top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 5, 2022


Dear Chief Acosta,


Ang kapatid ko ay namatay matapos siyang mabundol ng rumaragasang trak. Matapos ang imbestigasyon ng mga pulis, isinampa ang kasong Murder, kung saan ang naging qualifying circumstance ay “Use of a Motor Vehicle”. Matapos ang naging pagdinig sa aming kaso, naglabas ang huwes ng desisyon na nagsasabing ang nagmamaneho ng trak ay guilty lamang ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide. Tama ba ito? - Jhundi


Dear Jhundi,

Ang sagot sa iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kaso ng People of the Philippines v. Zaldy Salahuddin, G.R. No. 206291, January 18, 2016, na isinulat ni Kagalang-galang na Dating Punong Mahistrado Diosdado M. Peralta, kung saan tinalakay kung kailan makokonsidera ang qualifying circumstance na “use of a motor vehicle”. Ayon sa Korte Suprema:

“Meanwhile, the use of a motor vehicle is aggravating when it is used either to commit the crime or to facilitate escape, but not when the use thereof was merely incidental and was not purposely sought to facilitate the commission of the offense or to render the escape of the offender easier and his apprehension difficult. In People v. Herbias, the Court held


The use of a motor vehicle may likewise be considered as an aggravating circumstance that attended the commission of the crime. The records show that assailants used a motorcycle in trailing and overtaking the jeepney driven by Saladio after which appellant’s back rider mercilessly riddled with his bullets the body of Jeremias. There is no doubt that the motorcycle was used as a means to commit the crime and to facilitate their escape after they accomplished their mission.


The prosecution has proven through the testimonies of Java and Delos Reyes that appellant was riding a motorcycle behind the unknown driver when he twice shot Atty. Segundo who thus lost control of his owner-type jeep and crashed into the interlink wire fence beside the road. The motorcycle then stopped near the jeep, and the appellant shot Atty. Segundo again thrice, before leaving the crime scene aboard the motorcycle. Clearly, the trial court correctly appreciated the generic aggravating circumstance of use of motor vehicles in the commission of the crime.” (Emphasis ours)


Sang-ayon sa nasabing desisyon, upang makonsidera ang qualifying circumstance na “use of a motor vehicle”, dapat tahasang ginamit ang sasakyan upang maisagawa ang krimen o upang makatakas mula sa pinangyarihan ng krimen. Sa iyong kaso, ang iyong kapatid ay napatay matapos mabundol ng rumaragasang trak. Walang nabanggit sa iyong liham, na intensyunal ang pagpatay sa iyong kapatid at tahasang pinili ng akusado ang paggamit ng trak para gawin ito. Kung gayon nga, ang nangyari ay krimen na hindi sinasadya at hindi tahasang ginamit ang trak, kaya ibinaba ng huwes ang kaso sa Reckless Imprudence Resulting to Homicide.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | August 5, 2022


Sa tinaguriang Dengvaxia cases, narinig namin ang pinakamatamis at pinakamagiliw na paglalarawan ng mga magulang sa kanilang mga anak, ngunit mula rin sa kanilang mga bibig ang pinakamasakit na pagbabahagi ng sinapit ng kanilang pinakamamahal na yumaong mga supling. Isa sa kanila si Gng. Sherry Mae A. Samorin ng Cebu City.


Narito ang bahagi ng kanyang matamis, ngunit mapait ding gunita sa kanyang kaisa-isang anak na si Zwitsal Samorin, pumanaw na Dengvaxia vaccinee:


“Si Zwitsal ay masayahin, masigla, aktibo at malusog na bata. Siya ay mahilig sumayaw at bilugan ang kanyang katawan at hindi pa nagkaroon ng malubhang sakit. Kailanman ay hindi pa siya nagkaroon ng malubhang karamdaman na nangangailangang siya ay maospital, bukod nang siya ay malubhang nagkasakit na humantong sa kanyang pagpanaw. Kahit siya ay nagkaroon na ng dengue bago maturukan, hindi naman siya naging kritikal. Monitoring lang ng fluids ang ginawa namin. Bakit nang mabakunahan siya ng Dengvaxia ay nagkasakit na siya?”


