top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 7, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang natural-born Filipino citizen, ngunit sa kasalukuyan ay isa nang Canadian citizen.


Hindi ako nakapag-elect ng dual citizenship. Gusto kong malaman kung maaari ko bang bilhin ang lupa rito sa Pilipinas na ipinagbibili ng aking pinsan? –Greg

Dear Greg,


Ang mga batas na sasaklaw tungkol sa iyong katanungan ay ang Batas Pambansa (BP) Blg. 185, at ang Republic Act (R.A.) No. 7042 (as amended by R.A. No. 8179) o mas kilala bilang “Foreign Investments Act of 1991”. Nakasaad sa BP Blg. 185 na:


“Section 2. Any natural-born citizen of the Philippines who has lost his Philippine citizenship and who has the legal capacity to enter into a contract under Philippine laws may be a transferee of a private land up to a maximum area of one thousand square meters, in the case of urban land, or one hectare in the case of rural land, to be used by him as his residence. In the case of married couples, one of them may avail of the privilege herein granted; Provided, That if both shall avail of the same, the total area acquired shall not exceed the maximum herein fixed.

In case the transferee already owns urban or rural lands for residential purposes, he shall still be entitled to be a transferee of additional urban or rural lands for residential purposes which, when added to those already owned by him, shall not exceed the maximum areas herein authorized.”

Kaugnay nito, ang karapatan ng isang natural-born Filipino citizen na nagkaroon na ng ibang citizenship at magmay-ari ng lupain sa Pilipinas ay pinalawig ng R.A. No. 7042 (as amended by R.A. No. 8179). Nakasaad sa Section 10 ng nabanggit na batas na:


“SEC. 10. Other Rights of Natural Born Citizen Pursuant to the Provisions of Article XII, Section 8 of the Constitution. – Any natural born citizen who has lost his Philippine citizenship and who has the legal capacity to enter into a contract under Philippine laws may be a transferee of a private land up to a maximum area of five thousand (5,000) square meters in the case of urban land or three (3) hectares in the case of rural land to be used by him for business or other purposes.


In the case of married couples, one of them may avail of the privilege herein granted: Provided, That if both shall avail of the same, the total area acquired shall not exceed the maximum herein fixed.

In case the transferee already owns urban or rural land for business or other purposes, he shall still be entitled to be a transferee of additional urban or rural land for business or other purposes which when added to those already owned by him shall not exceed the maximum areas herein authorized.”

Alinsunod sa mga nabanggit na probisyon ng batas, ang isang natural-born Filipino citizen na nagkaroon na ng ibang citizenship, liban lamang kung siya ay dual-citizen, ay may karapatang magmay-ari ng lupa sa Pilipinas na hindi hihigit sa sukat na limang libong (5,000) metro kwadrado kung ito ay nasa urban area, at hindi hihigit sa tatlong (3) ektarya kung ito ay nasa rural area. Ang mga nasabing lupain ay maaaring gamitin bilang tahanan, negosyo o sa ibang layunin. Sa pagkakataon na siya ay mayroon nang lupain sa Pilipinas, siya ay maaari pa ring magmay-ari ng lupain, ngunit ito ay marapat na hindi lumagpas sa limitasyong itinakda ng batas.


Ibig sabihin, bilang dating Pilipino, maaari ka pa ring magmay-ari ng lupain dito sa Pilipinas.

Kailangan lamang ay hindi hihigit ang sukat nito sa mga itinakda ng batas.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Daing mula sa hukay | February 3, 2023


Sa tinaguriang Dengvaxia cases na hawak ng aming tanggapan, karaniwan na ang mga kuwento ng kagitingan ng mga bata at kabataang vaccinees na nasawi, ganundin ang mga patuloy na nabubuhay ngunit may iniindang karamdaman.


Ang kagitingang ito ay maaaring munti lamang sa paningin ng iba, ngunit ang mga ito ay mahahalagang alaala tungkol sa kanilang pagsisikap na mapagaan man lamang ang kalooban ng kanilang mga mahal sa buhay na labis na nasasaktan sa kanilang pinagdadaanan.


Ang kagitingang ito ay naisagawa sa kabila ng kanilang karamdaman, at ang iba ay sa kabila ng pagkakaroon ng gahiblang sandali na lamang na nagdudugtong sa kanilang mga buhay. Isa sa mga kabataang ito si Harold D. Polistico, Jr.


Ayon sa kanyang ina na si Gng. Rowena Polistico ng Manila, “Kinabukasan, ika-28 ng Marso 2019, ay pinilit ng aking anak na dumalo sa Recognition Day upang tanggapin ang kanyang medalya. Habang nagtatalumpati ang aking anak, napansin kong hindi niya maiangat ang kanyang kamay. Madalas din ang paglapit niya sa akin dahil sa pananakit ng kanyang ulo. Agad ko siyang dinala sa ospital at nakitang mababa ang kanyang oxygen saturation. Inirekomenda agad ng doktor na i-oxygen ang aking anak.”


