top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 23, 2022



Isa sa mga sponsors o "ninang" sa kasal ng dating Kapamilya actor na si Patrick Sugui ang It's Showtime host na si Vice Ganda.


Ikinasal si Patrick sa kanyang long-time girlfriend na si Aeriel Garcia sa isang resort sa Batangas nitong nakaraang Miyerkules (April 20).


Si Patrick ay unang nakilala sa reality show na Pinoy Big Brother nu'ng 2010, habang si Aeriel naman ay kilala bilang isang model at social media influencer. Taong 2018 pa noong naging opisyal na magkasintahan ang dalawa.


Sa nakaraang panayam, inamin nina Patrick at Aeriel na bago pa man sila na-engaged ay nagli-live-in na sila.


Taong 2020, buwan ng Disyembre, nang inanunsiyo nina Patrick at Aeriel ang kanilang engagement.


Sa araw ng kasal, mismong si Vice ang nag-post ng mga larawan ng bride and groom sa kanyang Instagram na may naka-post ding mensahe sa dalawa.


Sa kanyang caption, sabi ni Vice: "Not your ordinary ninang."


Sa comments section ng kanyang post, nagpasalamat si Patrick kay Vice sa pagdalo nito sa kanyang kasal sa kabila ng hectic work schedule ng komedyante, gaya ng araw-araw nitong programa, ang It's Showtime.


"Thank you, Ma! Love you!" ani Patrick.


Pawang mga artista ang kabilang sa mga entourage ng bride gaya nina Julia Barretto, Janella Salvador, Gabbi Garcia, Chie Filomeno, at Issa Pressman. Habang ang mga groomsmen ni Patrick includes Marco Gumabao, Dominic Roque, Khalil Ramos, at Joe Vargas.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 13, 2021




Marami ang nakapanood sa nakaraang episode ng It's Showtime nang maging contestant sa segment na Reina ng Tahanan ang Reinanay na isang bungi.


Bilang "choosegado", bentang-benta ang mga hirit na jokes ni Ruffa lalung-lalo na kina Amy Perez at Janice de Belen.


Sabi ni Janice, "Pinag-uusapan namin ni T'yang Amy, kung iba 'yung mag-i-statement noong 'bungi,' may mao-offend. Pero kapag si Ruffa, nakakatuwa."


Ayon pa kay Janice, tungkol ito sa naging komento ni Ruffa noong Biyernes (Oktubre 8) sa isang Reinanay contestant na "bungi na, nambababae pa" ang dating kinakasama nito.


Tinanong naman ni Ruffa kung ano ang mali sa kanyang sinabi.


Ipinaliwanag ni Janice na kung ibang tao ang nagsabi nito ay sa ibang paraan niya ito sasabihin at hindi sa kung paano sinabi ni Ruffa.


Sabi ni Janice, "We will say it in a different way and with a different mindset. Ikaw kasi, it's just so funny."


Dagdag naman ni Amy, "Pero 'yang si Ruffa, masaya kasama. Only Ruffa can do that."

Hindi lang naman ang mga hurado ang tuwang-tuwa sa mga hirit ni Ruffa. Bentang-benta rin ang kanyang mga hirit sa mga netizens.


Samantala, umuwing Reinanay of the Week si Donabelle Gatchalian matapos niyang makakuha ng 93.3% combined scores mula sa choosegados na sina Janice, Ruffa at Lara Quigaman-Alcaraz.


Para sa mga nakakatuwang kaganapan sa It’s Showtime, panoorin ang show mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com.


Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 09, 2021




Nakakatuwa ang mga nagsusulputang balita na kaya raw hindi tatakbo sa pagka-senador sa May 9, 2022 halalan ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto ay dahil nahihilig ang beteranang aktres sa pagba-vlog at balak nang maging isang successful YouTuber.


'Di hamak nga kasi na bumabaha ang pera sa pagba-vlog lalo na't ikaw ay isang sikat na celebrities na milyones ang followers gaya ng mga sikat na vloggers na sina Ivana Alawi, Alex Gonzaga at iba pa na kumukubra na nang milyones dahil sa kanilang vlog.


Salungat naman ito sa naunang naiulat na nais daw munang magpahinga sa pulitika ng aktres at walang balak tumakbo para sa huling termino bilang kongresista ng 6th District ng Batangas dahil ang kanyang kalusugan ang nakataya.


Kahapon ang huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbo sa 2022 at hanggang natapos nga ang araw ay walang Ate Vi na nagpakita para mag-file ng kanyang COC.


Nauna nang inanunsiyo ni Vilma ang kanyang desisyong hindi tatakbo ngayong halalan sa pamamagitan ng isang official statement sa social media nitong Huwebes, Oct. 7, isang araw bago ang deadline ng paghahain ng COC.


Unang-unang dahilan ni Ate Vi kung bakit magpapahinga siya sa pulitika ay ang patuloy na nararanasan at patuloy na pagdami ng tinatamaan ng COVID-19. Kesa nga naman isugal niya ang kanyang kalusugan sa pangangampanya, mamahinga na muna, besides, napakahirap din ang ipinapatupad na health protocols kontra-COVID-19.


Matatandaang 1998 nang magsimula ang political career ni Ate Vi nang mahalal siya bilang mayor ng Lipa City, Batangas. Tatlong termino siyang naging alkalde ng Lipa.


From vlogging, may nakausap daw si Ate Vi from a source na balak nitong gumawa ulit ng pelikula dahil magkakaroon na siya ng panahon ngayong pahinga muna siya sa pulitika.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page