top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 19, 2021



Wala pa ring patid ang pagbibigay ng karangalan sa It's Showtime host na si Vice Ganda kesehodang nawalan ng prangkisa ang kanyang home network na ABS-CBN.


Sa tatlong magkakasunod na taon ay pinarangalan muli si Vice Ganda ng Reader’s Digest bilang Most Trusted Entertainment and Variety Presenter sa Pilipinas ngayong taon.


Pahayag ng Unkabogable Star, “Kahit nabawasan ang reach ng network ko, kami pa ring Showtime hosts ang pinagkakatiwalaan ng publiko. Ang sarap sa pakiramdam na hindi nagbabago ang tingin sa akin ng mga tao. My following is still loyal," mensahe ni Vice sa ginanap na Reader’s Digest Trusted Brands Awards 2021.


Simula nang pumasok sa showbiz at namayagpag ang career ni Vice, labis niyang iniingatan ang sarili na baka pagdudahan o kuwestiyunin siya tungkol sa trust issue. Ayaw daw niyang makaranas ng anuman tungkol sa trust issue lalo na sa mga kasama niya sa bahay.


“Napakalaking bagay para sa akin ng tiwala. Ayaw na ayaw kong maka-experience ng trust issues sa mga kasama ko sa bahay, sa mga katrabaho ko, sa aking mga Kapamilya, sa aking mga kakilala at mga kaibigan.


"Kasi, 'di ba, kung walang trust, parang nawawala ang peace sa puso natin? Kasi alam naman natin na magkakambal ang trust at loyalty. When one is successful, a person will be surrounded by lot of people as a sign of support.


"But we have to be very careful who we will trust because not everyone who shows support could be really trusted. Trust is something that I value, and I am very careful in choosing the people that I will trust,” pangaral ni Vice.


Partikular daw na nakatuon si Vice sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan at sa mga taong nagtitiwala rin sa kanya. Kaya naman, sinusuklian niya ang mga taong pinagkatiwalaan din siya.


“In return, I am also very careful to make sure that I reciprocate that action. Other people must also trust me and I should also be loyal to those who trust me. It’s hard work, but this is the kind of hard work that I gladly accept.


“Trust is earned, and I worked very hard to earn the trust of the public. And that is something that I treasure.


"It’s difficult to lose the trust of other people because it’s really painful when we experience betrayal.


"As for me, I only gave my trust to a very few people. And it’s okay kahit konti lang sila kasi sure na sure naman ako that they will take care of my trust, as I am taking care of the trust that they gave me in return.


“For me, it’s painful when trust is lost, but I do not dwell on the pain and hurt. I always make sure to have a positive attitude.


"I acknowledge the pain and hurt, I do not escape from the pain and hurt. I move on and I do not dwell on anger. I dwell on love. Hindi dapat maputol ang cycle ng kabutihan. Hindi ito dapat maputol dahil ito ang magse-save sa humanity at ito ang reality na dapat nating tanggapin.


“Ang sarap makaranas ng kabutihan, at ito ang dapat ipasa natin sa ibang tao, sa lahat ng tao.


"Marami ang nagpapamalas ng kabutihan. Ang sarap sa pakiramdam na iparanas sa iba ang kabutihan. Goodness must always be shared.


“Kahanga-hanga ang mga taong nagpapamudmod ng kabutihan, at ‘yan ang isa sa mga major goals ko sa buhay ko,” pagtatapos ni Vice.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 12, 2021



Tiyak na malulungkot ang mga fans ng singer na si Darren Espanto dahil lumipad na ito sa Canada para makapiling ang kanyang pamilya.


Last December, 2020, sa Canada nag-celebrate ng Christmas si Darren at bumalik lang sa Pilipinas para paghandaan ang Darren Home Run: The Comeback Concert, isang virtual concert na ginanap last June 19.


Isa pang dahilan kung bakit ninais muna nitong bumalik sa Canada ay ang pagdedeklara ng ECQ sa National Capital Region (NCR) simula nitong Agosto 6, kung saan apektado ang showbiz industry dahil ipinatigil muna ang mga tapings, production events, etc.,


Mensahe ni Darren sa kanyang Instagram account last August 9, “Reunited, I’m back in Canada! Nakalipad pa ako bago mag-lockdown! Flew to Canada on Thursday (August 5) and went straight to camping on Saturday (after I got my swab test results from the airport. I also don’t have to quarantine anymore.) Can’t believe how quick everything’s been!”


Matatandaang last May 24, sa kanyang nakaraang 20th birthday, pinahanga ni Darren ang mga fans at netizens sa mga larawan niyang sexy, kung saan shirtless ang iba na kanyang ipinost mula sa kanyang pictorial.


Katwiran ng Asia’s Pop Heartthrob, ipinapakita niya ang mas mature side ng kanyang personality kung saan ay naka-pose siya with a white sando while flexing his toned body.


Sabi pa ng ASAP Natin 'To regular mainstay, pinananatili nitong in good shape ang katawan o ang naumpisahan nitong pagwo-workout sa gym ng kanyang daddy sa Canada nito lang nakaraang taon.


So, tiyak na mas magiging kaabang-abang ang pagbabalik ni Darren sa 'Pinas.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 10, 2021



Hindi nakalimutang batiin ng aktres na si Kathryn Bernardo ang bagong kasal at kaibigang aktres na si Angel Locsin nang inanunsiyo ng huli sa kanyang YouTube vlog na married na sila ng negosyante-producer na si Neil Arce.


Nagkasama sina Kathryn at Angel sa hit seryeng La Luna Sangre taong 2017 at dito nabuo ang kanilang pagiging magkaibigan.


May maikling mensahe si Kathryn sa comments section ng post ni Angel with three white heart emojis, "Waahhh!"


Sinagot ito ni Angel ng, "Next ka na ba?" sabay sabing, "labyu (love you)."


Nine years nang magkasintahan sina Kathryn at Daniel Padilla subali't nagdeklara ang dalawa na sila'y magpapakasal lamang bago umabot pareho ng edad 30.


Sa ngayo'y 25 years old na si Kathryn, samantalang 26 naman si Daniel, kaya't malamang na ang kasalang KathNiel ay mangyayari lamang in 4 to 5 years' time.


"Iyon naman talaga ‘yung deal namin. May ilang panahon pa kami before we turn 30, at 'yun naman talaga ‘yung plano... Napag-uusapan naman namin ni DJ. I think nasa tamang age na kami para i-ready ang mga sarili namin ‘pag dumating tayo sa punto na ‘yun," pahayag ni Kathryn.


Sa ngayon, may ipinatatayo nang bahay si Kathryn para sa kanyang pamilya. Siguro, kapag natapos na ito, saka naman nila aasikasuhin ni Daniel ang magiging future house nila.


Sa ngayo'y abala ang dalawa sa tuluy-tuloy nilang trabaho para raw makapag-ipon para sa kanilang future.


“Iyon ‘yung dahilan kung bakit kami nagtatrabaho. Lahat ng kailangang i-ready. Kasi malaking step ‘yun. Pagdating doon, at least, ready na kami, and relax na lang,” sabi ng aktres.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page