top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 4, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako at ang aking kapatid ay naglilingkod sa isang restaurant bilang mga “cook.” Noong nakaraang Pasko, kami ay sinabihan na bawal kaming mag-leave dahil inaasahan ang dagsa ng mga tao dahil sa kapaskuhan. Dahil mahalaga ang pamilya para sa akin ay nagdesisyon akong lumiban pa rin sa trabaho. Nang sumunod na araw ay pumasok ako ngunit narinig ko na kami ay didisiplinahin ng aming amo. May mga kuro-kuro rin na kami ay tatanggalin sa trabaho. Nagdesisyon kaming magkapatid na ‘wag nang tumuloy sa pagpasok at kinabukasan ay nagtungo kami sa NLRC upang magsampa ng kaso. Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap kami ng notice mula sa aming amo na kami diumano ay AWOL at agarang pinababalik sa trabaho. Hindi po ba illegal dismissal o termination ang ginawa sa amin? - Mandy


Dear Mandy,


Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Efren Santos, Jr. et al. v. King Chef, et al., G.R. No. 211073, November 25, 2020, Ponente: Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, kung saan sinabi na kinakailangan munang patunayan ng isang empleyado na siya ay tinanggal sa trabaho bago masabi na nagkaroon ng illegal dismissal. Ayon sa Korte Suprema:


“In cases of illegal dismissal, the employer bears the burden to prove that the termination was for a valid or authorized cause. But before the employer must bear the burden of proving that the dismissal was legal, it is well-settled that the employees must first establish by substantial evidence that indeed they were dismissed. If there is no dismissal, then there can be no question as to the legality or illegality thereof.


Here, after a meticulous study of the records, We find that there is no substantial evidence to establish that petitioners were in fact dismissed from employment. Petitioners merely alleged that they were terminated by their chief cook and were barred from entering the restaurant, without offering any evidence to prove the same. They failed to provide any document, notice of termination or even any letter or correspondence regarding their termination. Aside from their bare allegations, they did not present any proof which would at least indicate that they were in fact dismissed.


On the contrary, the evidence on record points to the fact that after petitioners failed to report on December 25, 2011, and after they went back to their workplace merely to get their share in the tips the following day, they refused to return to work and continued to be on AWOL thereafter.”

Samakatuwid, bago patunayan ng inyong employer na may basehan ang inyong pagkatanggal sa trabaho, kailangan n'yo munang patunayan na kayo ay talagang tinanggal sa trabaho. Sa inyong kaso, base lamang sa kuro-kuro na kayo ay tatanggalin sa trabaho kaya nagdesisyon kayong magkapatid na hindi na pumasok sa trabaho at ireklamo ang inyong employer. Kung wala nang iba pang pangyayari na magpapakita na kayo ay tahasang tinanggal sa trabaho, maaaring masabi na walang naging “termination” o “dismissal” na nangyari.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 2, 2023


Marami sa ating mga kababaihan ang madalas na biktima ng lalaking nagpapanggap na binata subalit ito pala ay kasal na. Kaya naman, ang taong biktima ng ganitong pangyayari ay mayroong karapatan laban sa mapanloko niyang kabiyak.


Ang kasal ng isang tao na mayroon nang naunang kasal ay itinuturing ng batas na walang bisa. Ang probisyon ng batas na ito ay matatagpuan sa Article 35 ng Family Code kung saan nakasaad ang mga sumusunod:


Article 35. The following marriages shall be void from the beginning:

  1. Those contracted by any party below eighteen years of age with the consent of parents or guardians;

  2. Those solemnized by any person not legally authorized to perform marriages unless such marriages were contracted with either or both parties believing in good faith that the solemnizing officer had the legal authority to do so;

  3. Those solemnized without a license, except those covered by the preceding Chapter;

  4. Those bigamous or polygamous marriages not falling under Article 41;

  5. Those contracted through mistake of one contracting party as to the identity of the other;

  6. Those subsequent marriages that are void under Article 53.”


Ang kasal ng isang tao sa isang dati nang ikinasal ay nabibilang sa ikaapat na bahagi.


Walang bisa ang kasal na ito dahil itinuturing itong isang bigamous marriage. Sa ganitong pagkakataon, ang biktima ay maaaring maghain ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage sa Regional Trial Court na gumaganap bilang Family Court sa lugar kung saan naganap ang nasabing pangalawang kasal o kung saan nakatira ang taong maghahain ng nasabing petisyon sa loob ng 6 na buwan o mahigit pa. Kakailanganin lamang ang isang abogado upang gumawa ng nasabing petisyon. Nangangahulugan na sa petisyon na ito ay hihilingin ng biktima na ideklara ng hukuman na walang bisa ang kanyang kasal sapagkat ito ay bigamous.


