top of page
Search

3 SAPATOS WORTH P133 K!


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 25, 2021




Sa isang vlog kung saan naglaro si Bayani Agbayani ng Uutangan o Ililibre, ibinunyag ng komedyante ang ilan sa mga kaibigan niya sa industriya na may mabuting kalooban.


Ilan dito sina Luis Manzano at Sharon Cuneta na pinatotohanan niya ang pagiging mapagbigay.


Pabirong inihayag ng komedyante na minsan daw ay nagagamit sila ng ilang personalidad sa kanilang vlog, subali't ni singkong duling ay wala man lang silang napala.


Pero, bago magalit ang mga netizens sa ilang artistang tinutukoy ni Bayani, nauna na nitong sinabi na mga showbiz friends niya ang mga ito, gaya nina Luis Manzano at Megastar Sharon Cuneta, na kanyang pinahahalagahan bilang mga totoong kaibigan.


Una niyang pinasaringan si Luis sa isang vlog kung saan naglaro sila ng Uutangan o Ililibre. 'Pag si Luis daw, uutangan.


“Uutangan, kasi maraming pera ‘yan. Marami kayang mga taxi ‘yan. Saka, maraming mga commercials. Minsan nga, nagagamit kami sa mga vlogs niyan, hindi naman kami binibigyan kahit singko,” pabirong sabi ni Bayani tungkol kay Luis.


Walang kasimbait naman daw si Luis, sabi ni Bayani, na ayon sa kanya, palagi siyang inililibre ng pagkain at binibigyan pa umano ng mga produktong ineendorso nito.


“Basta ‘Huy, punta kayo rito. Papakainin ko kayo,’ tapos iba-vlog na lahat ng gagawin namin. Aakbay lang ako sa kanya, kukunan na ng camera. Kahit sino sa amin. Tapos, makikita mo, ‘Uy, nasa vlog pala ako,’” masaya nitong kuwento.


Dagdag pa ni Yani, “Sasabihin niya, ‘Punta kayo ng dressing room ko, ha?’ ‘Bakit?’ ‘Basta.’ Tapos iba-vlog niya na ‘yun. Pumupunta po siya ngayon dito sa aking dressing room. Grabe! Parang si Alex Gonzaga.


"Pero mabait po ‘yang mga ‘yan,” dagdag na kuwento ni Yani.


“Si Luis, ‘yung mga sponsors niyan, tatawagan pa ako. ‘Kuya, ano’ng gusto mo rito?’ Dadalhin niya na lang sa taping, tapos ibibigay niya sa akin. Pero dapat talaga, utangan ‘yan,” alala pa ni Bayani.


Bukod kay Luis, isa sa mga itinuturing niyang bespren sa showbiz ay si Sharon. Kahit daw matagal silang hindi nagkikita, hindi nagbabago ang Megastar sa kanya once na siya'y maalala o sila'y magkita.


“Ang maganda lang kay Tita Shawie, alam mo, kahit hindi kayo nagkikita, maaalala ka niya,” sey ni Bayani.


Ayon sa komedyante, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang regalong sapatos sa kanya ni Sharon.


Pahayag ni Bayani, “Tita Shawie, ipagmamalaki ko na ‘to. Itong Prada, Gucci at Givenchy — tatlong mahal na sapatos, binigyan ako ni Tita Shawie. Hindi na kami nagkikita, ah?”


Kung susumahin daw ang halaga ng mga iniregalong sapatos sa kanya ni Sharon, aabot umano sa P133,000!


“Tumawag lang siya, ‘Umorder ka ng tatlong sapatos.' Tapos, nakita ko, P45,000, P42,000, P46,000. ‘Tita Shawie, hindi ko po kaya ‘to. Isa lang po ang bibilhin ko.’ ‘Ano’ng bibilhin mo? Ako ang magbabayad niyan. Umorder ka na.’ Binayaran. Hindi kami nagkikita nang matagal na panahon, ah? Kaya uutangan si Tita Shawie?” masayang kuwento ni Bayani.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 23, 2021



File photo-IG ryan_agoncillo - officialjuday


Ang bansang New Zealand ang napiling lugar ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sakaling pag-isipan nilang mag-retire na from showbiz.


Dalawang beses nang nakapunta sa New Zealand sina Juday at Ryan kasama ang mga anak at ang huli nilang punta ru'n ay taong 2015 with best friend nilang si Beth Tamayo, dating aktres na ngayo'y naninirahan na rin sa ibang bansa.


Ipinasyal nila ang mga anak sa Hobbiton Movie Set Tour in Waikato, New Zealand na siya ring naging location shooting ng The Lord of the Rings film trilogy and The Hobbit film trilogy.


