top of page
Search

ni Anthony Servinio @Sports | January 28, 2024



ree

Photo :

Laro ngayong Linggo – Al Nasr Stadium

1:15 AM Strong Group vs. Beirut

 

Pasok na ang Strong Group Athletics ng Pilipinas semifinals ng 33rd Dubai International Basketball Championship matapos pauwiin ang AS Sale ng Morocco, 92-80, sa quarterfinals Sabado ng madaling araw sa Al Nasr Stadium.  Walang panahon para magpahinga at haharapin muli ng koponan ang Beirut ng Lebanon sa semifinals 1:15 ng umaga ng Linggo, oras sa Pilipinas, sa parehong palaruan. 


Mula sa huling tabla na 26-26 sa second quarter, bumida sina Dwight Howard, Jordan Heading at McKenzie Moore para sa 12 magkasunod na puntos upang lumamang at hindi na nila binitiwan ito, 38-26. Ipinasok ni Andre Roberson ang dalawang free throw para sa kanilang pinakamalaking lamang, 87-71 at iyan ang hudyat para ipasok ang mga reserba at tapusin ang nalalabing 2 minuto. 


Kilala sa kanyang malupit na depensa, namuno sa opensa si Roberson na may 18 puntos habang tig-17 sina Howard at Moore.  Patuloy din ang mahusay na torneo ni Kevin Quiambao na nag-ambag ng 15. 


Tumalon ang AS Sale sa maagang 12-5 lamang sa likod ni gwardiya Ramon Galloway subalit nagising ang SGA at bumira ng 3-points si Justine Baltazar na sinundan ng three-point play ni Roberson.  Nagtapos na may 27 si Galloway at sumunod si forward at kapwa-import Tyler Williams na may 20. 


Matatandaan na tinambakan ng SGA ang Beirut sa elimination round, 95-73, kaya papasok sila na mabigat na paborito.  Subalit dapat pa ring tutukan ang mga Lebanese na ginulat ang pambansang koponan ng Tunisia sa kanilang quarterfinal, 88-82, sa likod ng 30 ni Dar Tucker at 18 ni Sergio El Darwich. 


 Ang kabilang semifinal ay sa pagitan ng defending champion Al Riyadi ng Lebanon at Al Ahly Tripoli ng Libya na parehong tinalo ang kanilang mga kababayan.  Dinaig ng mga

 

 
 

ni Anthony Servinio @Sports | January 27, 2024



ree

Laro ngayong Sabado  Al Nasr Stadium

1:15 AM Strong Group vs. AS Sale


Panahon na para lalong mag-seryoso at knockout quarterfinals na ng 33rd Dubai International Basketball Championship.  Haharapin ng walang talong Strong Group ng Pilipinas ang hamon ng AS Sale ng Morocco simula 1:15 ng madaling araw, oras sa Pilipinas, mula Al Nasr Stadium.


Mabangis ang porma ng koponang Pinoy sa pagwalis ng limang laro sa Grupo B ng elimination.  Isa-isa nila pinatumba ang pambansang koponan ng United Arab Emirates (82-66), Al Wahda ng Syria (89-67), mga kinatawan ng Lebanon Homenetmen (104-95) at Beirut (95-73) at ang noon ay kapwa walang talo Al Ahly Tripoli ng Libya (91-89). 


Sa isang koponan na umani na pansin dahil sa mga naglalakihang pangalan ng mga ikinuhang mga banyaga, isang Pinoy na si Kevin Quiambao ang umangat bilang numero uno sa puntusan na may 93 o 18.6 bawat laro.  Hinigitan niya ang mga numero ng beterano ng NBA Dwight Howard (15.8), dating PBA import McKenzie Moore (11.4) at isa pang NBA na si Andre Roberson (9.6).


Maliban kay Quiambao, ang iba pang mga Filipino na malaki ang ambag ay mga beterano ng Gilas Pilipinas Jordan Heading (11.4) at Andray Blatche (8.6).  Umaasa si Coach Charles Tiu na hihilom na ang pilay sa paa ni point guard Joel Cagulangan na natamo sa laro kontra Beirut kaya napilitan siyang lumiban laban sa Tripoli. 


Tumapos ang AS Sale sa elimination na may kartadang 2-3 at pang-apat sa Grupo A.  Nagtabla sila ng Al Nasr ng UAE subalit pumasok ang mga taga-Morocco sa bisa ng kanilang 99-78 panalo.


Kung papalarin, sunod na kalaro ng SGA sa semifinals ang magwawagi sa Beirut o pambansang koponan ng Tunisia.  Ang iba pang tapatan sa quarterfinals ay sa pagitan ng defending champion Al Riyadi at Homenetmen na parehong Lebanon at laban ng mga galing Libya na Al Ahly Benghazi at Al Ahly Tripoli.               

 
 

ni Anthony Servinio @Sports | January 26, 2024



ree

Walang-kabang ipinasok ni Jordan Heading ang dalawang free throw patungo sa 91-89 tagumpay ng Strong Group Athletics ng Pilipinas kontra Al Ahly Tripoli ng Libya at walisin ang limang laro sa elimination round ng 33rd Dubai International Basketball Championship sa Al Nasr Stadium kahapon ng madaling araw, oras sa Pilipinas. 


Pasok ang perpektong SGA sa knockout quarterfinals at hihintayin ang makakalaro ayon sa magiging resulta ng huling araw ng elimination. 


Itinala ng Tripoli ang unang 6 na puntos ng 4th quarter upang lumamang, 79-74, subalit inahon ni Dwight Howard ang SGA hanggang ibalik ni Kevin Quiambao ang bentahe sa kanyang dalawang free throw, 83-81.  Hindi pa tapos si Howard at kasama ni Andray Blatche ay pinalaki ang agwat, 89-82, papalapit sa last 2 minutes. 


Binigyan ng foul si Heading na may 18 segundo sa orasan upang makahinga saglit ang SGA, 91-88, at hindi pumasok ang mga tira ng Tripoli at isang free throw lang ang naidagdag para sa huling talaan. 


Ito na ang pinakamahusay na limang laro ni Heading na pumukol ng limang three-points para sa 19 puntos at 5 assist bilang reserba.  Sumuporta sina Quiambao at Howard na may tig-17 habang nag-ambag ng 13 si Andre Roberson at 10 kay Blatche. 


Makakalaro ng SGA ang pang-apat na koponan ng Grupo A.  Ang mas mahalaga, maiiwasan nila ang defending champion Al Riyadi ng Lebanon na tiyak na magtatapos sa taas ng Grupo A kahit ano ang kalalabasan ng huli nilang laro kagabi kontra Al Nasr ng UAE. 


Maliban sa Al Riyadi (4-0), mahigpit ang karera sa grupo sa pagitan ng Tunisia (3-2), Al Ahly Benghazi ng Libya (2-2), Al Nasr (2-2) at AS Sale ng Morocco (2-3).  Tanging ang Sagesse ng Lebanon (0-4) ang tiyak na hindi mapapabilang sa quarterfinals.        

 
 
RECOMMENDED
bottom of page