top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 12, 2021



Bumaha ng puntos sina All-Star Donovan Mitchell at Sixth Man Jordan Clarkson sa 117-111 panalo ng numero unong Utah Jazz kontra sa bisitang Los Angeles Clippers sa 2021 NBA Playoffs kahapon sa Vivint Arena. Bumanat ng husto ang Utah sa huling anim na minuto kung saan inihatid ng kanilang ibang mga kakampi mga mga pandiin na puntos at 2-0 na lamang sa seryeng best of seven ng Western Conference semifinals.


Lamang ang Jazz sa third quarter, 76-55, ngunit nagawang makabalik ng Clippers at saglit natikman ang lamang sa fourth quarter, 101-99. Humigpit ang depensa kay Mitchell at Clarkson at iyon ang hudyat para kay Rudy Gobert, Royce O’Neale at Joe Ingles na gumawa ng siyam na sunod-sunod na puntos upang lumayo na may tatlong minuto sa orasan, 113-103.


Sinundan ni Mitchell ang kanyang 45 puntos sa Game One ng 37 puntos habang pumukol ng anim na tres si Clarkson para sa 24 puntos. Nanguna sa Clippers si Reggie Jackson na may 29 puntos.


Sa East semis, malaking tulong ang maglaro sa harap ng 16,000 tagahanga at binigo ng Milwaukee Bucks ang bisitang Brooklyn Nets, 86-83. Lamang pa rin ang Nets sa seryeng best of seven, 2-1, at magkakaroon ng sapat na pahinga ang dalawang panig bago ang Game Four sa darating na Lunes.


Matindi ang shooting nina Khris Middleton at Giannis Antetokounmpo sa buong laro subalit pinakamahalaga ang dalawang puntos ni Jrue Holiday na nagbalik ng lamang, 84-83, at 11 segundo sa orasan. Nagmintis ang hinadaling tira ni Bruce Brown at napilitan mag-foul ang Brooklyn kay Middleton na walang kabang sinigurado ang tagumpay sa kanyang dalawang free throw.


Samantala, umani ng puri si Clarkson matapos tulungan ang kababayan sa Utah matapos dungisan ang kanilang food truck ng mga hinihinalaang mga galit sa Asyano. Pinapintura at pinaayos niya ito sabay giit ng kanyang suporta sa laban kontra diskriminasyon sa mga Pinoy, Asyano at mga galing sa mga isla ng Karagatang Pacifico.

 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 10, 2021




Uminit ng todo ang numero unong Utah Jazz sa second half upang itakas ang 112-109 panalo sa Los Angeles Clippers sa Game 1 ng Western Conference semifinals sa 2021 NBA Playoffs kahapon sa Vivint Arena. Matalas ang shooting nina All-Star Donovan Mitchell at Sixth Man Jordan Clarkson subalit depensa ang sumalba sa Jazz.


Pinabayaang lumamang ang Clippers ng 46-32 sa second quarter subalit nagtiyaga ang Jazz hanggang makabawi sa third quarter, 72-71. Umakyat sa 10 ang lamang sa fourth quarter, 103-93, subalit lumapit at nagkaroon ng pagkakataon ipilit ang overtime ngunit tinapal ni Rudy Gobert ang tres ni Marcus Morris Sr. sabay tunog ng huling busina.


Tinumbasan ni Mitchell ang 45 sa kanyang uniporme sa kanyang 45 puntos buhat sa anim na tres. Nagbaon din ng anim na tres si Clarkson para sa 18 puntos habang 18 puntos din si Bojan Bogdanovic upang takpan ang pagliban ni Mike Conley dahil napilay ang hita sa nakaraang serye kontra sa Memphis Grizzlies.


Nanguna sa Clippers si Kawhi Leonard na may 23 puntos at sinundan ni Paul George na may 21 puntos at 10 rebound. Ang Game Two ay nakatakda sa Biyernes sa Utah.


Sinigurado ng Philadelphia 76ers na maiiwasan nilang bumagsak sa 0-2 at tinambakan ang bisitang Atlanta Hawks, 118-102, upang maitabla ang kanilang seryeng best of seven sa East semis sa 1-1. Magandang simula lang kinailangan ng 76ers at ibinuhos ni Tobias Harris ang 16 ng kanyang 22 puntos.


Pumalag ang Hawks at saglit naagaw ang lamang sa third quarter, 80-79, subalit nakabawi agad ng Philadelphia matapos ang tres ni Shake Milton, 82-80. Mula doon ay nagtulungan sina Milton at Joel Embiid upang lalong lumayo ang 76ers sa kanilang pinagsamang 22 puntos.


Nasungkit ni Denver Nuggets center Nikola Jokic ang karangalan bilang 2020-21 NBA Most Valuable Player. Naging starter si Jokic sa 72 games ng Nuggets at may averaged na 26.4 points, 10.8 rebounds at 8.3 assists kada games. Bumubuslo ang Serbian star ng 56.6% sa floor, kasama ang 38.8% sa 3-point range, at sumalpak ng 86.8% sa free throws


 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 09, 2021




Tinusta ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets sa second half upang maukit ang 122-105 panalo sa pagbubukas ng kanilang seryeng best of seven sa Western Conference semifinals ng 2021 NBA Playoffs kahapon sa Phoenix Suns Arena. Walang panahon para magpahinga at ang Game Two ay nakatakda sa Huwebes sa Phoenix muli.


Naitayo ng Denver ang kanilang pinakamalaking lamang sa third quarter, 70-60, ngunit hindi nasindak ang Phoenix sa kanilang mga bisita at iyan ang hudyat para kay Mikal Bridges na mamuno sa rally ng Suns sa tulong nina Chris Paul at Devin Booker. Naagaw ng Suns ang lamang matapos ang three-point play ni sentro DeAndre Ayton, 74-72, at hindi na sila lumingon pa hanggang makalayo ng 20 papasok sa huling dalawang minuto, 120-100.


Apat na Suns ang nagtala ng 20 o higit pa sa pangunguna ni Bridges na may 23, Paul at Booker na parehong may 21 at Ayton na may 20. Sa panig ng Nuggets, gumawa ng 22 si Nikola Jokic at sinundan ni Aaron Gordon na may 18.


Sa Eastern Conference semifinals, walang awang dinurog ng Brooklyn Nets ang bisitang Milwaukee Bucks, 125-86, upang itayo ang 2-0 lamang sa kanilang seryeng best of seven. Kahit hindi naglaro ang pilay na si James Harden, inilabas ng Nets ang lahat ng kanilang sandata at hindi pinaporma ang Bucks kung saan umabot ng 49 ang pagitan sa 4th quarter, 123-74, matapos ang 18 sunod-sunod na puntos ng Brooklyn.


Nagtala ng kanilang mga inaasahang numero sina Kevin Durant na 32 puntos at Kyrie Irving na 22 puntos subalit malaking bagay ang ambag nina Joe Harris at Bruce Brown na parehong may tig-13 puntos. Nalimitahan si MVP Giannis Antetokounmpo sa 18 puntos at 11 rebounds habang may 17 puntos si Knris Middleton.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page