top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 05, 2021





May kaugnayan ang congratulatory message ni Ion Perez sa tagumpay ni Vice Ganda dahil ang It's Showtime host ang hinirang na Best Entertainment Host in the Philippines sa nakaraang virtual awards night para sa 2021 Asian Academy Creative Awards (AACA) na ginanap sa Singapore last December 3, Friday.


Inialay ni Vice sa kanyang boyfriend na si Ion at sa kanyang ina na si Rosario Viceral ang tagumpay niya sa 2021 AACA.


Kinabukasan (December 4), may mensahe agad si Ion sa live-in partner na si Vice sa ginanap na live telecast ng It's Showtime.


“Binabati kita bilang partner mo. Congratulations, Babe. Siyempre, alam mo na 'yun kung gaano kita kamahal. Nandito lang ako lagi. Hindi kita iiwan."


Ibinahagi rin ni Vice sa kanilang viewers o madlang pipol ang kahalagahan ng pakiusap nito sa boyfriend na kinakailangan niya ang dasal para masungkit ang prestigious award na ito.


“'Ipagdasal mo na manalo ako,' sabi ko sa kanya. 'Idine-dedicate ko ito sa 'yo,' kasi sa sobrang dagok na inabot ko, sa sobrang okray ng mga tao sa akin, kung anu-ano ang naririnig ko, sabi ko, salamat kasi 'yung pagmamahal niya, hindi lang nakakaganda, nakakahusay…


“'Di ba, ang sarap gumising na parang kahit anong marinig ko, wala naman akong paki. Ang mahalaga, okey naman si Ion, okey kami ni Ion at 'yung nanay ko. Ang sarap sa feeling nu'ng tinext ako ng nanay ko na, ‘You make your nanay proud again.'”


Kahit virtual ang event, nagpabongga si Vice at pinaghandaan nito ang pagsusuot ng gown na pink sa Friday night virtual red carpet.


Kaso, bongga man ang pinakawalan nitong mensahe sa mga fans, may sarkastiko itong mga salita sa kanyang mga bashers at detractors.


“I am just so flattered. It’s really a big honor to win the Best Entertainment Host in the Philippines and to be able to represent my country here in the Asian Academy Awards and it’s extra special because my program, Everybody Sing is also nominated and we hope we win tonight.


“This is a big honor, a big blessing and this is surely gonna make all my fans, supporters celebrate, and this is gonna make them all very happy and at the same time, this achievement is gonna make all my haters and bashers cry and die…” ang sabi ni Vice na sinundan nito ng pilya at nakakalokong tawa.


Ayon umano sa mga hurado, mahigpitan ang naging laban sa pagitan ni Vice at ni Kiat Kicharoen ng Thailand para sa kategoryang Best Lifestyle, Entertainment Presenter/Host.


Dahil matalino at kilalang variety host, ang It's Showtime host ang nagwagi sa botong 17.5% laban sa 17.33%.


“Well-deserved victory to the Philippines. Thanks to the hard-working always entertaining Vice Ganda,” pahabol na mensahe ng Asian Academy Creative Awards organizers sa parangal na ipinagkaloob nila kay Vice Ganda.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 03 , 2021





Umalma ang Kapamilya publicist na si Eric John Salut sa bias o unfair na survey ratings diumanong ipinakalat ng karibal na network, na layuning itumba ang long-time action-drama series na FPJ: Ang Probinsyano.


Ani Eric John sa kanyang early morning post nitong Huwebes, December 2, "Sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, nakuha pa rin ng GMA-affiliated website na ikumpara ang ratings na nakukuha ng Kamuning shows at Kapamilya tulad ng FPJ's Ang Probinsyano.


"Dahil dito, marami pa ring tambay at unemployed na Kapuso fans ang naniniwala na nangungunang network ang GMA.


"Sa kanilang ipinublish na article ngayong araw, noong November 26, nabanggit ang rating na nakuha ng FPJAP kung saan nakilala na ang karakter ng Megastar Sharon Cuneta."


Sabi pa ni EJ, sa unang episode kung saa'y ipinakilala si Mega sa karakter nitong si Aurora,


"Ayon sa kanilang ulat, humamig ng 9.4% na rating ang nasabing episode ng FPJAP laban sa 12.3% ng I Left My Heart In Sorsogon (ILMHIS) na pinagbibidahan ni Heart Evangelista."


Himutok ni EJ, "Hindi patas ang pagkukumpara dahil limitado lamang ang nararating ng signal ng TV5 at A2Z sa free TV.


"Ganoon pa man, runaway winner naman ang FPJAP sa online world dahil nakakuha ang unang episode ni Mega ng mahigit na 4.6 MILLION VIEWS sa YouTube! Hindi pa kasama sa bilang ang nanood sa Kapamilya Online Live, hindi lamang sa YouTube kundi pati na rin sa Facebook," sey pa ni EJ.


Dagdag niya, "Samantala, ang pinagsama-samang views ng ILMHIS mula episode 1 hanggang episode 11 ay aabot lamang sa mahigit 1.9 million views - kulang na kulang upang matalo ang isa at unang episode kung saan tampok ang Megastar.


"Congratulations, Mega at team FPJAP!" with color blue, red, green heart emoji na simbolo ng kulay sa logo ng ABS-CBN.



 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 24, 2021




Hindi lang pala si AJ Raval ang binabansagan ngayong "Pambansang Kabit" ng mga netizens kundi maging ang Kapamilya actress na si Yen Santos.


Ito'y matapos ngang kumpirmahin ng misis ni Paolo Contis na si dating Eat Bulaga! EB Babe Lian Paz na kasal pa rin sila ng ama ng kanyang mga anak at hanggang ngayon ay hindi pa naa-annulled ang kanilang civil wedding ni Paolo.


Ikinasal sina Paolo at Lian sa Cauayan, Isabela noong July 20, 2009 pero pagkatapos lang ng halos apat na taong pagsasama, naghiwalay din sila.


Si Paolo ang unang nag-file ng petisyon para sa annulment ng civil wedding nila ni Lian.


Pero, idineklara itong null and void dahil pinalabas ng aktor na hindi totoo ang kanilang kasal. May taping daw kasi siya noong araw na ‘yun kasama ang kanyang mga saksi.


Pero kahit null and void daw ang kasal, hindi pa rin tuluyang napawalang-bisa 'yun kaya si Lian naman ang naghain ng petisyon for annulment at hanggang ngayon nga ay patuloy pa rin 'yung dinidinig sa korte at wala pang desisyon.


So, 'yun pala ang dahilan kaya kahit tumagal nang 6 yrs. ang relasyon ni Paolo kay LJ Reyes ay hindi niya napakasalan ang ina ng kanyang anak na si Summer.


At ngayong si Yen Santos naman ang napapabalitang bagong karelasyon ni Paolo, saan nga kaya hahantong ang relasyon nila?


Hanggang kailan kaya matitiis ni Yen na matawag na 'Pambansang Kabit' ni Paolo Contis?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page