top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 06, 2023


Dear Chief Acosta,


Kasalukuyan kong ipinagbubuntis ang aking panganay na anak. Dahil maselan ang aking pagbubuntis, ako ay napilitang hindi na muna magtrabaho. Sinubukan kong humingi ng sustento sa ama ng aking dinadalang anak sapagkat napakagastos pala ng pagbubuntis, ngunit sinabi niya sa akin na magbibigay lamang siya ng sustento kapag isinilang ko na ang bata. Nararapat ba ang kanyang naging tugon? - Beth


Dear Beth,


Para sa iyong kaalaman, mayroong napagdesisyunang kaso ang Korte Suprema na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Quimiguing v. Icao, G.R. No. 26795, July 31, 1970, Ponente: Honorable Associate Justice Jose Benedicto Luis Luna “J.B.L.” Reyes, nakasaad na:


“We find the appealed orders of the court below to be untenable. A conceived child, although as yet unborn, is given by law a provisional personality of its own for all purposes favorable to it, as explicitly provided in Article 40 of the Civil Code of the Philippines. The unborn child, therefore, has a right to support from its progenitors, particularly of the defendant-appellee (whose paternity is deemed admitted for the purpose of the motion to dismiss), even if the said child is only “en ventre de sa mere”; just as a conceived child, even if as yet unborn, may receive donations as prescribed by Article 742 of the same Code, and its being ignored by the parent in his testament may result in preterition of a forced heir that annuls the institution of the testamentary heir, even if such child should be born after the death of the testator (Article 854, Civil Code).


It is thus clear that the lower court’s theory that Article 291 of the Civil Code declaring that support is an obligation of parents and illegitimate children “does not contemplate support to children as yet unborn”, violates Article 40 aforesaid, besides imposing a condition that nowhere appears in the text of Article 291. It is true that Article 40 prescribing that “the conceived child shall be considered born for all purposes that are favorable to it” adds further “provided it be born later with the conditions specified in the following article” (i.e., that the foetus be alive at the time it is completely delivered from the mother's womb). This proviso, however, is not a condition precedent to the right of the conceived child; for if it were, the first part of Article 40 would become entirely useless and ineffective.”


Sang-ayon sa nabanggit, ang isang unborn child/fetus ay binibigyan ng ating batas ng pansamantalang pagkakakilanlan upang makamit niya ang mga benepisyo at sustentong nararapat sa kanya mula sa kanyang mga magulang o lolo at lola, kahit siya ay nasa sinapupunan pa lamang. Ibig sabihin, hindi tama ang naging tugon sa iyo ng ama ng iyong ipinagbubuntis na sanggol sapagkat sa ngayon pa lamang ay obligado na siya na magbigay ng sustento, upang masigurado ang ikabubuti ng bata.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 01, 2023


Ang bawat mag-asawa ay may karapatang maging masaya sa kani-kanilang buhay may-asawa. Kasama rito ang pagdadamayan sa lahat ng oras at pagkakataon. Sa katunayan, ang pabaon sa bawat mag-asawa noong sila ay humarap sa dambana ay ang mga katagang, “Ang mag-asawa ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa kalusugan at sa kahinaan, sa kasaganaan at sa kahirapan; hanggang sa kamatayan ay magsasama.”


Subalit, may mga pagkakataon na dumarating sa buhay ng mag-asawa kung saan sa kabila ng kanilang pagsisikap na gampanan ang kanilang mga obligasyon ay hindi ito sumasapat at hindi na sila nagiging maligaya sa isa’t isa.


Kapag dumating ang sitwasyong hindi na maligaya ang mag-asawa sa piling ng isa’t isa ay may karapatan din naman sila na makakita ng kapayapaan ng kalooban at makawala sa tanikala ng kasal. Sa ngayon, may mga remedyo at karapatan sa ilalim ng batas ang isang asawa na maghain ng mga sumusunod:


  1. Petition for Annulment of Marriage under Article 45of the Family Code;

  2. Petition for Legal Separation under Article 55 of the Family Code;

  3. Petition for Declaration of Nullity of Marriage under Articles 36, 37, 38 and 41 of the Family Code.


Ang tatlong ito ay may mga limitadong kadahilanan kung kailan lamang ito maaaring magamit bilang remedyo o hakbang. Malimit na nagagamit bilang paraan upang maipawalang-bisa ang kasal ang probisyon ng Article 36 ng Family Code kung saan nakasaad na:


“Art. 36. A marriage contracted by any party who, at the time of the celebration, was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage, shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization.”