Maaari rin siyang maghain ng kasong kriminal laban sa kanyang asawa sa ilalim ng Article 349 ng Revised Penal Code kung saan nakasaad na:


“Art. 349. Bigamy. - The penalty of prision mayor shall be imposed upon any person who shall contract a second marriage or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings.”


Ayon sa batas, ang kasal ay isang espesyal na kontrata para sa pagtatag ng pamilya kung kaya naman maliban sa paraan kung papaano nila pangangasiwaan ang kanilang mga ari-arian na maaaring pagkasunduan sa isang marriage settlement, ang lahat ng iba pang insidenteng may kinalaman sa kanilang kasal ay hindi maaaring mapagkasunduan ng mag-asawa. Bagkus, ito ay pinapangasiwaan ng batas.


Pinarurusahan ng batas ang sinuman na magpakasal muli habang ang kanyang unang kasal ay hindi pa nadedeklarang walang bisa ng husgado. Ang isang tao ay maaari lamang magpakasal muli kapag mayroon nang deklarasyon ang hukuman na ang kanyang kasal ay wala nang bisa o pinawalan ng bisa ayon sa batas. Kung malalabag ito, maaaring ihain ang reklamo sa Office of the City o Provincial Prosecutor sa lugar kung saan naganap ang pangalawang kasal.


Bukod sa paghahain ng mga nabanggit na aksyon, maaari ring maghain ang babaeng biktima ng kanyang petisyon upang mabigyan ng suportang pinansyal ang kanyang mga anak na naging bunga ng hindi balidong kasal, bagama’t itinuturing na hindi lehitimong anak ang mga ito. Ito ay ayon sa batas na nagtatakda na kapag ang pangalawang kasal na kinokonsiderang hindi balido dahil sa nauna nang kasal, ang mga supling ay itinatalagang mga hindi lehitimong mga anak sa kadahilanang walang balidong kasal na nangyari sa pagitan ng kanilang mga magulang. Subalit ang nasabing mga supling ay mayroong karapatan laban sa kanilang ama na humingi ng sapat na suporta para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan. Mayroon din silang karapatan mabigyan ng mana ayon sa probisyon ng batas na makikita sa Article 176 ng Family Code kung saan nakasaad na:


“Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child.”


 
 
  • BULGAR
  • Jul 1, 2023

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 1, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang kasambahay. Tinanggal ako ng aking amo sa trabaho dahil wala na diumano silang pampasuweldo sa akin. May makukuha po ba akong danyos sa aking amo? -Bea


Dear Bea,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong suliranin ay ang Republic Act (RA) No. 10361 o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay”. Nakasaad sa Section 32 ng R.A. No. 10361 ang mga sumusunod:


SEC. 32. Termination of Service. – Neither the domestic worker nor the employer may terminate the contract before the expiration of the term except for grounds provided for in Sections 33 and 34 of this Act. If the domestic worker is unjustly dismissed, the domestic worker shall be paid the compensation already earned plus the equivalent of fifteen (15) days work by way of indemnity.


Samantala, nakasaad sa Section 34 ng nasabing batas, kung kailan maituturing na may sapat na basehan ang pagtanggal sa isang kasambahay.


SEC. 34. Termination Initiated by the Employer. – An employer may terminate the services of the domestic worker at any time before the expiration of the contract, for any of the following causes:

a. Misconduct or willful disobedience by the domestic worker of the lawful order of the employer in connection with the former’s work;

b. Gross or habitual neglect or inefficiency by the domestic worker in the performance of duties;

c. Fraud or willful breach of the trust reposed by the employer on the domestic worker;

d. Commission of a crime or offense by the domestic worker against the person of the employer or any immediate member of the employer’s family;

e. Violation by the domestic worker of the terms and conditions of the employment contract and other standards set forth under this law;

f. Any disease prejudicial to the health of the domestic worker, the employer, or member/s of the household; and

g. Other causes analogous to the foregoing.”

Samakatuwid, walang sapat na basehan o dahilan ang pagkakatanggal sa ‘yo. Dahil dito, maaari mong masingil ang mga sumusunod mula sa iyong dating amo:

a. Kabayaran sa mga araw na ikaw ay nagtrabaho kung hindi pa nabayaran ukol dito;

b. Danyos na katumbas ng iyong 15 araw na sahod.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page