top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 16, 2022





Pagkatapos ianunsiyo ni Vice Ganda ang naganap na kasalan between him and Ion Perez last October, 2021 sa Las Vegas, USA nitong bisperas ng Valentine's Day (Sunday, February 13), overwhelming umano ang natanggap nilang love and support mula sa mga kaibigan at supporters.


Sa kanyang pinakabagong Instagram update, ipinaabot ni Vice ang kanyang sincerest gratitude sa mga bumati para sa milestone sa buhay nila ni Ion.


"Thank you very much for the overwhelming love that you have been sending us. Our hearts are full. Happy Valentine’s Day!!!" bungad ng It's Showtime host.


Ilan sa mga celebrities na nagpaabot ng pagbati sa pamamagitan ng comments section ay sina Angel Locsin, Marian Rivera, Bea Alonzo, Sarah Lahbati, Jolina Magdangal at Darren Espanto.


Noon pa nabanggit ni Vice na kinokonsidera na niyang magkaroon ng sariling pamilya matapos mag-iba ang kanyang pananaw sa kasal dahil kay Ion.


"Nagbabago rin pala talaga 'yung tao, ano? 'Di ba sabi ko, ['yung kasal], 'No, not for me.' If my friends, if some people in my community want to do it, I support them. Pero ako, not my thing. Hindi ko nakikita 'yung sarili ko.


"[But] Yeah. Kino-consider ko na talaga siya. Gusto ko nang maging parent. Kasi dati, sabi ko, 'No, not my thing.' Hindi ko kayang mag-alaga ng bata. Tapos, eventually, nag-grow sa akin 'yung pagkagusto ko sa bata dahil sa Showtime, dahil sa Star Cinema, sa mga ginagawa kong pelikula na lahat ang target ko, para ito sa mga bata.


"Feeling ko, I can be a great parent. Nararamdaman ko na sa sarili ko 'yun," ani Vice.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 15, 2022





Kasabay ng Valentine's Day kahapon, sinorpresa ni Maymay Entrata ang kanyang mga fans nu'ng i-post ng Kapamilya singer-actress ang larawan ng kanyang boyfriend sa social media.


Makikitang magkayakap si Maymay at ang kanyang BF na may view ng mountain bilang background.


Saad sa caption ni Maymay, "Happy birthday, my Valentino."


Dahil sa kanyang boyfriend reveal, napawi ang mga espekulasyong nakikipag-date umano siya sa bagong heartthrob na si Donny Pangilinan. Nauna pa rito ang sinasabing pagkakamabutihan nila ng dating kalabtim na si Edward Barber.


Pahayag ni Maymay, "Isa ito sa assumptions na sana ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship with Donny or kay Edward man."


Ipinaliwanag niya kung bakit na-link siya noon kay Donny.


"Siguro, nagsimula 'yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. Doon yata, may mga clips na parang nami-misunderstood nila 'yung mga galawan namin, na akala, nagtitinginan. Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala," mariing sabi ni Maymay.


Ibinahagi rin ni Maymay sa panayam na ngayon, hindi taga-showbiz ang nagpapaligaya sa kanya.


"Nabanggit ko naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo, hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz," aniya na ayaw pang banggitin ang pangalan ng kanyang foreigner BF.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 13, 2022





Bagama't umani ng maraming kakampi ang dating PBB 737 housemate na si Dawn Chang sa pamba-bash nito sa singer-actress at main PBB host na si Toni Gonzaga, na idinaan niya sa Instagram post noong Miyerkules, February 9, 2022, hindi rin naman ito pinalampas ng mga Toni supporters at kinastigo si Dawn.


Nag-umpisa ang pamba-bash ni Dawn nu'ng lantarang i-endorse ni Toni si Cong. Rodante Marcoleta na isa sa 70 congressmen na nagkait ng prangkisa sa ABS-CBN last May, 2020.


Bahagi ng post ni Dawn para kay Toni, “I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow Kapamilya actress, Ms. Toni Gonzaga.


“Paano n'yo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?”


Para kay Dawn, karapatan niyang magbigay ng pahayag bilang mamamayang Pilipino, lalo’t kinabukasan ng bansa ang nakasalalay dito.


“As far as national issues are concerned, especially when it has something to do with our future, it is our obligation to lend our voices, no matter how small or insignificant we may be.


“Hindi naman po porke't hindi ako sikat ay mananahimik na lamang ako. Injustice happens when we choose to keep silent.


“Lahat po tayo, responsibilidad nating magsalita kung kinakailangan. Kinabukasan natin ito.


Nation-building is everyone's concern,” pahayag ni Dawn.


Isa sa mga dismayado sa mga lumait kay Toni ay ang respetadong showbiz anchor na si Cristy Fermin na nagbigay ng kanyang komento sa kanilang programa ni Rommel Chika na Cristy Ferminute sa TV5.


Sa palagay ni 'Nay Cristy, dapat din daw ma-bash si Dawn dahil sa mga 'kalandiang' diumano'y ginawa nito sa Kapamilya Network sa kasagsagan ng kanyang career sa nasabing istasyon.


Sey ni 'Nay Cristy, "Naku, Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung bakit ka nagkakaroon ng trabaho? Eh, pa-bash-bash ka pa, ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung 'di ka nakikipaglandian sa mga boss."


Dahil dito, pumalag ang kampo ni Dawn at handang kasuhan ng kanyang abogado si 'Nay Cristy kapag hindi ito nag-public apology.


Knowing 'Nay Cristy na walang inuurungang laban, mukhang matutuloy ang demandahan.


Ayon pa rin sa kampo ni Dawn, "To put things in proper perspective, this quoted statement of Fermin was a malicious, hateful and malevolent response to our client's prior responsible exercise of free speech.


"Fermin's response was meant to downplay the effect of our client's comment on Ms. Toni Gonzaga's participation in the proclamation rally of a particular set of politicians," pahayag ng abogado ni Dawn na si Atty. Rafael Vicente Calinisan.


Patuloy pang sabi ni Atty. Calinisan, "If you want to destroy the reputation of our client, you will fail, because truth and principle is on our side. The truth is stronger than people like you. God will always triumph over evil.


"To repeat, our client was merely exercising her right to fairly comment on national issues.


But what you have done is to bring the showbiz industry, and the mindfulness of society to the gutter spreading lies about our client to silence her or damage her," paglilinaw pa ni Atty. Calinisan.


Hinamon din ng abogado na pangalanan ni Fermin ang sinasabing boss na umano'y nakikipaglandian sa kanyang client na si Dawn.


"Kung wala kang kredibilidad, 'wag ka nang mandamay. Let us be clear, no one has the right to objectify women and disparage their reputation. Ang mga babae ay inirerespeto at minamahal.


"Those who provide the news have a responsibility to bring out the news fairly and without color.


Journalism's obligation, first and foremost is to the truth. What you have done to our client is truly disrespectful and is plain and simple LIBELOUS. You should use your platform properly," pangaral pa ng kampo ni Dawn.


Idinagdag pa niya, "Isang malaking kabastusan po ang ginawa mo, Cristy Fermin, sa aming kliyente," na sinundan ng kanyang post tungkol sa 'statement on the libelous comment of Cristy Fermin against Dawn Chang'.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page