top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 10, 2022





Kaarawan ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III (SLN) nu'ng Tuesday (February 8). Nagbigay ng tribute si Kris Aquino sa pamamagitan ng Instagram para sa kanyang late brother na nagdiwang ng 62nd birthday.


Isang heartfelt letter ang kanyang ibinahagi sa kapatid, expressing her grief and regret for not being able to tell him enough times how much she loved her late brother.


"I love you so much. I’m so sorry na hindi ko nasabi enough times when you were still here. I’m sorry for letting you down — but I know nakita mo how much your death has profoundly changed me," ani Kris.


Humingi rin ng tawad si Kris sa yumaong kapatid nu'ng isapubliko niya ang kanyang breakup sa 3-month fiancé na si Mel Senen Sarmiento. Imbes kasi sarilinin o gawing pribado na lang ang nangyari, mas pinili pa ni Kris na pagpiyestahan ito sa social media.


"I know you wanted to teach me how to practice humility and not to post anything that later on I may regret… Sorry sumablay lang kay Mel, kasi pumatol ako and nag-comment when I should’ve just shut up. After I post this, I'll message him na all is forgiven and forgotten," sey ni Kris.


Dagdag pa niya, "Time to stop looking back, free myself from the past, focus on today and still have enough FAITH to look forward to tomorrow."


May hiling din si Kris para sa kanyang late brother, who is now reunited in heaven with their parents, Benigno "Noynoy" Aquino, Jr. and Corazon "Cory" Aquino.


"I'm sure super happy ka because solong-solo mo ang mom and dad in heaven. Please habaan n'yo pa 'yung bonding n'yo? If ate goes, you know how tight she and mom were. If it’s Pinky, everyday may kadebate ka na hindi takot awayin ka. Please not Viel, she’s super organized and that’s why all your pamangkins get their birthday and Christmas 'hulog ng langit.'

"And if it’s me — you know naman… birthday mo so I’ll behave, 'di ko na sasabihin but I know you know what I mean."


Bagama't ilang taon na ring iniinda ni Kris ang pagkakasakit (rare autoimmune disease), nabanggit din nito sa kanyang post na kailangan pa rin siya ng mga anak na sina Joshua at Bimby.


"Ikaw nang bahala, okay.


"Bunso will try her best to be more like you, and 'yung inako kong mga binilin mong 'wag pababayaan, ginagawa talaga," sey pa ni Kris..


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 08, 2022





Nakapanayam ni Karen Davila sa kanyang YouTube Channel ang bidang actress ng The Broken Marriage Vow na si Jodi Santamaria.


Ikinuwento ni Jodi sa TV Patrol news anchor ang kanyang mga pinagdaanan at naging buhay noong hindi pa siya nakikilala sa mundo ng showbiz.


Dahil sa kakapusan sa pinansiyal, habang nag-aaral ay nasubukan daw niya ang pagbebenta ng popcorn sa school noong bata pa siya.


“We were raised single-handedly by my mom pero my lola has always been there na naging supportive kay Mama. So, it was just me, my kuya, my lola, and my mom,” bungad ni Jodi.


“Tapos doon (nag-start) 'yung sa pagiging raketera sa school, nagbebenta kami ng popcorn.


Kasi du'n namin kinukuha ‘yung pambaon namin. So, 4 AM, gigising si Mama, gagawa siya ng parang butter, ng brown sugar, tapos may candle para pang-close ng plastic, tapos ibebenta namin per pack ng twenty pesos ‘yan,” pagpapatuloy pa niya.


Naalala pa ni Jodi ang nakakatawang karanasan nang i-call ang kanilang atensiyon para ipahinto ang kanilang negosyong popcorn matapos umanong mapansin na nagiging kakumpitensiya na sila ng school canteen.


“One day, pinatigil ‘yung aming small business kasi nakakumpitensiya na namin ‘yung canteen sa school,” natatawang lahad pa ni Jodi.


Pero hindi rito tumigil ang mga pangarap ni Jodi na makatulong sa pamilya. Inambisyon din nitong maging artista.


Umpisang kuwento ni Jodi, bagama't aminadong mahiyain, bata pa raw siya'y mahilig na siyang mag-perform sa harap ng mga tao. Hanggang sa naging paraan ito para siya'y mapansin ng isang talent scout.


“Ano lang ako, typical school girl na mahiyain. Pero sobrang love ko ang pagpe-perform. And then, pagdating ko ng high school, we were just having lunch — me and my friends — may lumapit sa aming talent scout. Nagbigay siya ng card, mag-audition daw kami,” kuwento ng aktres.


Hindi pa man abot ang pangarap na makapasok sa showbiz, ang tiwala ng mga kaibigan ay isang inspirasyon para ipagpatuloy ang kanyang pangarap. Naging suki na si Jodi ng mga go-see o ang pag-o-audition sa mga commercials.


