top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 29, 2022



Congratulations sa bagong nanay na si Angeline Quinto!


In-announce ng Kapamilya singer-actress ang kanyang panganganak via caesarean operation sa baby boy na pinangalanan nila ng kanyang non-showbiz partner bilang Aziel Sylvio Quinto-Daquina, last Wednesday, April 27.


Nag-post si Angeline sa kanyang Instagram Stories ng picture niyang nakaupo sa chair at super-laki ng tiyan na may nakasulat na "Ready to pop".


Makikita rin sa post ni Angeline ang picture niya habang nakaupo na sa hospital bed at karga ang bagong silang na si Baby Sylvio kung saan nakataas pa ang isa niyang kamay na sign ng "success".


First baby ito ni Angeline at ng kanyang non-showbiz live-in partner kaya ganu'n na lang ang kaligayahan ng singer.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 28, 2022



Walang pakialam ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa paglaladlad sa publiko ng kanyang tunay na kulay at ang pagiging Kakampink o supporter ni VP Leni Robredo.


Sa ginanap na VaxToNormal concert ng girl pop group na Calista sa Araneta Coliseum last Tuesday, April 26, naging guest performer si Andrea sa kauna-unahang pagbubukas ng Big Dome sa live performances at concert.


After Andrea's sing-and-dance number, maraming nagulat sa kanyang mensahe. Napansin kasi niyang kulay pink ang halos buong background ng stage at sabi'y, "At alam n'yo rin kung bakit pink ang suot ko ngayon? Para ipakita ang support ko kay Ma'm Leni," na ikinasorpresa ng ilan.


Kaya naman sa Q and A portion ng presscon, naitanong sa direktor ng show kung may kinalaman siya sa binitawang spiel ni Andrea.


Sagot ng batambatang direktor, "All I know (that time), she owns the stage at 'di namin siya sinabihan kung ano ang kanyang sasabihin."


Hindi naman naalarma ang boyfriend ni Andrea na si Ricci Rivero (ang pambato ng UP Maroons sa kasalukuyang UAAP), kung solid Kakampink ang kanyang GF.


Halos makikita kasi sa Instagram Stories last April 26 (Tuesday), karamihan sa mga gamit ng Kapamilya actress ay idinisenyo nitong magkulay-pink, gaya ng kanyang kotse, tumbler, phone case at ID lace na may pink ribbons, pins at stickers, pagpapahiwatig na diehard supporter siya ni presidential aspirant Leni Robredo.


Sabi pa nga ni Ricci kay Andrea, "I'll support you supporting whoever love."


Ipinagtanggol din ng basketball star ang GF sa mga namba-bash dito.


Ayon pa kay Ricci, "Kasi, ang sabi ko sa kanya, kung ano 'yung feel niya na puwede niyang gawin, go lang. So, if sa akin, okay lang, sana sa inyo din po! She's just really trying to make me believe sa kung kanino siya naniniwala. Just saying."


Ipinaliwanag din niya sa kanyang post na ang ginawa ni Andrea ay pagpapakita lang kung ano ang pinaniniwalaan nito.


"I respect her for that at kung hate lang ang dala n'yo, then 'wag n'yo na lang po open stories ko. I'm just proud what my girlfriend's doing," dagdag pa niya.


Naging official ang relasyon nina Ricci at Andrea nito lang April 9, noong tanungin ng una ang huli ng, "Can you be my girlfriend?" pagkatapos ng laro ng UP Maroons sa Mall of Asia Arena noong araw ding 'yun.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 26, 2022



Inaabangan na ang tila pagpapatalbugan sa hosting ng tatlong former Miss Universe title holders na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere at Demi Leigh-Tebow sa darating na coronation night ng Miss Universe Philippines sa Mall of Asia Arena sa April 30.


Nakatuon naman ang pansin ng mga beauty pageant fanatics sa pagiging panauhing pandangal ng kasalukuyang Miss Universe 2021 na si Harnaaz Sandhu ng India at sa pagpili ng kakatawan sa ating bansa sa susunod na Miss Universe pageant.


Sa kanyang panayam, sinabi ni Miss Universe Harnaaz na ito ang kanyang kauna-unahang country visit at excited siyang makita ang lahat ng kandidata sa Miss U Philippines.


Bukod sa coronation night, naririto si Zandhu with Plan International "to talk about menstrual equity". Sandhu meets with youth advocates during the "Period Pains: Tracking the Challenges of Menstrual Equity" event sa Bay City-Manila in Pasig City.


Dumating si Miss Universe Zandhu sa Pilipinas nu'ng Linggo (April 24), halos isang linggo pa bago ang coronation night at sinundo siya mula New Delhi ni dating Ilocos Sur Mayor Luis "Chavit" Singson kasama ang kanyang anak na si Architect Richelle Singson-Michael, sakay ng kanilang 12-seater private plane, ang Air Beauty One.


Samantala, may mga nagtataka at nagtatanong naman kung ano ang magiging partisipasyon ng isa pang Miss Universe natin na si Catriona Gray sa naturang upcoming event.


May nabasa kaming interview kay Catriona kung saan sinabi nitong bagama't invited naman siya, hindi niya sure kung makakadalo at depende raw 'yun sa kanyang schedule.


Tanong, bakit nga ba si Pia at hindi si Catriona ang Miss U na napili para mag-host ng event?


Just asking…




 
 
RECOMMENDED
bottom of page