Si Zwitsal, 14, ay namatay noong Pebrero 23, 2018 sa isang ospital sa Cebu City. Siya ang ika-120 sa mga naturukan ng Dengvaxia at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} - na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya. Si Zwitsal ay naturukan ng Dengvaxia noong Hulyo 18, 2017 sa isang health center sa kanilang lugar. Ang kanyang pagkakasakit ay nagmula noong Agosto 2017. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at pananakit ng ulo. Noong Setyembre 2017 hanggang Oktubre 2017, nadagdagan pa ang mga nararamdaman ni Zwitsal hanggang sa lumubha ang kanyang kalagayan:

  • Setyembre 13 at 22 - Maliban sa pabalik-balik na lagnat, nagkaroon siya ng pagsusuka at ubo, sakit ng ulo at tiyan, kaya siya ay dinala sa isang ospital sa Cebu City. Sinabing nagkaroon siya ng Dengue kahit ayon kay Gng. Samorin ay wala naman silang isinagawang tests. Kaya kung ito ay totoo, ito umano ang pangalawang dengue ni Zwitsal; siya ay nagka-dengue na noong Setyembre 2016. Binanggit ni Gng. Samorin sa doktor na naturukan siya ng Dengvaxia. Aniya, “Hindi nila ako pinansin. Paulit-ulit kong sinasabi na palaging sumasakit ang ulo at tiyan niya at nagsusuka siya, pero pinalabas pa rin kami sa ospital noong September 22, 2017.”

  • Setyembre 25 at Oktubre 4 - Pumasok siya sa eskuwelahan noong Setyembre 25, pero pinauwi siya dahil nagkalagnat at sumakit na naman ang kanyang ulo, tiyan at nagsusuka pa rin siya. Sa bahay, natulog lamang siya at inobserbahan siya. Napansin ng kanyang pamilya na nagkaroon siya ng allergic reactions sa ininom niya na paracetamol. Namamaga ang kanyang mukha, kaya dinala siya sa isang ospital sa Cebu City noong Oktubre 4, 2017. Nalaman na siya ay may Sepsis Chronic Anemia at sinabihan sila na dapat siyang sumailalim sa 2D Echo dahil mabilis ang tibok ng kanyang puso. Niresetahan siya ng paracetamol na kaiba sa iniinom niyang Tempra para sa lagnat dahil sa kanyang allergic reactions. Binigyan din siya ng antibiotics para sa sepsis at iron supplement para sa kanyang anemia at umuwi na sila.

  • Oktubre 20, 2017 - Isinailalim siya sa 2D Echo sa isang ospital sa Cebu City. Nagtagal ang kanyang pag-inom ng antibiotics sa loob ng 15 araw. Ang iron supplement ay araw-araw niyang iniinom. Bumuti ang kalagayan niya sa tulong ng mga naturang gamot. Gayunman, pabalik-balik pa rin ang kanyang lagnat at sakit ng ulo at tiyan, kaya sa loob ng isang linggo ay tatlong araw lang siya nakakapasok sa paaralan.


Noong Nobyembre 2017 hanggang unang bahagi ng 2018 ang mga huling araw ni Zwitsal at pagsapit ng Pebrero ng naturang taon, siya ay binawian ng buhay. Narito ang ilang mga detalye:

  • Nobyembre 18 - Nagsabi siya sa kapatid ni Gng. Samorin na masakit ang ulo niya at sinabihan siya nito na matulog na ginawa naman niya.

