top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 28, 2021




May bagong nag-iisa sa liderato ng Chooks To Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup matapos magtagumpay ang La Union PAOwer sa Paranaque Aces, 93-78, Linggo ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando City, Pampanga. Nakatulong sa pag-angat ng PAOwer ang 103-85 panalo ng Muntinlupa Water Warriors sa dating walang talong DF Bulacan Republicans sa sumunod na laro.


Nagpaulan ng 16 tres ang La Union upang unti-unting lumayo at umabot hanggang umabot ng 22 ang lamang, 87-65, sa bisa ng magkasunod na tres ni Jayson Apolonio. Nahirang na Best Player si Apolonio sa 23 puntos at 10 rebound at tinulungan siya nina Kirk Andrew Agulan na may 21 puntos buhat sa anim na tres at Billy Ray Boado na ay 14 puntos at 10 rebound.


Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng La Union. Pagkalipas ng ilang oras ay mag-isa na sila sa tuktok matapos wakasan ng Water Warriors ang perpektong 3-0 kartada ng Republicans sa likod nina Biboy Enguio at Jed Mendoza.


Sa isa pang laro, sumandal ang Taguig General sa mainit na shooting ni Francisco Tancioco upang talunin ang Laguna Pistons, 79-75. Ipinasok ni Tancioco ang pang-anim at huling tres na ibinalik ang lamang sa Generals na may siyam na segundo sa orasan, 76-75, at magtapos na may 27 puntos sa loob ng 28 minuto ng aksyon.


Samantala sa Pia Cayetano Women’s National Basketball League (WNBL) 2021, wagi ang Paranaque Lady Aces sa Taguig Lady Generals, 58-37. Binuhat ni Allana Lim ang Lady Aces sa pamamagitan ng 23 puntos at 13 rebound subalit nagbigay-pugay siya sa kanyang mga kakampi dahil nagtrabaho sila bilang isang koponan.

 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 27, 2021




Ipinasok ni forward Earnest Reyes ang panalong dalawang puntos na may isang segundo sa orasan upang itakas ng bisitang DF Bulacan Republicans ang 93-91 panalo sa Pampanga Delta sa tampok na laro ng Chooks To Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga Sabado ng gabi. Tumanggap ng palobong pasa si Reyes galing kay Dominick Fajardo para manatiling perpekto ang kanilang kartada sa 3-0 at solong liderato ng liga.


Humabol ang Bulacan sa huling dalawang minuto at inagaw ang lamang salamat sa three-point play ni Ryan Spencer Operio, 89-88, at 29 segundo sa orasan. May pagkakataon ang Delta subalit nagmintis ng dalawang free throw si Florencio Serrano galing sa foul ni Joseph Celso.


Pagkatapos ng timeout, bumawi si Celso at pinalayo niya ang Republicans, 91-88. Biglang intinabla ng tres ni Mark Jason Tamayo ang laban at tumawag ng timeout ang Bulacan upang iplano ang panalong play sa 3 segundo ang nalalabi.


Namuno sa tagumpay si Fajardo na may 23 points habang tinulungan siya ni Operio na may 22 puntos bilang reserba. Sumunod si Reyes na may 11 puntos subalit sa kanya ang dalawang pinakamahalaga sa gabing iyon.


Sa isa pang laro, walang ipinakitang epekto ang La Union PAOwer ng kanilang matagal na bakasyon upang pigilin ang Muntinlupa Water Warriors, 91-83. Umarangkada agad ang PAOwer at ibinuhos ang unang 11 puntos ng laban at pagkatapos ay sumakay sila sa bihirang triple double ni Jap Pambid upang umakyat sa 2-0 matapos huling maglaro noong Hulyo 25.


Kahit nabaon ng maaga, sinubukan ng Muntinlupa humabol at naging dalawa na lang ang agwat matapos ang tres ni Jed Mendoza, 75-77, at 4:29. Subalit hindi naubusan ng sagot ang La Union at kinontra ito ng pitong sunod-sunod na puntos para sa mas komportableng 84-75 lamang papasok sa huling 3 minuto.

 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 26, 2021




Nagtala ng kambal na panalo ang mga koponan ng Taguig Generals at Taguig Lady Generals upang buksan ang kanilang kampanya sa pinagsabay na Chooks To Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 at Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 kahapon mula sa Bren Z. Guiao Convention Center sa City of San Fernando, Pampanga. Sulit ang paghihintay ng mga tagahanga ng dalawang koponan sa pinakabagong pro league sa bansa na nagsimula noong Hulyo 18.


Madaling pinauwi ng Generals ang STAN Spartan, 70-55, sa likod ng mainit na shooting nina Mike Jefferson Sampurna at Richmond Gilbero. Nalasap ng Spartan ang kanilang ika-apat na sunod na talo. Maagang tinapos ng Generals ang laban nang umabot ng 21 ang kanilang lamang, 63-42, at 6:47 ang nalalabi sa orasan. Nagsumite ng double-double si Sampurna na 21 puntos at nag-ambag ng 14 puntos si Gilbero.


Bago sumalang ang Generals, kumuha ng lakas ang Lady Generals mula kay Tin Capilit and Wiz Duazo upang panatilihing walang panalo ang Pacific Water Queens, 60-42. Mahusay ang depensa ng Taguig at ang 42 puntos ang pinaka-kaunti na nagawa ng isang koponan sa kasalukuyang torneo.


Walang panahon para magpahinga ang mga pambato ng Taguig at may laro ulit sila ngayong araw ng Linggo sa parehong lugar. Haharapin ng Lady Generals ang Paranaque Lady Aces sa 11:15 ng umaga at susundan agad ng Generals kontra sa Laguna Pistons sa 1:15 ng hapon.


Samantala, sisimulan ng Paranaque Aces ang kanilang torneo sa pagharap sa hamon ng La Union PAOwer ngayong Linggo simula 4:00 ng hapon. Mapapawi na ang uhaw ng mga tagahanga ng Aces na mapanood sila sa pangunguna nina big men JR Galit at Jayboy Solis at mga gwardiya Dwight Saguiguit, Paulo Castro at Jess Nicole Quilatan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page