top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 25, 2023


ree

Mga laro ngayon Sabado – INC Central Recreation Center

9 AM PCU vs. St. Clare (Jr)

10 AM Enderun vs. NEU (Jr)

12 PM PCU vs. NEU (M)


Sisikapin ng New Era University na makuha ang huling upuan sa quarterfinals ng 21st National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Men’s Basketball laban sa bisitang Philippine Christian University ngayong Sabado simula 12:00 ng tanghali sa INC Central Recreation Center. Paglalabanan din ang mahalagang puwestuhan sa semifinals sa huling dalawang laro sa Juniors sa umaga.


Pasok na ang Dolphins (5-3) kahit ano ang maging resulta subalit kailangan manaig ng Hunters (4-4) upang makaiwas na bumaba sa tabla sa naghihintay na AMA University (4-5). Tinalo ng AMA ang New Era, 70-67, noong Nobyembre 13 kaya sa Kings mapupunta ang tiket kung sakali.


Samantala, ipinasok ni Chris Ian Dumancas ang bola na may 37 segundong nalalabi upang ipanalo ang Juniors defending champion St. Clare College of Caloocan kontra sa dating walang talong New Era, 75-74, noong Huwebes sa Enderun Colleges. Nanaig naman ang Our Lady of Fatima University sa PCU, 73-69, upang pansamantalang kunin ang solong liderato sa 4-1 panalo-talo.


Nakatakdang harapin ng Junior Saints (3-1) ang Junior Dolphins (2-2) sa 9:00 ng umaga na susundan ng salpukan ng Junior Hunters (3-1) at Enderun (0-4) sa 10:30. Kung mananalo ang St. Clare at New Era ay maglilikha ng tabla sa taas sa 4-1 at gagamit ng quotient upang maihiwalay ang tatlong paaralan.


Natiyak rin ang mga tapatan sa Women’s Final Four matapos walisin ng defending champion Enderun ang elimination round kontra University of Makati, 72-53. Sumabay din ang Fatima at sinilat ang kulelat St. Clare, 79-44.


 
 

ni Anthony E. Servinio / Clyde Mariano @Sports | November 23, 2023


ree

Parehong nagtala ng bagong karangalan sina LeBron James at Kevin Durant at wagi din ang kanilang mga koponan sa pagpapatuloy ng NBA In-Season Tournament kahapon.


Dinomina ng Los Angeles Lakers ang Utah Jazz, 131-99, at sinabayan ng 120-107 panalo ng Phoenix Suns sa Portland Trail Blazers.


Bilang may-ari ng pinakamaraming puntos sa kasaysayan, linampasan ni LBJ ang 39,000 puntos. Inabot niya ang marka sa free throw apat na minuto ang lumilipas at tuluyang nagtapos na may 17 kahit hindi na ipinasok sa 4th quarter at lamang ang Lakers, 102-75.


Namuno sa Lakers si Anthony Davis na may 26 puntos at 16 rebound. Winalis nila ang apat na laro sa West Group A at naging unang koponan sa knockout quarterfinals sa Disyembre.


Samantala, inilista ng Talk ‘N Text ang pangalawang sunod na panalo matapos matalo sa league -leading undefeated Magnolia sa opening game at pinadapa ang Terrafirma, 133-93 sa Commissioner Cup ng 38th season PBA kagabi sa Smart Araneta Coliseum.


Mistulang pinaglaruan at ginawang asintahan ng Tropang Giga ang Car Makers bilang paghahanda sa susunod nilang laro laban sa second running sister team Meralco sa Nov. 26 matapos ang laro ng San Miguel Beer at Converge sa Nov. 25 sa Tiaong, Quezon panonoorin ng mga kababayan ni dating coach at team consultant Leo Austria.


Pinamunuan ni Rondae Hollis Jefferson ang balancing opensiba ng TNT tumipa game high 37 points, anim na rebounds, lahat defensive, at anim na assists sa lopsided na panalo ng TNT.


Nag-ambag sina Calvin Oftana, Kib Montalbo, at Henry Galinato tig 15 points at Kelly Williams 13 points. Lahat ng TNT players umiskor maliban kina Lervin Flores at Brian Heruala.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 22, 2023


ree

Mga laro ngayong Huwebes – Enderun, Taguig

10:30 AM OLFU vs. St. Clare (W)

12:30 PM Enderun vs. UMak (W)

2:00 PM OLFU vs. PCU (Jr)

3:30 PM NEW vs. St. Clare (Jr)


Umusok agad si Dave Bagatnan upang itulak ang Philippine Christian University sa madaling 91-64 tagumpay sa Manuel L. Quezon University sa 21st National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Men’s Basketball Martes sa Enderun Colleges. Mahalaga ang resulta para sa Dolphins at sigurado na sila sa quarterfinals sa 5-3 panalo-talo habang tinapos ng Stallions ang liga na 0-9 at kabuunag 0-15 kasama ang 2022.


Binuksan ni Adrian Antonio ng MLQU ang laro sa 5 puntos at mula roon ay mag-isang ipinasok ni Bagatnan ang unang 18 puntos ng PCU para sa 18-9 lamang sa unang 6 na minuto. Hindi na nakabangon ang MLQU mula sa dagok at nagtulungan ang Dolphins na alagaan ang kanilang bentahe na umabot ng 87-55 at 3:30 sa fourth quarter.


Nagtapos si Bagatnan na may 24 puntos. Sumunod si Kenneth Obioha na may 15. May isa pang laro ang Dolphins sa Sabado kontra New Era University. Kailangan ng Hunters na manalo at kung hindi ay tatabla sila sa naghihintay na AMA University sa 4-5 para sa huling upuan sa quarterfinals at hawak ng Kings ang tiebreaker matapos manalo, 70-67, noong Nobyembre 13.


Kung magwawagi ang New Era ay maglilikha ng tabla ng Hunters, Dolphins at Enderun sa 5-4 at gagamit ng quotient. Ang tiyak pa lang ay pasok na sa semifinals ang defending champion St. Clare College at Fatima habang pangatlo ang City University of Pasay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page