top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 26, 2021





Mga laro ngayon – Al Gharafa Sports Club

7:30 PM Manila Chooks TM vs. Graz

8:05 PM Manila Chooks TM vs. Doha


Susubukan ng apat na magiting na manlalaro ng Manila Chooks TM na gulatin ang mundo ng 3X3 sa pagsisimula ngayon ng 2021 FIBA 3X3 World Tour Doha Masters sa Al Gharafa Sports Club. Kahit mahirap ang tatahaking daan, determinado sina Chico Lanete, Mark Jayven Tallo, Zachary Huang at Dennis Santos sa lumusot sa qualifying round at makasama sa main draw.

Unang haharapin ng mga Pinoy pagsapit ng 7:30 ng gabi ang Graz ng Austria na kagagaling lang sa kampeonato sa Israel 3X3 Super Quest noong Marso 19 sa Tel Aviv. Walang panahon para magpahinga at susunod agad ang tapatan nila sa Doha ng Qatar sa 8:05 ng gabi.

Kung papalarin, ilalagay ang Manila Chooks TM sa Grupo D kasama ang NY Harlem at Princeton ng Estados Unidos na kasalukuyang ika-apat at ika-limang pinakamataas ang puntos sa FIBA 3X3 World Ranking. Dahil puro mga baguhan sa larangan ng 3X3, walang puntos ang mga Pinoy kaya sila ay kinailangan na dumaan sa qualifying.


Ayon kay Lanete na tumatayong playing coach at kuya ng koponan, gagamitin nila ang kanilang bilis at talas ng shooting upang maunahan ang mga mas matangkad at malakas na kalaro. Siya lang sa kanilang apat ang nakapaglaro sa Chooks To Go Pilipinas 3X3 President’s Cup noong nakaraang Oktubre sa Inspire Sports Academy sa Calamba City para sa Uling Roasters-Butuan.


Dumating ang Manila Chooks TM noong Martes at sumailalim sa dalawang araw na quarantine sa loob ng kanilang mga silid sa hotel kung saan doon din nila isinasagawa ang kanilang ehersisyo. Matapos lumabas na negatibo ang kanilang pagsusuri ay pinayagan na sila mag-ensayo sa Al Gharafa.


Ang dalawang pinakamataas ang kartada sa bawat grupo ay tutuloy sa knockout playoffs sa Sabado para sa gantimpalang $40,000 (P1.944 milyon). Mapapanood ng live ang lahat ng laro sa YouTube at Facebook ng FIBA 3X3.


 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 26, 2021




Nangyari ang inaasahan at tinambakan ng numero unong Utah Jazz ang kulang na Brooklyn Nets, 118-88, sa pagbabalik ng NBA kahapon sa Vivint Arena. Walang-kabang nakamit ng Jazz ang kanilang ika-32 na panalo sa gitna ng sabay na pagliban ng “Big Three” ng Nets na bumagsak sa ikatlong pwesto sa Eastern Conference.


Hindi nagpreno ang Jazz at pinaabot ng 38 ang lamang sa third quarter, 78-40. Namuno sa panalo sina Donovan Mitchell na may 27 at Mike Conley Jr. habang hindi naglaro sa Nets sina James Harden (leeg), Kevin Durant (hita) at Kyrie Irving (usapin sa pamilya).


Sinayang ng Milwaukee Bucks ang 25 puntos na lamang sa third quarter at kumapit sa huling minuto upang lusutan ang Boston Celtics, 121-119. Bumida sina Khris Middleton sa 27 puntos at 13 rebounds habang nag-ambag ng 21 ang reserbang si Bobby Portis.


Sumaksak para sa dalawang puntos si Evan Fournier na may 6.4 segundong nalalabi upang itulak ang Orlando Magic kontra sa Phoenix Suns, 112-111. Nagtapos si Fournier na may walo sa kanyang 21 puntos habang double-double si All-Star Nikola Vucevic.


Dinurog ng bisitang Los Angeles Clippers ang San Antonio Spurs, 134-101. Bumida si All-Star Kawhi Leonard na may 25 puntos. Sa ibang laro, dumagdag ang Indiana Pacers sa lungkot ng kulelat ng East Detroit Pistons, 116-111. Nagtala si Caris LeVert ng 29 puntos.


Wagi ang Sacramento Kings sa Atlanta Hawks, 110-108, sa likod ng dalawang free throw ni rookie Tyrese Haliburton na may 36 segundo sa orasan. Uminit para sa 37 puntos si De’Aaron Fox at sinundan ni Haliburton na may 17 at patibayin ang estado bilang isa sa nangunguna para sa 2021 Rookie of theYear. Balik sa talo ang Houston Rockets at nanaig ang Charlotte Hornets, 122-97.


Hinila pababa ng Cleveland Cavaliers ang Chicago Bulls, 103-94. Wagi ang Toronto Raptors sa bisitang Denver Nuggets, 135-111. Tagumpay ang Memphis Grizzlies laban sa Oklahoma City Thunder, 116-107. Nanalo ang Dallas Mavericks sa Minnesota Timberwolves, 128-108.



 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 21, 2021




Matapos ihayag noong nakaraang linggo ang kanilang mga magbabalik na manlalaro, ipinakilala na ng Philippines Football League (PFL) champion United City Football Club ang 13 bagong mga pangalan na tutulong sa depensa ng kanilang korona at gumawa ng ingay sa parating na 2021 AFC Champions League sa gitna ng taon kung saan may kinatawan ang Pilipinas sa unang pagkakataon. Sinuyod ng koponan ang buong mundo upang makahanap ng talento at maganda ang naging resulta nito.


Pinangungunahan ang mga bagong pirma ng mga Philippine Azkals na sina Mark Hartmann, Justin Baas, Adam Reed at Curt Dizon na uuwi na lahat matapos maglaro sa mga liga sa Thailand o Malaysia. Malaking bagay din ang pagkuha sa magkapatid na Amin Nazari at Omid Nazari para palakasin ang midfield.


Para sa depensa, kumuha ng dalawang banyaga na sina Jung Da Hwon ng Timog Korea at Jonny Campbell ng Estados Unidos. Nagdagdag ng isa pang goalkeeper na si Kenry Balobo na lumipat galing Mendiola 1991.


Ang iba pang mga baguhan ay mga kabataan na sina Andreas Esswein, Kieran Hayes, Ryan Jarvis at William Grierson. Kahit 26 na ang manlalaro, nagpahiwatig ang pamunuan ng koponan na hindi pa sila tapos at baka maghanap pa rin ng karagdagan.


Ngayon at buo na ang koponan, ang susunod na hinihintay ng mga tagahanga ang pagpili ng lungsod, lalawigan o rehiyon na kakatawanin ng United City. Kasama sa plano ang pagtayo ng isang palaruan na kasya ang 10,000 manonood.


Magbabalik ang tambalang Stephen Schrock at ang malapit na maging mamamayang Pinoy na si Bienvenido Maranon. Sasamahan sila ng mga beteranong sina Mike Ott, Hikaru Minegishi, Arnie Pasinabo, Angelo Marasigan, Pocholo Bugas, Tristan Kit Robles, Sean Patrick Kane, Jordan Jarvis, Miggy Clarino, Jun Badelic at numero unong goalkeeper na si Anthony Pinthus.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page