top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 29, 2021




Trending pa rin ngayon sa social media ang mamahaling kasuotan o Outfit of the Day (OOTD) ni Jinkee Pacquiao sa mismong laban ng asawa niyang si Manny Pacquiao sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas noong Agosto 22, 2021.


Kung tutuusin, halaga na ng isang house-and-lot ang katumbas ng kanyang OOTD habang nanonood ng Pacquiao-Ugas match sa T Mobile Arena.


Kung susumahin ay lumalabas na aabot daw sa P2.2 million ang OOTD ni Jinkee that day mula sa damit, sapatos, bags at alahas.


Kiber man ni Jinkee na pag-usapan ang kanyang outfit, maraming netizens ang hindi natuwa sa magarbo nitong suot lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Tinawag si Jinkee na walang kahihiyan dahil ibinabalandra nito ang pagiging sosyal, yayamanin at sikat na personalidad sa kabila ng paghihirap ng kanyang mga kababayan.

Nag-react din ang radio anchor ng TV5 na si Tita Cristy Fermin sa pinag-uusapang topic sa ngayon at sabi nito, “Wala lang sa timing si Jinkee Pacquiao. Wala po siyang pakialam sa pandemya at sa nagaganap sa buong mundo dahil kung mayroon siyang pakialam ay dapat hindi niya inilalantad ang kanyang kayamanan sa kanyang kagamitan.


“Walang kahihiyan si Jinkee Pacquiao. Ang dami-daming nagugutom na pamilya, ang dami-daming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo ‘yung lahat-lahat ng mga pinagbibili mo, may presyo pa at nasa bahay ka lang. Hindi ka naman lumabas kaya wala kang kahihiyan,” sey ng respetadong radio anchor.


May buwelta agad si Jinkee sa kanyang social media account sa mga patutsada sa kanya pero hindi niya diretsahang tinukoy na si Tita Cristy ang kanyang pinapatungkulan.


“Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours. Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.


“God is good all the time!” patutsada ni Jinkee.


Well, wala namang masama kay Jinkee kung ibalandra nito ang kanyang mamahaling gamit.


After all, galing sa dugo at pawis sa pakikipaglaban ng asawang si Manny Pacquiao sa boxing ring ang tinatamasa nitong karangyaan.

 
 

'PAG NAKAKASABAY SI SOLENN.


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 28, 2021




Halos magkasabay palang nag-try pumasok sa showbiz sina Angel Locsin at Solenn Heussaff.


Sa podcast ni Matteo Guidicelli na MattRuns Episode 10, inilahad ni Angel ang dahilan ng pagpasok niya sa showbiz.


Rumaraket daw siya noon para makaipon ng pampaopera sa mga mata ng ama niyang si Angelo Colmenares, kaya kahit saan may audition ay join siya.


Pero, hindi raw sumagi sa isip niya na magiging sikat siyang artista dahil alam niyang maraming mas magaganda sa kanya tulad na nga lang ni Solenn na nakakasabay pala niya noon sa audition.


“Alam kong maganda ako, pero hindi 'yung magandang-maganda. Alangan namang sabihin ko, 'Ang pangit ko.' Wala nang ibang pupuri sa akin kundi sarili ko.


“Pero siyempre, may mga limitation, like kunwari, si Solenn. Dati, lagi kong nakakasabay ‘yan sa VTR.


“Nagko-commute ako simula Caloocan papuntang Makati. So, naka-ilang bus ako, tapos mag-e-MRT pa ‘ko.”


Sa kabila ng hirap, nagtiyaga pa rin daw siya sa pag-o-audition.


May isang nag-audition daw na kanyang kinainsekyuran, walang iba kundi si Solenn nga.

“Papasok si Solenn, galing kotse, ang ganda-ganda ni Solenn talaga! Alam mo 'yung gusto ko na lang umuwi kasi alam mong hindi ka makukuha, 'yung ganu'n?”


Hanggang sa pareho silang naka-penetrate sa showbiz at ngayo'y pareho na ring nakagawa ng pangalan.


Hindi raw niya makakalimutang sinabi ang tungkol dito kay Solenn minsang nagkita sila.

"Solenn, alam mo ba, dati 'pag pumupunta tayo sa audition, umuuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?" sabi raw ni Angel kay Solenn.


“Hindi niya ako natatandaan!” natatawang kuwento ni Angel. “Pero kasi, siya, IT Girl talaga noon pa. Maganda na talaga, pero mabait. Hindi siya 'yung snob, ah. Mabait talaga siya."


Tawa na lang daw nang tawa si Solenn nang ikuwento niya ito.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 26, 2021




Mula sa USA, inilipad ng pamunuan ng New York Asian Film Festival ang napanalunang trophy ni Janine Gutierrez sa bahay mismo nito.


Ang parangal kay Janine ay bilang the Rising Star awardee sa pelikula nitong Dito at Doon, ang entry ng TBA Studios sa naturang international filmfest.


Habang hawak-hawak ang napanalunang trophy, nagbigay ng kanyang virtual acceptance speech ang actress na naka-post sa film festival’s official Instagram account.


Sa nasabing video, sabi ni Janine, “This means so much to me. I’ve always wanted to visit you guys in New York and attend the festival in person. So this recognition and you sending this (trophy) all the way to Manila is something I’m so, so grateful for.


"Thank you for supporting Filipino artists and Filipino films and making sure our stories are out there on the international stage. Thank you to everyone who has seen the film and supported. We’re so happy to share this award with you. I hope this serves as a reminder you are not alone and we’re all in this together.


"And to the NYAFF, I hope in the future we can meet in person. Thank you all again. I hope you all stay safe!”


Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan din ni Janine ang award-giving body, ang mga nasa likod ng pelikula na TBA Studio and her Dito at Doon co-stars na sina JC Santos, Victor Anastacio, Yesh Burce, and Director JP Habac.


She wrote, “Happy girl, thank you so much to the @newyorkasianfilmfestival for the Rising Star Award, so grateful for your support of Filipino films and creatives, for sharing your platform and getting our stories out into the world. this award is especially for everyone who has supported Filipino films despite cinemas being closed for a year and a half now. Hindi madali pero 'andito ka.


"Sa mga bumibili ng ticket online, sumusuporta sa mga streaming sites at naglalaan ng oras para sa mga virtual premiere - salamat. Thank you for supporting the industry and everyone who works in it. You mean everything to us. Thank you for coming with us on this journey. looking forward to sharing Dito at Doon / Here and There with more of you as we hit @netflix worldwide on September 2!! See you there.


“Lastly, I feel like part of this recognition is also because Babae at Baril was part of the #NYAFF last year. Forever grateful to team Babae," pahabol pa niyang pahayag.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page