  • Nobyembre 19- Hindi niya maigalaw ang kaliwang parte ng katawan niya at sumasakit ang kanyang ulo. Maputla rin ang kanyang katawan at parang na-paralyze ito. Nakaihi siya sa kanyang higaan at hindi na siya makabangon. Dinala siya sa ospital at kinuha ang clinical history niya at sinabi ng kanyang ina na mayroon siyang Sepsis Chronic Anemia. Inobserbahan siya at sinabing paralyzed si Zwitsal. Pinayuhan sila na ilipat siya sa ibang ospital dahil walang ICU ru’n. Sa pinaglipatang ospital, nakita sa CT Scan na mayroon siyang blood clot sa ulo na may laking 7mm. Ni-request agad ng neurosurgeon na maoperahan si Zwitsal. Noong Nobyembre 19, 2017, siya ay inoperahan at paulit-ulit pang inoperahan. Sumailalim siya sa anim na operasyon. Bago siya mamatay, nagtagal siya ng 89 araw sa ospital.

  • Pebrero 23, 2018 - Pumanaw si Zwitsal. Isinalaysay ni Gng. Samorin na “Ang orihinal na kopya ng Certificate of Death ni Zwitsal ay nasa ospital pa dahil hindi ko pa nababayaran ang bill na nagkakahalagang P1,643,980.75.”


Napakasakit para sa pamilya ni Zwitsal ang kanyang pagpanaw. Ang nagpapabigat pa sa pinapasan ng kanyang pamilya ay damang-dama sa mga salita ng kanyang ina, “Niloko pa ako ng DOH na tutulungan nila akong mabayaran ang napakalaking bill namin sa ospital, kaya ibinigay ko sa kanila ang mga dokumento ng aking anak na hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik. Mabuti na lang, nakuhanan ko ng larawan ang Dengvaxia card dahil kung hindi, wala na akong ebidensya na naturukan siya ng Dengvaxia. Nang magpadala ang PAO ng Demand Letter, hindi na umusad ang sinasabi nilang proseso para sa release ng financial assistance. Kung talagang totoo sa kanila ang pagtulong sa akin, isang taon nang patay ang aking anak, pero hindi pa rin nila ako tinutulungan. Nakapag-babang luksa na ako, pero wala pa rin ang sinasabi nilang tulong.”


Sa mga may pandama pang mga pinatutungkulan ni Gng. Samorin, tila hapdi ng latigo ang maaaring dumapo sa kanila. Sa kanila, lalo na sa mga awtoridad na tila manhid na, latigo ng batas ang nararapat, bagama’t sa inutang nilang mga buhay ay walang makakasapat na katapat. Tamang hustisya ang hiling ng pamilya ni Zwitsal at handa ang PAO na sila ay tulungang makamit ito.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 31, 2022



Kamakailan ay ating nailathala ang benepisyo at tulong na dulot ng bago lamang na naipasang batas tungkol sa administratibong proseso ng pag-aampon o ang Republic Act Number 11642.


Gayunman, marami ang nagtatanong — paano ang sitwasyon ng mga nameke ng birth record ng bata o nag-simulate ng kapanganakan alang-alang sa kapakanan at ikabubuti ng bata?


Marahil, marami ang magsasabi na kailanman ay hindi maaaring maging katwiran sa paggawa ng kamalian ang tila mabuting layunin. At ito naman ay nararapat at hindi mahirap intindihin sapagkat ang pagkakakilanlan at estado ng tao ang nakasalalay at naaapektuhan kapag nagkakaroon ng simulation ng birth o kapanganakan. Sa katunayan, para sa inyong kaalaman, ang akto ng pag-simulate ng birth o pamemeke ng birth record ay itinuturing na krimen na may karampatang kaparusahan.


