top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni MC / Anthony E. Servinio - @Sports | July 15, 2021



Umiskor sina Kevin Durant at Bradley Beal ng tig-17 points para itala ng USA basketball team ang kanilang unang panalo sa pre-Olympic tune up games nang tambakan ang Argentina, 108-80, sa Las Vegas at maiwasan ang tatlong sunod na nakahihiyang pagkatalo.


Umambag sa panalo si Zach LaVine ng 15 points para sa US na natalo sa unang dalawang laro nito kontra sa Nigeria at Australia. Umiskor ang USA ng 33 points sa first-quarter upang masiguro ang panalo kontra sa Argentina.


Tumarak din si Damian Lillard ng 13 points habang si Bam Adebayo ay nagtapos na may 12 points, 5 assists at 5 rebounds para sa US. "Just really locked in," ani Adebayo.


Nanguna para sa Argentina si Luis Scola, lalaro sa Olympics sa pang-limang pagkakataon, na umiskor ng 16 points sa 19 minutes na paglalaro, habang sina Nicolas Laprovittola ay may 13, Facundo Campazzo, 12 at Gabriel Deck ay dumagdag ng 10.


Naglalaro ang US na may walong miyembro lang ng Olympic team. Hindi naglaro si Jayson Tatum dahil sa masakit na tuhod habang wala rin sina Khris Middleton, Jrue Holiday at Devin Booker na sumasabak sa NBA Finals. Sunod na haharapin ng USA Team ang Australia sa Las Vegas sa Biyernes.


Samantala, pahinga umano sa paglalaro ang 7-feet-3 inches na player ng Gilas Pilipinas at Adelaide 36ers ng Australian National Basketball League (NBL) na si Kai Sotto at nagbakasyon grande ito sa isla ng Boracay.


Ibinahagi ni Sotto ang litrato sa social media account kung saan kasama nitong nababakasyon ang kanyang pinsan.


Enjoy na enjoy si Sotto sa pamamasyal sa ilang tourists spot sa Boracay at paliligo sa dagat. Nakatuwaan din ni Sotto na subukan ang patok sa mga turistang hair braiding habang nakabakasyon sa isla. Ayon kay Sotto namahinga muna siya dahil sa sobrang pagod din sa training at sa pagsabak sa FIBA Asia Cup qualifiers at sa Olympic Qualifying Tournament.


Inaasahang sasabak din sa paghahanda si Sotto para sa paglalaro ng bansa sa FIBA Asia Cup sa Agosto.

 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 10, 2021



Mas mainit pa sa disyerto ng Arizona ang three-points ng Phoenix Suns upang makamit ang 118-108 panalo sa bisitang Milwaukee Bucks sa Game 2 ng 2021 NBA Finals kahapon sa Phoenix Suns Arena. Nagsumite ng 7 sa kabuuang 20 tres ng Suns si Devin Booker upang itayo ang 2-0 lamang sa seryeng best of seven at dalawang panalo na lang ang kailangan para makamit ang pinakaunang kampeonato sa 53 taon ng prangkisa.


Maganda ang simula ng Bucks at dominado ang laro hanggang umarangkada ang Suns sa second quarter at lumamang sa halftime, 56-45. Huling tumikim ng lamang ang Milwaukee, 35-34, sa dunk ni Brook Lopez subalit sinagot ito agad ng tres ni Cameron Johnson at dunk ni Deandre Ayton at mula doon ay namayagpag ang Phoenix.


Umabot ng 15 ang lamang ng Suns sa third quarter, 63-48, matapos ang tres ni Booker. Nagawang magbanta saglit ang Milwaukee sa 4th quarter, 88-93, at 8:45 sa orasan subalit agad ito napigil nina Mikal Bridges, Ayton at Booker na nagsama para sa 20 ng huling 25 puntos ng Phoenix.


Nagtapos si Booker na may 31 puntos at sinundan ni Bridges na may 27 puntos. Nag-ambag ng 23 puntos si Chris Paul. Nanguna sa Bucks si Giannis Antetokoumpo na may 42 puntos at 12 rebound sa 40 minuto sa gitna ng patuloy na tanong tungkol sa kalagayan ng kanyang kahihilom na pilay sa tuhod. Sinundan siya ni Jrue Holiday na may 17 puntos at Pat Connaughton na may 14 habang nangapa si Khris Middleton at 11 puntos lang siya sa 41 minuto.


Lilipat na ang serye sa Fiserv Forum para sa Game Three ngayong Lunes at Game Four sa Huwebes. Walang nasa isip ng Bucks kundi mawalis ang dalawang laro sa kanilang tahanan upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa para sa ikalawang kampeonato sa kanilang kasaysayan matapos maghari noong 1971.

 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 06, 2021



Matagal ang hinintay ng Phoenix Suns na makabalik sa NBA Finals. Sa kanilang napipintong ikatlong pagsabak, dasal ng koponan at kanilang mga tagahanga na sana ay makakatikim ang prangkisa ng kanilang pinakaunang NBA World Championship matapos mabigo noong 1976 at 1993.


Kung susuriin, ang beteranong point guard na si Chris Paul ay 8-anyos lang noong huling paglaro ng Suns para sa kampeonato kontra kay Michael Jordan at Chicago Bulls na nagtapos sa anim na laro, 4-2. Ang kanilang mga batang bituin na sina Devin Booker at Deandre Ayton ay hindi pa pinapanganak habang si Coach Monty Williams ay naglalaro para sa Notre Dame University bago magsimula ang kanyang siyam na taong karera bilang manlalaro sa NBA mula 1994 hanggang 2003 para sa limang koponan.


Bago magsimula ang 1992-1993 NBA, nag-trade ang Suns para sa superstar na si Charles Barkley galing 76ers. Dahil dito, agad naging paborito para sa korona ang Phoenix at hindi sila nag-aksaya ng panahon na magatala ng kartadang 62-20 panalo-talo sa regular season, ang pinakamataas sa kanilang kasaysayan.


Gaya ng inaasahan, isa-isang pinauwi ng Suns ang mga kalaban sa Western Conference na Los Angeles Lakers (3-2), San Antonio Spurs (4-2) at Seattle SuperSonics (4-3) subalit iba ang usapan pagdating sa NBA Finals. Natalo ng Bulls and Suns sa unang dalawang laro sa Phoenix at mula doon ay walang nakapigil sa pagsungkit ng kanilang ikatlong sunod na tropeo, 4-2.


Iba ang unang Finals ng Phoenix noong 1976 dahil hindi sila napisil na umabot doon matapos ang 42-40 kartada sa regular season sa pangunguna ng rookie sentro Alvan Adams at gwardiya Paul Westphal na naging coach ng Suns sa 1993 Finals. Linampasan ng Suns ang hamon ng Seattle (4-2) at Golden State Warriors (4-3) para magkita sa Boston Celtics na kinailangan ang anim na laro para sa kampeonato, 4-2.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page