top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 4, 2023


ree

Magkaibang emosyon ang naranasan nina Coach Chot Reyes at Coach Royal Ivey ng Timog Sudan sa pagwawakas ng kampanya ng kanilang mga koponan sa FIBA World Cup Sabado sa Araneta Coliseum. Inihayag ni Coach Reyes na ang kanilang 96-75 panalo sa Tsina ang kanyang huli para sa pambansang koponan habang ibang galak ang dala ni Coach Ivey sa pagpasok ng Bright Stars sa Paris 2024 Olympics.


Lininaw muli ni Coach Reyes na hindi niya hiningi at ibinigay sa kanya ang tungkulin na hawakan ang Gilas kaya hindi niya magawa na talikuran ang pagsilbi sa bayan. Naging matimbang sa kanyang desisyon ang sariling kalusugan at mas lalo ang kapakanan ng kanyang mga mahal sa buhay.


Hindi nagustuhan ni Coach Reyes ang mga batikos sa kanya na umabot sa atake sa kanyang pagkatao. Handa niya sagutin ang mga usapin subalit gagawin niya lang ito kung haharapin siya ng mga basher at hindi sila magtatago sa social media.


Nasa kamay na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kung sino ang papalit sa kanya at palapit na ang 19th Asian Games Hangzhou ngayong buwan. Walang nababanggit na kandidato sa ngayon.


Samantala, ibang klase ang dinaanan ng Timog Sudan simula sa kanilang mga ensayo sa palaruang semento na walang bubong. Inilarawan ni Coach Ivey na may mga lumilipad na agila na naghahanap ng kanilang pagkain.


Tinulungan ng Bright Stars ang sarili at tinambakan ang karibal Angola, 101-78, para sa kanilang ikatlong panalo sa torneo. Naghintay sila ng ilang minuto upang panoorin ang kasabay na laro sa Mall of Asia at nagsimula na ang selebrasyon nang takasan ng New Zealand ang Ehipto, 88-86, upang maging opisyal ang lakbay patungong Pransiya.


Matapos kumalas sa Sudan at makamit ang kasarinlan noong 2011, nanatiling isa sa pinakamahirap ng bansa ang Timog Sudan.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 3, 2023



ree

Pupunta na ang Timog Sudan sa 2024 Paris Olympics! Nakamit ng pinakabatang bansa sa mundo ang nag-iisang tiket para sa Aprika matapos pisain na matagal na naghahari sa kontinenteng Angola, 101-78, sa pagwawakas ng 2023 FIBA World Cup classification games kahapon sa Araneta Coliseum.


Ito ang pangatlong panalo ng Bright Stars sa limang laro na pinakamataas na kartada sa mga Aprikanong bansa. May pagkakataon sana ang Ehipto na mapantayan ang marka at maagaw ang tiket subalit tinalo sila ng New Zealand, 88-86, salamat sa dalawang free throw ni Reuben Te Rangi na may 17 segundong nalalabi sa kasabay na laro sa Mall of Asia.


Minsan lang nakatikim ng lamang ang Angola, 4-3, at mula roon ay itinatak ng Timog Sudan ang kanilang dominasyon sa pangunguna ni Carlik Jones. Lumobo sa 23 ang agwat sa 3rd quarter sa free throw ng 16-anyos na 7’1” Khaman Maluach at walang duda kung saan papunta ang resulta para sa bansa na nakamit ang kasarinlan noong 2011.


Nagtapos si Jones na may 26 puntos at 15 assist, karamihan ay galing sa mga shooter na s ina Marial Shayok na nagtala ng 18 at Nuni Omot na may 17 puntos. Halimaw sa ilalim si Los Angeles Laker Wenyen Gabriel na nag-ambag ng 15 puntos at 10 rebound.


Nagpalitan ng 3-points sina Jordan Ngatai at Amr El Gendy upang manatiling tabla ang laro papasok sa huling minuto, 86-86. Nakakuha ng foul si Te Rangi kay Ehab Amin, ipinasok ang mga free throw at nagmintis ang dalawang Ehipto hanggang tumunog ang huling busina.


Parehong nagbagsak ng tig-27 puntos sina Izayah Le’Afa at Finn Delaney para sa Tall Blacks. Napunta sa Australia ang tiket para sa Oceania patungong Paris at sila lang at New Zealand ang naglaban para dito.


Samantala, tumapos ang Finland ng pinakaunang World Cup sa dalawang magkasunod na tagumpay at nanaig sa Venezuela, 90-75. Bumomba ng 32 puntos si Lauri Markkanen na babalik na sa Utah Jazz para sa bagong torneo ng NBA sa Oktubre.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 2, 2023



ree

Nagtrabaho ng husto ang Team USA bago maukit ang 85-73 panalo sa palaban na Montenegro sa pagbubukas ng Round 2 ng 2023 FIBA Basketball World Cup kahapon sa Mall of Asia Arena. Nagpamalas din ng lakas ang Italya at itinumba ang higanteng Serbia, 78-76 sa Araneta Coliseum.


Nagising at naagaw ng U.S.A. ang lamang sa pagsara ng 1st quarter sa shoot ni Tyrese Haliburton, 19-18, subalit sinabayan sila hanggang maibalik ni Marko Simonovic ang bentahe sa dunk sabay ng busina ng halftime, 39-38.


Kumilos na ang Team USA sa 4th quarter at nagtulungan sina Austin Reaves, Anthony Edwards at Paolo Banchero na maitayo ang unang lamang na 10 puntos, 81-71, at 1 minuto ang nalalabi. Mula roon ay sinigurado ng mga free throw nina Jaren Jackson Jr. at Reaves ang resulta at manatili silang perpekto sa apat na laro.


Bumanat ng 7 sa 17 puntos si Edwards sa 4th quarter na nagpahayag noong Miyerkules na mananalo ang koponan pati na sa Lithuania sa Linggo. Sumunod si Reaves na may 12, 9 mula sa free throw habang 11 si Jackson.


Kahit nalimitahan sa dalawang puntos sa 4th quarter, nanguna a Montenegro si Nikola Vucevic na may 18 puntos at 16 rebound at sinundan ni Kendrick Perry na may 14 puntos.


Inihatid ni Simone Fontecchio ang pandiin na buslo at lumayo ang mga Italyano, 78-74, at 33 segundo sa orasan. Umapoy para sa 30 puntos si Fontecchio habang puuokol ng tatlong tres si Marco Spissu para sa 14 puntos. Nanguna sa Serbia si Bogdanovic na may 18 puntos at pantay na ang dalawang koponan sa 3-1.


Sa Okinawa Arena sa Japan, tinambakan ng Alemanya ang Georgia, 100-73. Bumida sa mga nanalo si Maodo Lo na tumira ng anim na walang mintis sa 3-points para sa 18 puntos.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page