Kung tatanungin si Ryan kung bakit New Zealand ang para sa kanila'y ideal retirement place, "New Zealand kasi, we just really fell in love with the place kasi mas maraming baka kesa sa tao. Tapos, ang daming puno. Wala kang basurang makikita.


"And then, the kids, you can see them going up to the school. Tapos, nakaapak silang uuwi sa kalsada. It's just so free. Napakalibre nu'ng lugar. 'Yung ang linis, ang lawak," sagot ng aktor-TV host.


Dahil sa nakita o naranasan ni Judy Ann habang nasa New Zealand, kumbinsido ang aktres na ito nga ang magandang lugar for retirement.


Aniya, "We could have... At some point, hindi imposibleng mag-migrate sa New Zealand in the future. 'Yung ganu'n siya, ganu'n 'yung effect niya sa amin."


Nabanggit din ni Juday na sa NZ nabuo ang anak nilang si Luna.


"Nu'ng pangalawang punta namin, alam namin na may nabuo rito. 'Yun na nga, tumpak!


Jackpot! Pag-uwi, 'yun na! Okay, good job. Achieved!" pagtatapos ng aktres.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 17, 2021



Instagram / praybeytbenjamin


Pagdating sa trabaho, hindi maipagkakailang si Vice Ganda ang isa sa mga pinakasikat nating celebrities ngayon. Highest-paid superstar kung tutuusin, mapa-TV, movies, endorsements at concerts ay lagi siyang patok sa mga netizens.


Ngunit may kasabihang: "You can't have it all," dahil kung ang It's Showtime host ay tinatamasa ang pagiging 'unkabogable' among his peers, iba naman pagdating sa kanyang love life na inuulan ng batikos.


Aniya'y 'di tanggap ng mga netizens ang pakikipagrelasyon niya sa It's Showtime co-host na si Ion Perez. May nagsasabi pang ang relasyon ng dalawa ay 'di naaayon sa salita ng Diyos.


Sa puntong ito, inihayag ni Vice na hanggang ngayo'y nakakaranas pa rin siya ng batikos at diskriminasyon sa halos tatlong taon na nilang pagsasama ng boyfriend.


Marami pa rin daw ang namba-bash sa kanya pagdating sa kanyang sexual orientation at pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki.


“'Yung discrimination sa kung paano tanggapin ng tao 'yung relationship ko with Ion, so, hindi siya natatapos. Hindi natatapos 'yung mga comments ng mga tao na hindi maganda, just because bakla ako. 'Yung ganu'n,” ayon pa kay Vice.


You can't please everybody, 'ika nga at marami pa ring kumokontra sa kanilang relasyon ni Ion.


“'Yung meron pa ring magpo-post ng kanilang religious beliefs, na ini-impose sa akin na dapat ganito, ganyan…Na makasalanan ako, makasalanan kami. 'Yung ganu'n. 'Yun lang.


“But that’s major. Pero other than that, hindi ko na siya masyadong ma-experience,” pahayag ni Vice.


Kaugnay sa panayam sa kanya ng Summit, sinabi ni Vice na kung maaari'y ayaw niyang patulan ang mga isyu sa kanila ni Ion.


“As much as possible, I don’t want to deal with them and I don’t want to deal with that issue because it’s a waste of energy.


“Whatever I say, they will not take it. And they will not choose to understand and accept it. Sarado na sila.


“As much as possible, I don’t want to deal with their issues and them.”


Sa kanyang pagpapatuloy, sinabi ni Vice na hangga't maaari'y ayaw niyang mabasa ang mga negatibong komento dahil nasisira ang araw niya. But since aktibo siya sa socmed at ayaw niyang pahuli sa kalakaran, hindi niya maiiwasang makabasa ng mga intriga.


“Nagkakataon lang na nababasa ko, pero kung alam ko lang, kung maiiwasan ko lang silang basahin, hindi ko sila babasahin. Kasi ayoko, eh, 'yung energy ko, sayang.


“Hindi sila 'yung taong pagpapaliwanagan kasi masasayang 'yung kapaliwanagan ko. Hindi talaga nila tatanggapin.


“Pero kung alam kong open… may mga taong open to discuss about it, ‘yun, masarap. Pero may mga taong… ‘Di na lang, uy! Dami ko na issues, ‘no! Dagdag pa ba kita? Di magalit ka na lang.’


“Siya na lang, 'di ba? Hayaan ko na lang siyang magalit.”


In fairness, kahit nasa pandemya pa rin tayo, blessed pa rin si Vice sa tuluy-tuloy na arangkada ng kanyang career. Bumabandera pa rin sa noontime slot ang It's Showtime, nariyan pa ang bago niyang show na Everybody Sing, plus ang nalalapit niyang digital concert, ang Gandemic VG-tal Concert na magaganap sa July 17 at mapapanood via streaming sa KTX.ph, iWantTFC, at SkyPPV.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page