top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 7, 2023



ree

Nagkulay berde ang 86th UAAP Men’s Basketball! Kinoronahan ang De La Salle University bilang bagong kampeon matapos ang 73-69 tagumpay sa University of the Philippines kagabi sa harap ng 25,192 sa Araneta Coliseum.


Gamit ang walang patawad na depensa, hindi pinapuntos ng Green Archers ang Fighting Maroons ng anim na minuto sa fourth quarter. Lamang noon ang UP subalit nagbunga ang magandang depensa ng magandang opensa na naka-angkla kay MVP Kevin Quiambao at Mythical Five Evan Nelle.


Kahit kontrolado ang laro, hirap lumayo ang Green Archers at selyuhan ang ng maaga resulta. Binigyan ng ilang pagkakataon na baliktarin ng Maroons ang resulta subalit hindi nakisama ang tadhana.


Winakasan ni Francis Lopez ang nakakabinging katahimikan ng UP pero huli na ito at dalawang segundo na lang ang laman ng orasan, 69-71. Mula doon ay nararapat na si Quiambao ang maghatid ng dalawang free throw upang mapreserba ang resulta.


First half pa lang ay naglabas ng matalas na porma at lumamang, 43-39, sa likod ng 13 ni dating MVP Malick Diouf at siyam kay Lopez. Tanging si Quiambao lang ang pumalag para sa DLSU sa siyam bilang reserba.

Pang-MVP talaga ang pangkalahatang numero ni Quiambao na 24 puntos at siyam na rebound. Tumulong si Nelle na may 12 at anim rebound at pitong assist sa kanyang huling laro sa kolehiyo.

Nagpaalam din sa UAAP si Diouf na ay 21 puntos at 14 rebound. Sumunod si Lopez na may 12 habang 10 ang kay Harold Alarcon.

Ito ang ika-10 kampeonato ng DLSU buhat noong naging kasapi sila ng liga noong 1986 at una ni Coach Topex Robinson na wagi agad sa kanyang unang taon sa tungkulin.


Huling nagwagi ang Green Archers noong 2016.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 6, 2023



ree

Mga laro ngayong Miyerkules – Araneta

8:00 AM UPIS vs. FEU-D (B)

10:00 AM DLSZ vs. UST (B)

12:00 PM NU vs. UST (W)

6:00 PM UP vs. DLSU (M)


Pantay na pantay ang mga numero papasok sa winner-take-all Game 3 ng 86th UAAP Men’s Basketball Finals sa Araneta Coliseum simula 6 p.m. Kahit sino sa University of the Philippines o De La Salle University ang maaaring mag-uwi ng tropeo matapos ang naunang dalawang malupit na laro.


Nanambak ng Fighting Maroons sa Game 1, 97-67. Gumanti ang Green Archers sa Game 2, 82-60.


Tumalab ang estratehiya ni Coach Topex Robinson na gawing reserba si Kevin Quiambao na sariwa pa ang paghirang bilang MVP ng liga ilang minuto bago ang Game 2. Kahit malayo sa numerong pang-MVP ang ginawa ni Quiambao, umangat ang mga kakamping sina Francis Escandor, Joshua David at Cyrus Austria upang itabla ang seryeng best-of-3 sa 1-1.


Wala pang talo ang Green Archers sa anim na laro nila sa Araneta ngayong taon.


Perpekto din sa 5-0 ang Maroons sa parehong palaruan bago ang resulta ng Game 2.


Gaganapin din ang parehong Game 3 para sa Women’s Division sa pagitan ng defending champion National University at University of Santo Tomas sa 12:00 ng tanghali. Hindi basta ipinamigay ng Lady Bulldogs ang korona at binigo ang Tigresses sa Game 2 72-70, at buhayin ang pag-asa na makamit ang ika-8 sunod na titulo.


Naging mas matatag ang NU sa huling minuto at malaking bagay ang kanilang depensa. Kailangang kalimutan ng UST ang nasayang na pagkakataon na maibalik sa paaralan ang tropeo na huli nilang itinaas noong 2006.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 5, 2023



ree

Pasok na rin ang defending champion St. Clare College of Caloocan sa Super Finals ng 21st National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Juniors Basketball matapos talunin ang Our Lady of Fatima University, 75-67, Lunes sa Philippine Buddhacare Academy sa Quezon City. Bumawi ang Fatima at pumasok sa Women’s at binigo ang University of Makati, 58-55.


Mula sa 4-4 tabla ay umarangkada ang Junior Saints at hindi na sila lumingon patungo sa 21-15 bentahe sa pagsara ng 1st quarter. Lamang pa rin ang St. Clare sa last quarter, 68-53, subalit tinapyas ito ng Junior Phoenix sa 66-70 sa last 2 minutes pero napigil ang banta ng mga buslo nina Andrex Magno at Leenard Desabelle.


Walang nakapigil sa higantI ng St. Clare Racine Kane na may 18 puntos at 15 rebound. Nag-ambag ng 13 si John Reyes at 10 kay Joshua Russel.


Iba ang takbo ng laro sa kababaihan at kinailangan ng Lady Phoenix ang mga mahalagang puntos nina Gift Jive Ferrer at Jasslyn Mendoza upang itayo ang 56-52 lamang at 51 segundo sa orasan. Nagbanta pa rin ang Lady Herons sa tres ni Cecilia Quilenderino, 55-57, subalit sinigurado ng free throw ni Jennica Aceveda ang tagumpay na may segundo pa.

Halimaw ang numero ni Ferrer na 29 puntos, 9 na rebound at 7 assist. Sumuporta si Mendoza sa 18 puntos. Maghaharap ang St. Clare at New Era University para sa kampeonato ng Juniors. Hahanapin ng defending Women’s champion Enderun Colleges ang ika-limang sunod kontra sa Fatima, ang parehong paaralan na tinalo nila noong huling naglaro ang mga kababaihan noong 2019.


Sa Men’s, kasado na ang salpukan ng defending champion St. Clare at Fatima. Ang Super Finals ay sa Dis. 12 sa FilOil EcoOil Centre.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page