top of page
Search

ni Anthony Servinio @Sports | January 25, 2024



ree

Laro ngayong Huwebes – Al Nasr Stadium

1:15 AM Al Ahly Tripoli vs. Strong Group 

 

Umarangkada sa kanilang ika-apat na sunod na panalo ang strong group athletics ng pilipinas laban sa beirut ng lebanon, 95-73, sa pagpapatuloy ng 33rd dubai international basketball championship sa al nasr stadium miyerkules ng madaling araw.  nangibabaw muli ang kalidad ni kevin quiambao at isa na lang ang kanilang kailangan upang walisin ang elimination round. 

 

isang minuto lang hinawakan ng beirut ang lamang, 3-2, sa tres ni mohamad ali haidar.  mula roon ay nagsama sina dwight howard, jordan heading, allen liwag at quiambao upang angkinin ang first quarter, 32-20, kung saan may siyam na maagang puntos si quiambao. 

 

nagtapos si quiambao na may 20 puntos mula sa apat na three-points. sumunod sina mckenzie moore na may 19, heading na may 15, howard na may 11 at reserba joel cagulangan na iginunita ang kanyang kaarawan na may 12. 

 

umani ng pansin ang husay ni quiambao kaya lumitaw ang usapin na aalukin siya maging ng mamamayan ng united arab emirates.  sa ngayon, may balakid na matuloy ang panukala dahil nakapaglaro na siya sa gilas pilipinas senior men’s team. 

 

hahanapin ng sga ang perpektong 5-0 kartada kontra sa kapwa walang talo na al ahly tripoli ng libya ngayong huwebes simula 1:15 ng madaling araw, oras sa pilipinas.  pangungunahan ang mga libyan ni dating tnt import tony mitchell na ngayon ay mamamayan na rin ng nasabing bansa. 

 

mahalaga na magtapos ng numero uno ang sga upang makakuha ng “magaan” na kalaro sa quarterfinals sa enero 26 at iwasan ang maagang tapatan sa defending champion al riyadi ng lebanon na sigurado na magiging numero uno sa kabilang grupo.  kung hindi papalarin, magtatapos ang sga ng pangalawa at maaaring harapin ang al riyadi sa semifinals sa 27 imbes na sa championship sa 28.  

 
 

ni Anthony Servinio @Sports | January 23, 2024



ree

Laro ngayong Miyerkules - Al Nasr Stadium

1:15 a.m. Strong Group vs. Beirut

 

Pumasa ang Strong Group Athletics ng Pilipinas sa kanilang pinakamatinding pagsubok at binigo ang Homenetmen ng Lebanon, 104-95, sa ikatlong araw ng 33rd Dubai International Basketball Championship mula sa Al Nasr Stadium Lunes ng madaling araw.  


Kinailangan ang mga importanteng puntos nina Dwight Howard at Andray Blatche sa huling quarter para sa ikatlong sunod na panalo at tiyak na lugar sa quarterfinals.

 

Huling hinawakan ng Homenetmen ang 77-76 lamang subalit pumukol ng three-points si Blatche na sinundan ng dunk ni Howard upang ibalik ang bentahe sa SGA, 81-77, at 6:21 ang nalalabi.  Hindi pa tapos si Blatche at bumira ng tatlo pang tres at tinulungan nina Howard, Kevin Quiambao at McKenzie Moore na itahi ang resulta.

 

Buong laro binuhat ni Howard ang SGA sa kanyang 32 na hinigitan ang kabuuang 19 sa unang dalawang panalo.  Apat na iba pang kakampi ay nag-ambag ng 10 o higit na sina Blatche at Quiambao na may tig-18, Andre Roberson na may 13 at Moore na may 12 habang namahagi ng 11 assist si Jordan Headingu.  Naging malaking suliranin ang dating Meralco Bolts import Zach Lofton na nagtala ng 37 puntos, walong rebound at pitong assist para sa Homenetmen.

 

Lumiban ang SGA sa pang-apat na araw noong Lunes at babalik sa korte ngayong Miyerkules laban sa isa pang Lebanese na Beirut sa 1:15 ng madaling araw, oras sa Pilipinas.  Maglalaro sa Beirut si Jordan naturalized Dar Tucker.

 

Kahit numero uno sa grupo ang SGA, mahalaga na magwagi pa rin sa huling dalawang laban.  Ito ay upang umangat sa puwesto at maiwasan agad ang bigatin mula sa kabilang grupo.                          

 

 
 

ni Anthony Servinio @Sports | January 23, 2024



ree

Kinumpleto ng Cam Sur Express ang pagwalis ng kanilang dalawang laro at giniba ang bisitang Muntinlupa Chiefs, 115-82, sa 2023-2024 National Basketball League (NBL-Pilipinas) Chairman’s Cup Linggo ng gabi sa punong Fuerte Cam Sur Sports Complex.  Sa unang laro, naghintay hanggang huling segundo bago tinakasan ng defending champion Taguig Generals ang Tatak GEL Binan, 78-77. 


Mabagal ang simula ng Express at pinayagan nila ang Chiefs na magtayo ng 14-4 bentahe.  Nagbago ang timpla ng laro nang ipasok si Fredson Hermonio at agad bumanat ng 16 puntos sa unang quarter pa lang at naagaw ng Cam Sur ang lamang, 28-25. 


Mula roon ay walang nakapigil sa paglayo at lahat ng kakampi ni Hermonio ay nahawa sa kanyang husay.  Talagang determinado ang Express na magpasikat sa harap ng kanilang mga tagahanga at ipinasok ang huling 12 puntos ng laro para sa pinakamalaking agwat na siya ring huling iskor. 


Itinanghal na Best Player si Hermonio sa ikalawang sunod na laro at nagsumite ng mas mataas na 32 kumpara sa 25 laban sa Taguig noong Biyernes.  Nagbigay ng suporta sina Verman Magpantay na may 13 at Pete Andrei Rito na may 11. 


Lamang ang Generals,  71-65, subalit may huling baraha ang Binan at humabol, 76-78.  Biglang nakakuha ng foul si Michael Joseph Homo na may isang segundo sa orasan at ipinasok niya ang unang free throw subalit minintis ang pangalawa na magpipilit sana ng overtime.  Nanguna sa Taguig si Best Player Mike Jefferson Sampurna na may 18 puntos.  Double-double si reserba Noel Santos na 13 puntos at 11 rebound habang nagdagdag ng 11 si Fidel Castro. 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page