang mga nasabing eskwelahan at ng mga namumuno nito.


Ayon sa ating Saligang-Batas ang academic freedom ay hindi binibigyan ng eksaktong kahulugan dahil hinahayaan itong lumawig sa pamamagitan ng mga desisyon at resolusyon ng ating mga husgado. Sa mga faculty, ang tanggap na kahulugan nito, ayon sa 1940 Statement of Principles of the American Association of University Professors ay ang mga sumusunod:


a. “The teacher is entitled to full freedom in research and in the publication of the results, subject to the adequate performance of his other academic duties;


b. The teacher is entitled to freedom in the classroom in discussing his subject, but he should be careful not to introduce into his teaching controversial matter which has relation to his subject


c. The college or university teacher is a citizen, a member of a learned profession, and an officer in an educational institution. When he speaks or writes as a citizen, he should be free from institutional censorship or discipline, but his special position in the community imposes special obligations. As a man of learning and as an educational officer, he should remember that the public may judge his profession and his institution by his utterances. Hence, he should at all times be accurate, should exercise appropriate restraint, should show respect for the opinions of others, and should make every effort to indicate that he is not an institutional spokesman.” (The 1987 Philippine Constitution A Reviewer-Primer 1997 edition by Father Joaquin G. Bernas, S.J., page 462.)


d. Kung atin itong pagninilayan, ang mga guro ay may layang gumamit ng iba’t ibang paraan o medium para maituro nang maayos ang kanilang subjects, subalit sila rin ay binibigyan ng responsibilidad na maging maingat sa mga bibitawang salita sapagkat dapat nilang maisip na sila ay nasa institusyon, kung saan ang layunin ay magbigay ng kaalaman at edukasyon sa kabataan at mamamayan.


Sa panig ng eskwelahan, ang academic freedom ay tumutukoy sa mga sumusunod:


a. Who may teach;

b. What may be taught;

c. How it shall be taught; and

d. Who may be admitted to study?


Malinaw sa mga nabanggit na binibigyang-kalayaan ang eskwelahan na pumili kung sino ang mga magtuturo, ano ang ituturo, paano ito ituturo at kung sino ang dapat mag-aral sa nasabing eskwelahan. Kaugnay nito, ang eskwelahan ay mayroong layang magpatupad at magtalaga ng mga regulasyon at alituntunin para mabigyan ng katuparan ang nasabing academic freedom. Kabilang na ang mga requirements for admission. Dapat lamang bigyang-pansin ng nasabing institusyon na sa kanilang pagpapatupad ng mga alituntunin ay mabigyan nito ng garantiya ang mga karapatan ng mga mag-aaral na nakasaad sa Section IV ng Bill of Rights (Freedom of Speech, Expression, Press; Right to Peaceably Assemble, The 1987 Philippine Constitution A Reviewer-Primer 1997 edition by Father Joaquin G. Bernas, S.J., ibid.)


Sa mga non-stock, non-profit educational institutions, ang kanilang mga kinikita hangga’t ang mga ito ay eksklusibong nagagamit para sa edukasyon ay hindi mapapatawan ng buwis. (Section 3, Article IV, The 1987 Philippine Constitution)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page