top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 11, 2021



Ayon sa ilang malalapit na kaibigan ni Ejay Falcon, malamang daw na sumabak sa pulitika ang aktor ngayong darating na Halalan 2022.


Hindi pa tinukoy kung ano'ng posisyon ang kanyang pinapangarap na sungkitin, kung sa pagka-mayor ba o ang pagiging mambabatas gaya ng kanyang mga kapwa celebrities na sina Yul Servo, Alfred Vargas at Dan Fernandez na naging congressman ng kani-kanilang distrito.


Kung pagbabasehan ang mga litratong ibinabahagi ng aktor sa social media, mukha ngang desidido ang aktor na maging public servant, gaya na lang nitong Agosto, naging sunud-sunod ang pagbisita ni Ejay sa iba’t ibang munisipyo sa kanyang bayang sinilangan, ang probinsiya ng Oriental Mindoro.


Makikita sa mga litratong ibinahagi ni Ejay sa kanyang mga tagasuporta ang mga events sa kanilang lugar na pinupuntahan niya, kung saa'y kasama niya sa mga larawan ang kasalukuyang nakaupong gobernador ng probinsiya na si Humerlito “Bonz” Dolor.


Sa isa pang video, tila inuumpisahan na nga nito ang sumabak sa pulitika dahil makikita ang aktor na nagtatalumpati at humihingi ng suporta sa ilang residente ng binisitang lugar na sumalubong sa kanya.


Sa panayam kay Ejay, balang-araw daw ay inaasahan nito ang suporta ng mga taong nakakasalamuha sakaling dumating na ang tamang panahon o ang pag-anunsiyo ng kanyang kandidatura sa Oktubre.


“‘Yung sigaw at excitement ninyo, sana po, madala natin ‘yan pagdating ng tamang panahon, ang suporta ninyo. Kayo pong lahat dito, sana po, suportahan n’yo kami. Kaya po kami nandito ngayon, nagkakaisa at nagpapakilala po sa inyo,” sigaw pa ni Ejay.


Sabi pa ni Ejay habang ipinakikilala ang kanyang sarili sa mga taong dumadalo sa kanilang mga bayang pinupuntahan, gusto umano niyang magpakilala at makapaglingkod sa mga taong ito.


Aniya sa kanyang talumpati, “Ako po si Ejay Falcon. Kahit po hindi n’yo ako tingnan bilang artista, tingnan n’yo ho ako bilang kababayan n’yong Mindoreño na gustong maglingkod sa inyo.”


So, alam na this!

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 06, 2021



Grabe ang tapang ng komedyanteng si John "Sweet" Lapus para tawaging "bobo" si Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa kanyang Twitter account, nag-comment si Sweet sa isang artikulong inilabas ng ABS-CBN na ganito ang nakalagay: "Duterte asks for a copy of COA audit report on Red Cross.


"Red Cross is a non-government organization, therefore cannot be audited by COA."


Sa caption ay nagsusumigaw ang sinabi ni John na, "Hahaha Bobo!"


May ilang netizens ang nagkorek sa kanya at sinabing "I believe legally they can do that. As per the thread, may COA circular that covers this. No doubt these are all distractions to the core issue."


Sabi naman ng isa pa, "But under RA 10072, PH Red Cross is required to submit an annual report showing its financial situation to the President, who is also PRC's honorary president. COA may also be tasked to audit NGOs upon request by proper authorities, according to COA Circular No. 95-003."


Hinintay namin kung may sasagutin sa mga netizens si Sweet pero habang isinusulat namin ito ay wala pa kaming nakitang reply niya.


Wala pa rin kaming narinig na pahayag mula sa Malacañang kung sasagutin nila ang matapang na post ni John Lapus.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 05, 2021




Nagpaliwanag si KC Concepcion kung ano nga ba ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Apl.de.Ap, ang kanyang rumored boyfriend sa ngayon.


Sa kanyang Instagram account, pinangalanan niya ang isa pang kasama nila sa photo ni Apl.de.Ap na walang iba kundi ang Fil-Canadian chef na si Jordan Andino.


Mababasa sa caption ni KC, "My homeboys!!! The coolest peeps I can ask for [cool face emoji]


"Thank you for always inspiring me & helping me make America feel like home. Love you both so much!!!"


Idinagdag din ni KC sa kanyang Instagram Stories ang isa pang photo with Chef Jordan and Apl, tagging them as her "two faves" or favorites.


Matagal nang usap-usapan sa showbiz ang diumano'y relasyon ni KC kay Apl.de.Ap pero never nilang inamin or idinenay ang status ng kanilang ugnayan.


May espekulasyon pa ngang nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan noon pang bago magtapos ang taong 2019.


Namataan din ang dalawa sa El Nido resort sa Palawan nu'ng January, 2021 kung saan ipinagdiwang ng dalawa ang selebrasyon ng Bagong Taon.


At nito lang July, 2021, naispatan silang muli habang nagdi-dinner date sa isang Japanese restaurant sa Los Angeles, California, USA.


Well, baka naman close friends lang talaga ang dalawa dahil hindi naman sila mukhang intimate 'pag nagkakasama.

At kung totoo namang BF na ni KC si Apl.de.Ap, for sure ay hindi naman nila itatago 'yan dahil nasa tamang edad na sila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page