top of page
Search

by BRT @News | February 26, 2026



14 arrested cybercrime hub in Pampanga - National Bureau of Investigation - DOJ

Photo: National Bureau of Investigation



Isang cyber scam hub sa Clark Freeport, Pampanga ang binuwag ng National Bureau of Investigation-NCR, kung saan inaresto ang 14 na indibidwal na umano’y nanloloko ng mga retirado at iba pang mamamayan.


Noong Pebrero 21, nagsilbi ng search warrant ang mga ahente ng NBI sa isang pasilidad sa Clark at narekober ang mga computer, cellphone, maraming SIM cards, at listahan ng personal na impormasyon ng mga posibleng biktima.


Gumagamit umano ang grupo ng “social engineering” at phishing links para mahikayat ang mga biktima na mag-invest sa pekeng online platform. Kapag nakapag deposito na ang mga ito, hindi na nila nababawi ang kanilang pera.


 
 

ni Gina Pleñago @News | August 17, 2023




Nagtayo ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng police desk sa bawat istasyon sa Metro Manila na hahawak lamang sa mga kaso na may kaugnayan sa cybercrime.


Ayon kay NCRPO Director, P/Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ikinukonsidera na ng pulisya na pinakamalaking banta ang cybercrime dahil nasa technological era na rin ang Pilipinas.


Inilunsad ang anti-cybercrime desks makaraan ang pagtatapos kahapon sa NCRPO Headquarters ng 233 partisipante ng Basic Cybercrime Investigation Seminar Classes 2023-01 at 02.


Nagbuo rin ang NCRPO ng tinatawag nilang Process Flow Diagram na nakasaad kung paano hahawakan ang assessment sa mga walk-in complaints, reklamo sa short messaging system (SMS o text messaging), e-Complaint Desk, e-Complaint Text/Hotline

number, at mga kasong inire-refer mula sa ibang units.


Ang mga pulis na nagtapos sa kurso ang siyang magmamando sa desks at magbibigay ng tulong sa imbestigasyon ng mga kaso na may kinalaman sa internet sa ilalim ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.


Seserbisyuhan umano ng anti-cybercrime desks ang lahat ng 'cyber-related crimes' kabilang ang paglabag sa Special Laws related to R.A. 9775 (child pornography) na nirebisa sa ilalim ng R.A. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse of Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act of 2022.



 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 23, 2021



May babala ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa publiko kaugnay sa mga lumalaganap na mga online scam lalo na ngayong holiday season.


Ayon sa PNP ACG, mayroong mga nagtitinda online na wala naman talagang aktuwal na produkto.


Kadalasan umano, ipino-post ng mga scammer ang mga mamahaling produkto mula sa sikat na brand sa murang halaga at sa sandaling mayroong umorder, peke ang ipinapadalang produkto at kung minsan ay wala talagang ipinapadala.


Mayroon din umanong online travel scam kung saan makatatanggap ng email ang isang tao na mayroon siyang “free trip” sa ibang bansa at hihingan ang biktima ng reservation fee na higit ang kamahalan sa normal price nito.


Payo ng PNP ACG, kilatisin muna ang mga alok online at huwag basta-bastang maniniwala sa mga makikita online.


Sakaling mabiktima, maaring magsumbong sa numerong 0905 414 6965 o kaya ay makipag-ugnayan sa Facebook page ng PNP Anti- Cybercrime group.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page