Ilang araw lamang ang nakalipas mula nang mangyari ang tagpong ito, si Harold ay pumanaw noong Abril 9, 2019. Si Harold ay 11-anyos, ang ika-145 sa mga naturukan ng Dengvaxia na under Clinical Trial Phase 3 (WHO, Peter Smith) at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} - na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya.


Ayon sa kanyang Certificate of Death, siya ay namatay dahil sa Acute Respiratory Failure Secondary To Tension Pneumothorax (Immediate Cause), Pneumonia, (Antecedent Cause), Restrictive Lung Disease, Shprintzen Goldberg Syndrome (Other Significant Conditions Contributing to Death).


Siya ay naturukan ng Dengvaxia sa isang health center sa Manila noong Setyembre 5, 2017. Sabi ni Aling Rowena sa kanyang salaysay, “Ang pagbabakuna ng Dengvaxia ay una kong nalaman sa aking asawa na si Harold Polistico, Sr. bilang isa siyang pulis. Ayon sa aking asawa, may programa ang Department of Health (DOH) na magbigay ng libreng bakuna kontra dengue sa miyembro ng pamilya ng kapulisan. Hindi na kami nagpabakuna noon sa Headquarters ng Philippine National Police dahil may anunsiyo rin ang aming barangay hinggil sa libreng pagbibigay ng bakuna kontra dengue. Sa aming barangay nabakunahan ng Dengvaxia ang aking anak. Ang pagkabakuna niyang ‘yun ang nagpahirap sa amin at siyang kumitil sa kanyang buhay dahil matapos siyang mabakunahan ay lagi na siyang nagrereklamo ng pananakit ng ulo.”


Pagdating ng mga taong 2017 at 2018, narito ang ilan sa mga naranasan ni Harold:


  • Oktubre hanggang Disyembre 2017 - Masakit ang kanyang ulo at tiyan, sumasakit at nangangalay ang kanyang kaliwang binti. Nahihirapan din siyang huminga. Nagpatuloy ang mga ito hanggang Disyembre 2017.

  • Pebrero 15 hanggang 20, 2018 - Nagkalagnat siya ulit. Masakit din ang ulo at tiyan niya, at may ubo. Isinugod siya ng kanyang nanay sa isang ospital sa Manila, na-admit siya nang limang araw at sinabi na may pneumonia siya. Noong Pebrero 20, na-discharge siya at niresetahan ng antibiotics.

  • Marso 1 hanggang 11, 2018 - Muli siyang nagkalagnat at nahirapang huminga. Noong Marso 2, 2018, mababa diumano ang oxygen level niya at siya ay nilagyan ng oxygen sa ospital. Pneumonia pa rin ang diagnosis sa kanya. Noong Marso 11, na-discharge siya sa ospital.

  • Disyembre 2018 - Sa follow-up check-up, nahirapan siyang huminga.


Pagdating ng 2019, narito ang ilan sa matitinding sinapit niya bago pumanaw:


  • Marso 25 - Malala ang kanyang ubo, mababa rin ang oxygen saturation niya.

  • Marso 27 at 28 - Muli siyang nahirapang huminga.Pinausukan siya sa kanilang bahay. Naganap ang pangyayaring nabanggit sa itaas ng artikulong ito, ang tungkol sa pagpilit niya na pagdalo sa kanilang Recognition Day, kung saan nahirapan siyang huminga. Sa pinagdalhan sa kanyang ospital, walang oxygen machine at hindi inasikaso ng doktor na nakatalaga noon sa emergency room ng ospital si Harold, kaya siya ay inilipat sa ibang ospital. Nagsisigaw siya dahil nahirapan siyang huminga, in-ambu bag siya. Hindi rin alam ng mga doktor ang dapat gawin sa karamdaman niya dahil wala silang ideya sa kanyang medical history. Siya ay in-intubate.

  • Abril 2 at 7 - Inilipat siya sa ibang ospital. Noong Abril 7, nagkalagnat siya at masakit ang kanyang ulo. Hirap na hirap siyang huminga, gayundin, tumataas ang BP niya.

  • Abril 9 - Naging kritikal ang kanyang kalagayan. Nagpaalam siya sa kanyang pamilya at pagsapit ng alas-5:00 ng hapon ay pumanaw na siya.


