- BULGAR
- Jun 30, 2023
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 30, 2023
Dear Chief Acosta,
Isa akong PWD at madalas ay sumasakay ako ng taxi papunta sa aking trabaho dahil maulan ang panahon ngayon. Dahil dito ay nakadadagdag ito sa aking gastusin na maaaring makaapekto sa aking budget sa isang buwan. Nais ko lamang malaman kung may diskwento ba ang aking pamasahe sa taxi. Salamat sa inyo. - Put
Dear Put,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 20 ng Republic Act (RA) No. 10754 o ang “An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons With Disability (PWD)”, na nagsaad na:
“SECTION 1. Section 32 of Republic Act No. 7277, as amended, otherwise known as the “Magna Carta for Persons with Disability”, is hereby further amended to read as follows:
‘SEC. 32. Persons with disability shall be entitled to:
‘(a) At least twenty percent (20%) discount and exemption from the value-added tax (VAT), if applicable, on the following sale of goods and services for the exclusive use and enjoyment or availment of the PWD.”
‘(7) On actual fare for land transportation travel such as, but not limited to, public utility buses or jeepneys (PUBs/PUJs), taxis, Asian utility vehicles (AUVs), shuttle services and public railways, including light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) and Philippine National Railways (PNR).’”
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang mga tao na kinokonsidera ng batas na persons with disability (PWD) ay binibigyan ng karapatan na magkaroon ng diskwento na 20% at hindi nasasakop ng pagbabayad ng Value-Added Tax (VAT) sa aktuwal na pamasahe para sa kanyang transportasyon sa mga pampublikong sasakyan, gaya ng mga public utility buses o jeepneys, taxis, Asian utility vehicles (AUVs), shuttle services at mga pampublikong railways katulad ng ating Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR). Kung kaya patungkol sa nasabi mo na sitwasyon, bilang PWD, ikaw ay nararapat na magkaroon ng diskwento na 20% at pag-alis ng VAT sa ibinabayad mong pamasahe sa taxi sa tuwing pumapasok ka sa iyong trabaho.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