Base sa nabanggit na probisyon, ating makikita na kapag ang isang partido sa kasal ay mayroong psychological incapacity para gampanan ang kanyang obligasyon bilang isang asawa, ang kanilang kasal ay itinuturing na walang bisa kahit na lumabas lamang ito matapos na ang kasal. Sa mga unang naging desisyon ng ating Korte Suprema, ang psychological incapacity ay itinuring na isang kapansanang mental na nakakaapekto nang sobra sa pagtupad ng isang tao sa kanyang mga obligasyon bilang isang asawa.


Subalit sa kaso ng Tan-Andal versus Andal, G.R. No. 196359, May 11, 2021, na isinulat ni Honorable Associate Justice Marvic Mario Victor F. Leonen, binigyang-diin ng Korte Suprema na ang psychological incapacity ay hindi isang sakit sa pag-iisip o isang personality disorder na kailangang patunayan ng isang eksperto. Sa nabanggit na kaso, sinabi ng Korte Suprema na:


“Psychological incapacity is neither a mental incapacity nor a personality disorder that must be proven through expert opinion. There must be proof, however, of the durable or enduring aspects of a person’s personality, called “personality structure,” which manifests itself through clear acts of dysfunctionality that undermines the family. The spouse’s personality structure must make it impossible for him or her to understand and, more important, to comply with his or her essential marital obligations.”


Malinaw na inihayag ng Korte Suprema na ang psychological incapacity ay hindi kapansanan sa pag-iisip o isang kaguluhan sa pagkatao na nangangailangan ng opinyon ng isang eksperto. Kinakailangan lamang na mayroong basehan o patunay na ebidensya na ang ugali o pagkatao ng isang partido ay naghahayag nang malinaw na akto na nagpapahina ng pamilya. Kalaunan, ang istraktura ng pagkatao ng asawa ay gagawing imposible na maintindihan nito at magampanan ang kanyang mahalagang obligasyon bilang asawa.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 30, 2023


Dear Chief Acosta,


May mga pagkakataon na napipilitan kaming mag-asawa na sumakay ng taxi. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, maraming taxi drivers ang namimili, tumatanggi sa pasahero. Ang totoo, ilang beses nang nangyari sa amin na tinanggihan kami ng taxi driver sa kadahilanang malayo at/o ma-traffic ang aming destinasyon. Naaayon ba ito sa ating batas? - Jocel


Dear Jocel,


Sang-ayon sa Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01 dated 2 June 2014, na inilabas ng noon ay Department of Transportation and Communication (DOTC), ang “Refusal to render service to the public or convey passenger to destination” o ang pagtanggi sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko o paghahatid ng pasahero sa patutunguhan ay magreresulta sa PhpP5,000.00 hanggang Php15,000.00 na multa at/o pagkansela ng Certificate of Public Conveyance (CPC). Ito ay maituturing na violation sa kanilang prangkisa. Ang bahagi ng nasabing Order ay nagsasaad ng mga sumusunod:


“VIOLATIONS IN CONNECTION WITH FRANCHISE


TYPE OF VIOLATION

PENALTIES


2. Refusal to render service to the public or convey passenger to destination *

1st Offense – fine of P5,000.00


2nd Offense – fine of P10,000.00 and impounding of unit for thirty (30) days


3rd and subsequent Offenses – fine of P15,000.00 and cancellation of CPC where the unit is authorized


Except in cases of colorum violation, as provided above, the LTFRB, in the application of these fines and penalties, shall count offenses against operators and not against a particular motor vehicle or CPC. Hence, the second offense committed by a different vehicle of the same operator shall be counted as second (2nd) offense and another offense by a third vehicle of the same operator shall be counted as a third (3rd) offense, provided all apprehended vehicles belong to the same CPC.”


Kung kaya, kung mararanasan muli ito, tandaan lamang ang plate number ng taxi, at agad itong i-report sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Kung mapapatunayang may paglabag ang operator ng taxi, maaaring mapatawan ng multa, at/o makansela ang CPC kung paulit-ulit ang paglabag.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page