Ayon sa kanyang ina, “Noong taong 2013, na-diagnose sa sakit na Shprintzen Goldberg Syndrome ang aking anak. Mula noon, naka-wheel chair na siya. Sa kabila ng kanyang kalagayan, normal at maayos pa rin naman ang pamumuhay niya. Hindi rin nagka-dengue infection ang aking anak bago siya maturukan ng Dengvaxia.


“Ako ay naniniwala talaga na ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay ay ang itinurok sa kanyang Dengvaxia na bigay ng DOH.”


Noong si Harold ay nabubuhay, siya ay may matayog na pangarap. Sa pag-abot sana niya ng kanyang mga inaasam, maaari niyang maging tuntungan ang kanyang katalinuhan at talento sa pagkanta at pagtugtog ng ukulele. Ang mga ito ay napako sa kawalan. Ngunit ang ganitong pangyayari na wala nang kinahantungan ay hindi papayagan ng Pamilya Politisco na maganap nang walang makatwirang paglaban sa hukuman.


Kaya kasabay ng paghiling nila ng forensic services sa PAO Forensic Team, ay hiniling din nila ang libreng serbisyo-legal ng PAO. Kasama nila kami ngayon sa kanilang laban para sa paghahanap ng hustisya para kay Harold at iba pang tulad niyang mga biktima ng nakalalasong gamot na Dengvaxia. Mananatiling matatag ang aming tanggapan na ipaglaban ang kaso ng Pamilya Polistico at iba pang biktima ng Dengvaxia.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 2, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking asawa ay nagtrabaho bilang isang domestic helper sa Saudi Arabia.


Makalipas lamang ang ilang buwan ay pinag tangkaan siyang gahasain ng kanyang among lalaki.


Sumunod dito, nakatanggap din siya ng pisikal ns pang-aabuso mula sa kanyang among babae.


Sinubukan niyang tumakas at siya ay nakapunta sa Embahada ng Pilipinas. Ngunit bago siya makauwi at i-release ang kanyang sahod, siya ay pinapirma ng Final Settlement and Certification. Ang sabi ng kinatawan sa Embahada ay pirmahan na lamang niya ito para siya ay makauwi at sa Pilipinas na lamang magsampa ng kaso laban sa kanyang agency. Pag-uwi niya ng Pilipinas, siya ay nagsampa ng kasong constructive dismissal laban sa kanyang agency. Ang sabi ng agency, hindi raw siya maaaring magkaso ng constructive dismissal, sapagkat siya ay pumirma sa Final Settlement and Certification. Tama ba ito? –Roland


Dear Roland,


Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng Korte Suprema sa kasong Donna B. Jacob v. First Step Manpower Int’l Services, Inc., (G.R. No. 229984, July 8, 2020, Ponente: Honorable Associate Justice Marvic Leonen), kung saan sinabi ng Korte Suprema na pangkaraniwang tinitingnan ng may pagkadismaya ng mga korte ang mga waiver o quitclaim at hindi nito maaaring pigilan ang empleyado na hingin ang benepisyong nararapat para sa kanya. Ayon sa Korte Suprema:


“Notably, as a general rule, "deeds of release, waivers, or quitclaims cannot bar employees from demanding benefits to which they are legally entitled or from contesting the legality of their dismissal, since quitclaims are looked upon with disfavor and are frowned upon as contrary to public policy." The burden of proving that petitioner voluntarily entered into the agreement lies with the employer, which in this case, respondents miserably failed to do.


Apart from merely claiming that petitioner's homesickness led her to voluntary resign from her job (as evinced by the execution of the Final Settlement), respondents failed to present other concrete evidence to support the assertion.


Also, the lack of any physical coercion on the part of petitioner does not automatically suggest that she voluntarily adhered to the stipulations in the Final Settlement. This is especially so in light of her helpless situation, away from the comforts of her family and support group. Out of dire necessity and desperation, it is evident that signing the Final Settlement and Certification was her only choice as it was, in fact, explicitly noted therein that it was a ‘condition for the worker's repatriation.’ Besides, it would be irrational for petitioner to resign and thereafter file a case for illegal dismissal since ‘resignation is inconsistent with the filing of the said complaint.’ Given that resignation ‘is a formal pronouncement of relinquishment of an office,’ it must be concurrent with the intent and the act.”


Gaya sa kaso ng iyong asawa, ang kanyang pagpirma sa Final Settlement and Certification ay bunga ng kanyang masidhing pagnanais na makauwi sa ating bansa.


Kasunod nito ay agaran siyang nagsampa ng kasong constructive dismissal laban sa kanyang agency. Ito ay mga indikasyon na hindi naging boluntaryo ang kanyang pagpirma sa nasabing quitclaim at dahil dito, hindi nito maaaring pigilan ang karapatan ng iyong asawa na habulin ang benepisyong nararapat para sa kanya.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page