top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 02, 2021




Bumida ng malaki sina All-Star Donovan Mitchell at Sixth Man Jordan Clarkson upang ilapit ang numero unong Utah Jazz sa Western Conference semifinals at pinadapa ang pumalag na Memphis Grizzlies, 120-113, sa NBA Playoffs kahapon sa FedExForum. Tatlong sunod-sunod na panalo na ang Jazz sa seryeng best of seven, 3-1, at uuwi na sila para sa Game Five ngayong Huwebes sa Vivint Arena.


Uminit para sa tig-10 puntos sina Mitchell at Clarkson sa third quarter upang itayo ang 100-87 na lamang. Sa gitna ng mga banta na bumalik ng Memphis, kinailangan ng Jazz ang dalawang mahalang tres galing sa dating Grizzlies na si Mike Conley at isa pang tres ni Bojan Bogdanovic upang masigurado ang tagumpay.


Nanguna para sa Utah si Mitchell na may 30 puntos habang may 24 si Clarkson sa loob lang ng 21 minutong aksyon. Nagsumite pa rin ng 23 puntos at 12 assist si Ja Morant sa gitna na malupit na depensa sa kanya ng Jazz.


Sa Eastern Conference, nanatiling buhay ang kampanya ng Washington Wizards at naiwasan nilang mawalis ng Philadelphia 76ers sa Game 4, 122-114. Lamang pa rin ang 76ers sa serye, 3-1, at may isa pang pagkakataon na wakasan ito ngayong Huwebes sa Wells Fargo Center.


Bumanat ang Wizards sa second half kung saan talagang naramdaman ng 76ers ang biglang pagkawala ni All-Star Joel Embiid na umupo sa huling 36 segundo ng first quarter dahil sumakit ang tuhod at hindi na bumalik. Lumamang ng 14 ang Washington sa 3rd quarter, 92-78, subalit pumalag ang Philadelphia at saglit naagaw ang lamang, 109-108, at 2:47 sa orasan.


Sinigurado nina Bradley Beal, Daniel Gafford at Rui Hachimura ang panalo sa kanllang mga pandiin na buslo. Nagtapos si Beal na may 27 at may 20 puntos at 13 rebound si Hachimura habang triple double si Russell Westbrook na 19 puntos, 21 rebound at 14 assist.

 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 01, 2021




Isang panalo na lang at papasok na ang Brooklyn Nets sa East semifinals ng 2021 NBA Playoffs matapos durugin ang Boston Celtics, 141-126, kahapon sa TD Garden. Binuhat muli ng Big Three na sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving ang Nets sa 3-1 lamang at maaaring wakasan ang seryeng best of seven ngayong Miyerkules sa pag-uwi nila sa Barclays Center.


Nagsumite sina Durant ng 42 puntos, Irving ng 39 puntos at 11 rebound at Harden na 23 puntos at 18 assist upang makabawi sa 119-125 talo sa Game Three. Kasunod ng kanyang 50 sa nasabing laro, nagtala pa rin ng 40 si Jayson Tatum para sa Boston subalit hinanap niya ang tulong sa mga kakampi.


Malapit na rin ang Atlanta Hawks na nagtayo ng parehong 3-1 lamang sa kanilang serye kontra sa New York Knicks sa bisa ng 113-96 tagumpay sa Game Four. Bumanat ng todo ang Hawks sa second half sabay ng pag-init nina Trae Young, John Collins at Danilo Gallinari at umabot pa ng 26 ang kanilang lamang, 113-87, at ito ay sapat kahit hindi na sila pumuntos sa huling tatlong minuto.


Pumukol ng apat na tres si Young para sa 27 puntos at sinundan nina Collins na may 22 at Gallinari na may 21. Susubukan ng Hawks na tapusin ng maaga ang serye ngayong Huwebes sa harap ng kanilang mga tagahanga sa State Farm Arena.


Tabla na muli sa 2-2 ang seryeng best of seven ng Phoenix Suns na nanaig sa defending champion Los Angeles Lakers, 100-92, at putulin ang kanilang dalawang sunod na talo. Kahit masakit ang balikat ay namayani si Chris Paul sa kanyang 18 puntos.


Isa pang dagok ang dumating sa kampanya ng Lakers at nasaktan ang hita ni Anthony Davis sa second quarter at hindi na bumalik kaya naiwan mag-isa si LeBron James na gumawa ng 11 ng kanyang 25 puntos sa fourth quarter kaya nabitin ang huling hirit ng mga kampeon.

 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 31, 2021




Nagising ang numero unong Utah Jazz sa huling 5 minuto upang talunin ang makulit na Memphis Grizzlies, 121-111, sa Game Three ng kanilang seryeng best of seven sa NBA Playoffs kahapon sa FedExForum. Balot ng emosyon, kinailangan ang husay ng mga beteranong Jazz upang baliktarin ang 109-107 lamang ng batang Grizzlies at gawing 2-1 ang serye.


Nagtayo ng 15 puntos na lamang ang Utah sa first quarter, 34-19, subalit nagtiyaga ang Memphis at unang nakatikim ng lamang, 107-105, matapos ang dalawang free throw ni Ja Morant. Mula roon ay uminit para sa 10 puntos si All-Star Donovan Mitchell upang mamuno sa 15-2 paglayo ng Jazz.


Tinapos ni Mitchell ang laro na may 29 puntos habang may 27 si Mike Conley na naglaro sa Grizzlies mula 2007 hanggang 2019. Sumuporta na may tig-15 puntos sina Sixth Man Jordan Clarkson, Bojan Bogdanovic at Rudy Gobert na humakot din ng 14 rebound.


Samantala, nagdadalamhati ang Jazz sa pagpanaw ng alamat na si Mark Eaton sa edad na 64 dahil sa aksidente habang nagbibisikleta. Siguradong magkakaroon ng bagong kampeon sa East at pasok na ang Milwaukee Bucks sa East semifinals at nagtagumpay sa dating kampeon Miami Heat, 120-103, upang walisin ang kanilang seryeng best of seven , 4-0. Lamang ang Heat sa first half, 64-57, subalit mas mabagsik na Bucks ang dumating para sa second half na pinamunuan ni MVP Giannis Antetokounmpo na nagtala ng triple double na 20 puntos, 12 rebound at 15 assist at tinulungan nina Brook Lopez na may 25 puntos at Khris Middleton na may 20 puntos at 11 rebound.


Magandang bawi ito para sa Bucks na lumasap ng mapait na talo sa dehadong Heat noong 2020 East semis. 4-1, kahit sila ang may pinakamataas na kartada sa buong NBA noon na 56-17. Hihintayin na nila ang magwawagi sa serye ng Brooklyn Nets at Boston Celtics kung saan abante ang Nets, 2-1. Isang panalo na lang sa Martes ang kailangan ng Philadelphia 76ers kontra sa Washington Wizards matapos magwagi ng malaki, 132-103.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page