top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 26, 2022





May bagong showbiz couple na pinagpipiyestahang hiwalay na ngayon, walang iba kundi ang 3 buwan pa lang na ikinasal na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.


May mga netizens kasing nakapansin na mukhang may pinagdaraanan ang mag-asawang Carla at Tom base na rin sa mga Instagram posts nila lately.


Parang parehong may hugot ang dalawa at kapansin-pansin na hindi rin sila magkasama sa mga pictures nilang ipino-post sa IG.


May nakapuna rin na in-unfollow nina Carla at Tom ang isa't isa, kaya naiintriga ang mga fans nila at nagtatanong kung ano na ba ang estado ng relasyon ng mag-asawa.


Base sa nabasa naming komento ng mga fans nila sa post ni Tom sa kanyang IG, karamihan sa mga ito ay nagbibigay ng payo na lumaban si Tom at 'wag isuko ang marriage nila ni Carla.


May mga nagsasabi ring pagsubok lang 'yan sa kanilang pagsasama lalo na't nagsisimula pa lang ang buhay-mag-asawa nila.


As of this writing, kahit ang malalapit kay Carla ay wala pang maisagot tungkol sa estado ng relasyon nila ni Tom dahil wala pang nagsasalita sa mag-asawa.


Pero umaasa naman ang lahat na sana nga ay tampuhan lang ang namagitan sa dalawa at 'wag namang mauwi sa tuluyang hiwalayan.



 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 25, 2022





Ayaw ding pahuli ng "Pambansang Marites ng Pilipinas" na si Xian Gaza sa pagkakalat ng tsismis at ngayon, ang kanyang latest tsika ay ang mensahe niya kay Joshua Garcia sa kanyang Facebook page.


Sabi ni Xian Gaza, jowain na raw ni Joshua ang sexy vlogger na si Ivana Alawi or else, baka maunahan pa siya ni Gerald Anderson.


"Joshua, good morning. Xian Gaza is here. Pambansang Marites ng Pilipinas. Sabi ng iba, magkahawig daw tayo. (The nerve ng Xian, huh!). Anyway, straight to the point na 'ko, ha?


"Nakarating kasi sa akin na nagkakamabutihan na pala kayo ni Ivana ngayon. Glad to hear that, masaya ako para sa inyo. I wish you all the best.


"Sana, maging mag-jowa na kayo soon bago ka pa maunahan ni Gerald!" aniya sa kanyang post na ang tila tinutukoy na "Gerald" ay si Gerald Anderson.


May binitawan ding nakakaintrigang pahayag si 'Pambansang Marites' kay Joshua, "May gusto sana akong i-open about Ivana para makilala mo pa siya nang husto. Huwag na lang sana makalabas at sa ating dalawa na lang. Salamat!"


Sadyang binitin ni Xian ang gusto niyang sabihin kay Joshua, obviously para pag-usapan ito ng mga kapwa niya Marites.


Pero sa pagdawit niya sa pangalan ni Gerald kay Ivana, may dapat nga kayang ika-insecure ang GF ng aktor na si Julia Barretto?


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 23, 2022





Nag-viral sa social media at naging pulutan ng mga 'Marites' ang apela ni Ellen Adarna sa isang video kung saa'y naghahanap ang sexy actress ng isang 'sperm donor'.


Ang paraang nabanggit ay para sa isang mag-asawang hindi magkaanak o baog ang male partner at hindi makapag-produce ng fertile na sperm para sila'y mabiyayaan ng supling.


Pero bago pa magtaas ng kilay ang ilang Marites, inunahan agad ni Ellen na hindi para sa kanya ang nasabing apela kundi para sa kanyang kaibigan na nagpapahanap ng sperm donor.


Sa kanyang Instagram stories, ani Ellen, ang hanap nila ay isang foreigner.


"An AFAM, a foreigner, who's tall, nice bone structure, lots of hair, you don't have to be mentally stable but you just have to look good," sabi pa ni Ellen.


Muli nitong nilinaw sa huling bahagi ng kanyang IG na hindi ito para sa kanya kundi para sa kanyang nangangailangang kaibigan. Of course, alam naman ng lahat na kuntento at happily married ito sa aktor na si Derek Ramsay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page