ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 21, 2022

Sa wakas, nag-level-up na rin from friendship to may 'kilig factor' na ang parehong Kapamilya stars na sina Joshua Garcia at Ivana Alawi.
Naglakas-loob na rin ang aktor para tanungin si Ivana kung siya ba'y 'dyodyowain' o 'totropahin' lang ng sikat na vlogger-actress.
Matatandaang ilang buwan na ang nakalilipas, sa isang vlog ni Ivana, inamin niyang crush niya si Joshua, sabay bati ng "Happy Birthday" sa araw mismo ng kaarawan ng aktor.
Of course, aminado naman si Joshua na nakakapagpataas 'yun ng kanyang self-confidence. 'Yun nga lang, after that, hindi pa nasundan ang pakilig ng dalawa.
Hanggang sa naging guest kamakailan si Joshua sa isang benefit show ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Si Joshua ang inatasan ng production staff para kumbidahin ang sikat na vlogger-actress para sa nasabing benefit show. May inihandaang portion ang show kung saa'y tatawagan ni Joshua si Ivana at ipa-prank niya ang dalaga.
Una'y alanganin pa si Joshua sa ideya kaya't hiniling nito sa production na mag-usap muna silang dalawa ni Ivana, hanggang sa naganap nga ang tawagan.
Sa bungad na tawag ni Joshua kay Ivana, agad niyang pinrank ito, "Hello, tumawag ka?"
Sagot ni Ivana na tila nabigla, "Ha?" at aniya'y hindi niya tinawagan ang aktor.
Hanggang sa natawa na lang si Joshua at sinagot si Ivana ng "Sorry, 'di ko kaya (mag-prank)."
Maya-maya, finally, nasabi na rin ni Joshua ang gustong sabihin kay Ivana.
"May itinatanong si Darla Sauler (producer ng event) sa 'yo, Ivana," at 'yun nga ay kung jojowain ba o totropahin siya nito.
Sa una, tila choppy daw ang boses at 'di kuno maintindihan ni Ivani ang sinasabi ni Darla, kaya't si Joshua na mismo ang nagtanong.
Ani Joshua, "Kung dyodyowain o totropahin mo raw ba ako, pinapatanong ni Darla."
Sagot ni Ivana, "Secret!" na halata namang kinikilig.
Hindi lang sina Ivana at Joshua ang kinilig sa posibleng pagkakamabutihan ng dalawa.
Maging ang kanilang mga fans ay happy sakaling mauwi sa pagiging mag-BF-GF ang kanilang kiligan at sweetness sa isa't isa.
Anila, pagkatapos ng naunsiyaming relasyon ni Joshua with Julia Barretto, "It's about time na harapin ni Joshua ang kanyang love life at maging masaya. After all, pareho silang single ni Ivana."
Well, abang-abang tayo!






