top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 14, 2024



Photo: Angel Locsin - FB

 

Sa mga nagtatanong kung nasaan na ba talaga si Angel Locsin na matagal nang ‘missing in action’ o MIA sa showbiz, wala raw kayong dapat ipag-alala dahil okey na okey ang aktres.


Matatandaan nga kasing muling nag-trending kamakailan si Angel dahil hinahanap siya ng mga tao sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.


During her active years nga naman kasi ay isa ang aktres sa mga prominent Kapamilya celebrities sa Christmas Station ID at hindi nawawala ang kanyang presence.


Mahigit dalawang taon nang hindi nagpapakita si Angel sa publiko at kahit sa kanyang socmed (social media) accounts ay hindi na rin siya aktibo.


Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang latest vlog ay okey na okey si Angel at abalang-abala raw sa gaming. Kung ano’ng klaseng gaming ito ay hindi na niya idinetalye pa.


“Si Angel Locsin po ay busy sa kanyang paglalaro sa gaming at parang wala s’yang plano pa muna na bumalik sa pag-aartista,” sey ni Ogie.


Sinabi rin niya na kailangang ‘in good shape’ muna ang aktres kung magbabalik ito sa showbiz.


From time to time ay nagbibigay din naman ng update ang best friend ni Angel na si Dimples Romana kapag natatanong siya ng press.


Ayon kay Dimples in her past interviews, maligayang-maligaya raw ngayon si Angel sa kanyang married life with Neil Arce at hindi pa nga raw nito naiisip magbalik-showbiz.



INAMIN ni Enrique Gil na may tsansa na magkasama pa rin sila sa isang proyekto ng dating girlfriend at ka-love team na si Liza Soberano.


Sa latest interview ng ABS-CBN sa aktor ay natanong siya kung ano ang update sa planong pagko-co-produce nila ng isang horror project.


“Yes, she is interested but she is in the US right now, she's in LA. But we talked about it for a bit. Yeah, she is interested but she is there right now,” sey ni Quen.


“So, who knows? Maybe next year. Sana, kung may time,” dagdag pa niya.

Sa isang panayam last November ay naibahagi na ni Quen ang possible collaboration nila ng ex-GF.


“We were talking the other day and sabi n’ya, she is really interested in my other project, the horror. When she comes back, we will talk about the storyboard. She also has a prod company there. Eventually, magko-collab kami,” sey ni Quen sa naturang panayam.


Samantala, naibalita rin ng aktor na balik-teleserye na siya ngayong 2025. Aniya ay kukunan daw ito sa Europe pero hindi pa niya sinabi kung ano ang title at kung sinu-sino ang makakasama niya.


“Mayroon nang leading lady, pero I don't think kung puwede pa. Hindi ko pa nakakausap. Nagmi-meeting kasi sila, nagpo-promo kami. So, hindi ko alam kung puwede nilang sabihin.

But as far as I know - yes, may naka-lock-in na for that. Excited na raw siya, nagte-training na raw, nagre-ready na,” sabi ng actor.


About the genre, sey ni Quen, “Gusto ko action s’ya, pero action-comedy, medyo may pagka-lightness. Kasi usually, super-bigat lagi ng mga action, so I wanted it medyo siyempre, may rom-com involved. Kailangan ‘yun sa TV, eh. Pero it’s kumbaga, medyo Ryan Reynolds-

ish na may lightness but there’s some mafia involved.”


Co-produced daw nila ng ABS-CBN ang upcoming series at konsepto rin daw niya kaya naman excited na siya.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary| September 2, 2024



Showbiz News

Ibinida ni Neil Arce ang pagrampa ng anak na si Joaquin sa Bench Fashion Week kamakailan. Makikita sa Instagram (IG) account ni Joaquin ang ilan niyang kuhang larawan habang rumarampa. 


Ini-repost naman ni Neil sa kanyang IG account ang kuhang larawan ng anak. Ang daming napa-wow sa pagrampa ni Joaquin sa runway dahil hitsurang hasang-hasa na siya. 


Paano ba naman, handsomely looking si Joaquin sa kanyang outfit na white polo with black necktie na pinarisan ng green blazer. 


Ani ng proud father, “When they’re no longer a baby. Good job, child @js.arce.” 

Sa comment section ng IG ni Neil, hindi ang mga papuri kay Joaquin ang mababasa kundi ang paghahanap ng mga followers nila sa misis niyang aktres, si Angel Locsin. 


Sey ng mga fans:


“Sir Neil, kailan po ba babalik si Angel sa showbiz? Tagal na po, eh.”


“Sir Neil, ilabas n’yo na po si Angel.”


“Idol, where ka na? Miss na miss ka na namin.”


“Labas! Darna, Labas.”


Two years na rin kasing hindi nagpaparamdam si Angel sa showbiz kaya hindi masisisi ang kanyang mga fans na hanapin o itanong ang aktres sa mister niyang si Neil Arce.



Bongga ng GF mo, Gerald!

PAGBILI NI JULIA NG ROLEX WATCH, NAKA-VIDEO PA


Julia Barretto

KINUNAN ng video ang pagbili ni Julia Barretto ng Rolex sa store ng kanyang brother-in-law na si Xavi Panlilio, ang mister ng eldest sister na si Dani Barretto.


Ishinare ni Xavi ang kuhang video ni Julia habang pumipili ng Rolex watch. Nang may makita, agad na kinuha ni Julia at binayaran. 


Ani Xavi, “Done deal. Thanks for stopping by.”


Ibinulgar pa ni Xavi na ang binili ng aktres ay Rolex Explorer 124273. Si Xavi ay isa sa mga partners ng reselling luxury timepieces. 


Ang daming nakapanood ng video kaya naman napuno ang comment sections ng IG ni Xavi. Halos lahat ay nagtatanong kung saan naka-locate ang kanilang store.

Tila naging endorser tuloy ng luxury watch si Julia. 

Para-paraan lang ‘yan, ‘di ba, Xavi? Char!

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 20, 2022



All-praises si Angel Locsin kay Daniel Padilla dahil may sariling paninindigan daw ang aktor.


Sumama si DJ (palayaw ni Daniel) sa campaign sortie kung saan sumuporta siya sa painting mural para sa aspiring president na si VP Leni Robredo. Humanga si Angel sa tibay ng loob ng aktor.


"I have so much respect & admiration for this guy. Tunay na idol na may malasakit. Hindi makasarili. Hindi pera-pera lang. Salamat sa pagtindig, DJ!" sabi pa ni Angel.


Hindi yata agree ang isang netizen sa sinabi ni Angel kaya ang comment, "Hindi pera-pera? Sure."


"Umay much na kayo," sabi naman ng isang hindi Kakampink.


"So, 'pag sa iba sumusuporta, pera-pera lang? Kaya kulelat kayo sa survey, eh. Feeling n'yo, kayo lang ang marunong pumili ng iboboto."


"2nd place is not kulelat. May fighting chance dahil sa sipag ng volunteers :)" depensa naman ng isang Kakampink.


"Totoo naman, eh, its either bayad sila or shunga for free. Kung marunong kayong bumoto, ang unang titingnan n'yo ay track record, hindi apelyido. Let's be real here," sabi ng isa pa.


Hahahaha! Nang dahil sa post ni Angel na 'pera-pera' ay nag-aaway na ang dalawang kampo ng presidentiables.


Wala silang pakialam sa ibang aspirants, kina BBM at Leni lang sila nakatutok.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page