“Pumunta kami ng go-see for commercials. So, punta kami nang punta pero wala talaga kaming project na nakukuha. Kasi I think napaka-specific ng hinahanap nila for a commercial, hindi ba? And then I said, ‘Okay na ako, at least, na-try ko, baka hindi ako para d'yan,’” ani Jodi.


Bokya man sa in-apply-an na commercials, sinubukan pa rin niya ang kanyang suwerte sa pagiging artista nang mag-audition siya bilang bahagi ng Star Magic.


“And then tumawag na naman siya (talent scout), sabi niya na may pa-audition ang ABS-CBN looking for people to audition for the new batch of Star Circle 7. I’m like ‘Sige, try ko.’


Nagpunta kami doon, nag-bus kami. Pagdating doon, ‘Oh, my gosh, ito na ‘yung ABS-CBN!’ Ito pala hitsura niya.


“Pero noong time na ‘yun, kung hindi man ako matanggap, okay lang. Ang gusto ko lang, makakita man lang ako ng artista,” nakangiti niyang sabi.


Sa wakas, pinalad siyang mapabilang sa Star Circle. Sa umpisa, may project nga, pero 'smorgasboard' naman ang cast, at patibayan na lang kung sino ang mapapansin.


Hindi naman ito naging dahilan para siya'y sumuko.


Lahad pa ni Jodi, umaabot lamang ng P1,500 ang kanyang talent fee noong nagsisimula pa lamang siya bilang artista. Ito 'yung mga Tabing-Ilog days pa lang.


“Nagtiyaga, Karen. Kasi nu’ng time na ‘yun kasi, I remember ang pinakaunang talent fee ko is 1,500 pesos. Before, kapag pupunta ka ng shoot, bitbit mo lahat. Bibigyan ka nila ng requirements. So, kami ni Mama, kung ano lang ang mayroon dito, kasi wala naman kaming maraming clothes, eh.


“Kasi let’s say sumuweldo si Mama, ‘Oh, ito lang ang budget natin. Oh, ito lang ang bibilhin natin. Oh, hindi pa sira ang sapatos, so hindi kailangang bumili ng bago,’” alala ng aktres.


At ngayon, napakalayo na nga ng narating ng isang Jodi Santamaria sa larangan ng pag-arte.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 07, 2022





Pinagpipiyestahan ng ilang Marites ang 'di sinasadyang pag-upload ni Kyle Echarri ng kanyang topless photo kasama ang kalabtim ng co-Gold Squad member niyang si Seth Fedelin na si Andrea Brillantes.


Pero bago isipin ng madlang pipol na meron na ngang 'ganap' sa dalawa, makikita sa photo na hindi lang si Andrea ang kasama sa bonding dahil nandu'n din ang singer na si Darren Espanto.


Ayon sa Facebook page ng Tea Pa More, ang nasabing larawan ay aksidenteng nai-post ni Kyle sa kanyang Instagram Stories.


Sumagot naman ang isang netizen na si Jannette Leuer sa comment section ng Tea Pa More na wari'y may alam sa nangyaring pamamasyal ng tatlo.


Sabi nito, "Overnight 'yan with AC (Bonifacio), but umuwi si AC. Habol lang ni xxxdoubtxxx si Andrea 'coz nagka-issue ang pic ni Francine (Diaz) w/ Seth (Fedelin), remember? Then Blythe (real name ni Andrea Brillantes) posted on TikTok na sad siya, etc. HaHaHaHaHaHa!"


"STUPID PPL, 'wag n'yo na idamay si Darren sa issue, labas 'yan, mga Mare," ayon pa sa comment ni Jannette.


Ibig palabasin ng nasabing netizen na gumaganti lamang daw si Kyle kay Francine na naunang nagkaroon ng photo issue with Seth along with her family.


Samantala, naglabas ng official statement ang talent management ni Andrea, ang Becky Aguila Artist Management, kahapon (Linggo) kaugnay ng litrato ng aktres kasama sina Kyle at Darren.


Ang paliwanag ng Becky Aguila Artist Management…


“This is to clarify matters about a photo circulating online of our artist Andrea Brillantes with Kyle Echarri and Darren Espanto.


“First of all, the photo was taken after a vlog shoot where AC Bonifacio and Xyriel Manabat were also present.


“Second, they have been good friends for a long time thus, they are comfortable around each other.


“Third, the three are merely taking a selfie and only malicious minds would even think that there is more to that photo.


“We condemn those who are quick to judge and even went as far as creating rumors online, maligning our artist’s reputation.


“Rest assured that we are taking this matter with utmost vigilance and shall put an end to this unfortunate misunderstanding.”


Sabi pa ni Katrina Aguila na nag-post ng statement sa FB page ni Andrea, “We hope this puts an end to all speculations brought about by this supposedly harmless selfie among three good friends.


“P.S. Okay lang naman maging Marites, pero 'wag naman masobrahan at lumevel up pa sa pagiging echuserang palaka.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page