top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 22, 2023


ree

Mga laro ngayon – MOA

9 am NU vs. ADMU (W)

11 am UST vs. UP (W)

2 pm ADMU vs. AdU (M)


Malalaman ngayong araw kung sino ang mag-aangkin ng huling upuan sa Final 4 ng 86th UAAP Men’s Basketball sa pagitan ng defending champion Ateneo de Manila University at Adamson University simula 2 pm. Kakalimutan na ang nakaraan ng dalawang koponan at papasok silang patas at walang malinaw na paborito.


Napunta sa Soaring Falcons ang unang pagkikita, 74-71 sa overtime salamat sa nagpapanalong three-points ni Vince Magbuhos sa huling busina noong Oktubre 7.


Bumawi ang kampeon na Blue Eagles sa Round 2, 62-58, noong Nob. 12.


Sisipa rin ang Women’s Final 4 simula sa laban ng defending champion National University at Ateneo sa 9:00 na susundan agad ng UST at UP sa 11:00 ng umaga. Hawak ng NU at UST ang twice-to-beat bentahe at sisikapin agad na tapusin ang trabaho at umiwas sa peligro ng winner-


Samantala, umagaw ng pansin ang De La Salle-Zobel sa 79-76 panalo sa UE upang buksan ang 86th UAAP Boys’ Basketball Martes sa Amoranto Sports Complex. Ginulat din ng NU-Nazareth School ang defending champion FEU-Diliman, 70-56.


Kinalimutan ng Junior Archers ang malamyang simula at humabol sa likod ni Batang Gilas Kieffer Alas. Nararapat na tinuldukan ni Alas ang laro sa kanyang free throw at inagaw ni Charles Dimaano ang bola upang makumpleto ang resulta.


Halimaw si Alas sa 32 puntos at 15 rebound habang nagdagdag ng 11 si Dimaano. Hindi nakapasok ang DLSZ sa UAAP 85 Final.


Tampok ang higanteng si Collins Akowe, lumayo ng husto ang Bullpups sa pangalawa at pangatlong quarter at makaganti sa koponan na tumalo sa kanila sa Final 4 noong 2022.


Nagtapos na may 17 puntos at 21 rebound si Akowe.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 21, 2023


ree

Nananatiling matibay pa rin ang loob ni LeBron James papalapit sa kanyang ika-39 kaarawan ngayong Disyembre at ipinanalo niya ang Los Angeles Lakers laban sa bisitang Houston Rockets, 105-104, sa NBA kahapon sa Crypto.com Arena. Umahon din ang Phoenix Suns sa dikdikang double overtime laban sa Utah Jazz, 140-137.


Galing sa timeout at tabla sa 104-104, umani ng foul si LBJ mula kay Tari Eason na may 2 segundong nalalabi. Hindi niya ipinasok ang unang tira subalit napasok ang pangalawa at nagmintis ang madaliang tres ni Dillon Brooks mula 36 talampakan sabay ng huling busina.


Nagtapos si LBJ na may 37 puntos at umakyat sa 8-6 at pang-anim sa Western Conference. Sumuporta si Anthony Davis na may 27 puntos at 10 rebound.


Nag-shoot ng dalawang free throw si Devin Booker na may 1 segundong nalalabi upang masigurado ang tagumpay ng Suns at hindi pumasok ang tres ni Lauri Markkanen na magtatakda sana ng bihirang pangatlong overtime. Buong larong nagpalitan ng puntos si Kevin Durant na nagtala ng 39 at 10 assist laban sa 38 at 17 rebound ni Markkanen.


Pinatatag ng Boston Celtics ang kanilang hawak sa pinakamataas na kartada ng liga at nilusutan ang kulelat na Western Conference Memphis Grizzlies, 102-100. Isinalpak ni Kristaps Porzingis ang bola na may isang minuto pa sa laro at mula roon ay hindi gumalaw ang iskor para sa ika-11 panalo ng Celtics sa 13 laro.


Hindi malayo sa Boston ang humahabol na Philadelphia 76ers na nagtagumpay sa Brooklyn Nets, 121-99. Nabitin ng isang assist para sa triple double si MVP Joel Embiid na may 32 puntos at 12 rebound para umangat sa 10-3.


Kahit may pilay at lumiban si Donovan Mitchell ay nagawang patumbahin ng Cleveland Cavaliers ang World Champion Denver Nuggets, 121-109. Tinakpan ni Darius Garland ang pagkawala ni Mitchell sa kanyang 26 puntos.



 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 21, 2023


ree

Laro ngayong Martes – Enderun, Taguig

2 pm MLQU vs. PCU


Ipinagpag ng Philippine Christian University ang pagod mula sa kanilang isang linggong palaro sa Thailand at binuhos ang lakas sa AMA University, 73-67, sa pagpapatuloy ng 21st National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Men’s Basketball Lunes sa Enderun Colleges sa Taguig City.


Umangat ang Dolphins sa 4-3 habang tinapos ng Kings ang kanilang torneo sa 4-5 at maghihintay kung mapapabilang sila sa quarterfinals sa susunod na linggo.


Tuluyang humataw papalayo ang Dolphins hanggang naabot ang kanilang pinakamalaking lamang bago magsara ang third quarter, 57-44. May huling hirit ang AMA at tinapyas sa dalawa na lang ang agwat, 67-69, subalit nanaig ang depensa ng Dolphins at hindi na pumuntos ang Kings sa nalalabing 1:43 sabay sinelyuhan ang tagumpay ng mga free throw nina Dave Bagatnan at Jhonloyd Balvarin.


Nanguna sa atake ng PCU si Andrei Joaquin Carino na may 15 puntos. Sumunod si Balvarin na may 14. Susubukang lumapit sa quarterfinals ang PCU sa laro nila ngayong Martes laban sa walang panalong Manuel L. Quezon University Stallions sa parehong palaruan. Ang isa pa nilang laro kontra New Era University ay gaganapin sa Sabado sa titiyakin pang lugar.


Umuwi ang PCU mula sa Thailand bitbit ang tropeo ng First Runner-Up matapos itigil ang laban para sa kampeonato kontra Bangkok University. Biglang nagkaroon ng away ang mga manlalaro bunga na rin ng garapal na tawagan ng mga reperi na pumabor sa mga Thai.


Tinapos ng Dolphins ang elimination na may kartadang 2-1 simula sa 80-72 pagwagi sa Chulalongkorn University. Natalo sila sa Bangkok, 84-89, at bumawi laban sa Thamassat University, 130-42, upang itakda ang muling paghaharap para sa kampeonato.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page