Sa kabila ng mga nabanggit, hindi pa rin maipagkakaila na may mga sitwasyon pa rin ng simulation ng kapanganakan na masasabing produkto lamang ng kahirapan at pagpapaubaya para sa kapakanan ng bata. Tulad nang ating naunang naibahagi tungkol sa administratibong proseso ng pag-aampon na sadyang naging pagtugon ng ating pamahalaan sa mga dagok na kasunod ng judicial na proseso sa pag-aampon; ang Republic Act (R. A.) No. 11222 o mas kilala sa tawag na “Simulated Birth Rectification Act” naman ang naging tugon ng ating pamahalaan para sa mga sitwasyon kung saan ang kapakanan at ikabubuti naman ng kabataan ang natatanging konsiderasyon sa simulation.


Ayon sa Seksyon 2 ng nasabing batas, layunin ng Simulated Birth Rectification Act ang mga sumusunod:


Seksyon 2. Mga Layunin. – Layunin ng batas na ito ang mga sumusunod:


(a) Magbigay ng amnestiya at payagan ang pagwawasto ng simulated na kapanganakan ng isang bata kung saan ginawa ang simulation para sa kapakanan at pinakamahusay na interes ng bata, x x x;


(b) Ayusin ang katayuan at estado ng isang bata na ang kapanganakan ay na-simulate sa pamamagitan ng pagbibigay sa naturang bata ng lahat ng mga benepisyo dulot ng pag-aampon at pagtiyak na ang bata ay may karapatan katulad sa lahat ng mga karapatan na itinatadhana ng batas sa mga legal na inampon x x x;


(c) I-exempt sa kriminal, sibil, at administratibong pananagutan ang mga responsable sa pag-simulate sa rekord ng kapanganakan ng isang bata; at


(d) Magbigay at payagan ang isang mas simple at hindi gaanong magastos na administratibong pag-aampon.


Kaugnay ng mga nabanggit na layunin at katambal na rin ng kamakailan na batas na nagbigay-daan sa administratibong pamamaraan ng pag-aampon, binibigyan ng amnestiya ng batas at hindi na mahaharap sa mga kasong kriminal, sibil at administratibo ang taong nag-simulate ng birth ng isang bata kung ang mga sumusunod na rekisito ay mapatutunayan:


Ang simulation ay ginawa para sa kapakanan at pinakamahusay na interes ng bata;


Ang bata ay patuloy na isinasaalang-alang at tinatrato bilang kanilang sariling anak na babae o anak na lalaki:


Nag-file ng petisyon para sa pag-aampon (administratibo) sa loob ng sampung taon mula sa pagsasabatas ng R. A. No. 11222 o mula ika-10 ng Disyembre taong 2019 hanggang ika-29 ng Marso 2029; at


Ang bata ay nakatira kasama ang mag-aampon nang hindi bababa sa tatlong (3) taon bago ang bisa ng R. A. No. 11222. (Tingnan ang Seksyon 4 at 5 ng R. A. No. 11222 at ang Department of Social Work and Development Memorandum Circular No. 16, s. 2020)


Pakatandaang mabuti na kinakailangan na ang “Petition for Adoption With An Application For The Rectification Of The Simulated Birth Record” ay maisasampa sa loob ng sampung taon mula nang naging epektibo ang batas na ito.


Alinsunod sa mga nabanggit, kung papasok ang sitwasyon ng nag-simulate ng kapanganakan sa mga nasabing rekisito, hindi lamang mabibigyan ng kapatawaran at amnestiya ang nasabing aktor sa kanyang mga nagawa, bagkus at higit sa lahat — ang kapakanan ng bata ay mas mapagtitibay sa pamamagitan ng pagbibigay-selyo at kasiguraduhan sa kanyang estado bilang anak at pagbibigay-daan kalinawan, at katapatan sa pinagmulan ng bata.


Samakatwid, sa tulong ng Simulated Birth Rectification Act, ang karapatang malaman ang kanyang tunay na pagkakakilanlan at matamasa ang mga karapatan kaakibat ng pagiging tunay na anak nang walang halong pag-iimbot at pag-aalinlangan ay abot kamay na.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page