top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 10, 2022



Kung ang ilang Pinoy celebrities tulad ni Liza Soberano ay pangarap ma-penetrate ang Hollywood, not for singer Iñigo Pascual na sabi'y 'di niya sineseryoso ang pag-o-audition sa USA.


Nasa Amerika si Iñigo para lamang abutin ang tagumpay ng pagiging singer.


Sa isang virtual sit-down interview ng ABS-CBN News kay Iñigo Pascual, nasabi ng aktor-singer na he's not looking or pursuing an acting career in the US at the time.


Kaya nang sabihan siya ng kanyang agent sa US na may audition o casting call for Monarch, isang series sa US, he was hesitant to audition for the project.


At sabi pa ng younger Pascual, kuntento na siya sa kanyang career sa Manila, dahil isa siya sa pambatong singers ng ASAP Natin 'To. Marami ngang netizens ang nagsasabi na tume-trending ang ASAP Natin 'To 'pag inanunsiyong kakanta si Iñigo sa Sunday noontime show.


Pero ang kanyang manager at US agent ang nag-convince sa kanya to try out for the role, ito nga 'yung Monarch.


Sinabi pa ng kampo ni Iñigo na pang-apat na casting call na pala ang Monarch at dito siya nakumbinse ng kanyang agent na mag-try.


Ayon pa sa kanyang US team, three times nag-decline si Iñigo for other US projects dahil wala raw itong bilib sa sarili na matatanggap sa cast.


Ani Iñigo, "I was two weeks late for the submission, because I wasn't really considering doing it.


In my mind, marami namang young actors sa States, mas madali silang makukuha roon, may mas magagaling doon," pahayag ni Iñigo sa ABS-CBN News.


Dagdag pa ng singer-actor, "Sabi ko, okay na ako sa career ko rito sa Pilipinas. Hindi naman ako makukuha ru'n. Ano pa'ng point? Until kinausap ako ng mga managers ko (at) sabi nila sa akin, 'May career ka nga rito, pero paano 'pag nakuha mo 'yun? 'Pag hindi mo nakuha, there's no harm in trying. May career ka pa rin dito sa Philippines na puwede mong balikan,'" pag-alaala ni Iñigo sa pangungumbinse sa kanya ng kanyang manager.


Sa loob ng isang linggo lamang after he submitted his audition in July, 2021, Iñigo got a call na siya ang napili para sa role of Ace Grayson. By September, he was in the US to start filming Monarch kasama ang Oscar-winning actress na si Susan Sarandon, portraying Ace's adoptive grandmother.


Ani Iñigo, "From the day that I decided to do it, never kong in-expect na makukuha ko siya (role).


Siguro, iyon 'yung isa sa mga naging keys kung bakit kalmado ako noong audition, noong callback, kasi hindi ko iniisip na, 'Kailangan ko na makuha 'to.' Ginawa ko siya na, 'Okay, gagawin ko.' Ayun, bigla kong nakuha 'yung role. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na tapos na 'yung season one.


Ang Monarch is a family drama series. As Ace, Iñigo is a third generation Roman, an adopted son of Anna Friel's Nicky, who aspires to become a successful singer like his grandparents and mother.


Relate raw si Iñigo sa role na Ace.


"In the Philippines, it's such a small country where if you make a mistake, if you do something wrong, it can be magnified. It's the same thing with Ace, we're always in the public eye. Ako, people think I'm over-privileged because my dad is Piolo. It's very parallel to my life.


"Pinaka-naka-relate ako kay Ace kasi iniisip ng tao, dahil anak ako ni Piolo, ito ako, 'yung meron ako. I experienced a very, very normal childhood where I was raised normally and not differently just because of my name," sabi ng batang Pascual.


Sa higit isang dekada ng pamamalagi sa showbiz, aniya'y 'di rin siya exempted sa mga kontrobersiya na naglalayong saktan siya.

"Nakasanayan ko na rin, eh. 'Pag naging artista ka sa Philippines, you're going to develop this natural immunity sa mga Marites, mga negative news about you. You're going to have to start to have thicker skin and it will take a lot to hurt you, to really get to you.


"Para sa akin, parte 'yun ng trabaho, parte 'yun ng pagiging public person, being an artist. People are watching every move that you make, watching every word that you say. We live in this generation where everything that you say can be used against you," sey pa ni Iñigo.


Ang pagkakasama raw niya sa Monarch ang nagbukas sa kanyang mga mata sa oportunidad na minsan niyang inisnab.


"Nandu'n 'yung kaba, nandu'n 'yung takot, halu-halo, excitement. Siyempre, first ko 'to na project sa States at sana, magtuluy-tuloy na after this project.


"Sana, marami pang opportunities na dumating. Sana, marami akong young aspiring artists na ma-inspire na mangarap at huwag mag-give up sa pangarap nila. I'm also claiming that this project will open more doors for other Filipino artists to be able to cross over and to be able to create a movement, a Filipino wave in the States," dalangin pa ni Iñigo.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 9, 2022



Ang pelikulang Labyu With An Accent ay unang pagsasanib-puwersa ng dalawang premyadong Kapamilya stars na sina Coco Martin at Jodi Santamaria at siya ring magiging entry ng ABS-CBN Films sa Metro Manila Film Festival 2022 ngayong darating na Kapaskuhan.


Sa naganap na story conference, masayang ibinahagi ni Jodi ang kanilang pananabik sa kanilang unang movie project together lalo na't si Coco ang magdidirek ng film.


“Ako naman, sobrang thankful ko na mapabilang sa proyekto na ito and siyempre, makatrabaho ko si Mr. Coco Martin, ‘di ba? Hindi ko lang siya leading man dito and first time na makakatrabaho ko siya bilang director and sobra akong excited na maidirek ng isang Coco Martin na alam naman natin na napakataba ng utak at napakagaling na aktor at direktor,” ani Jodi.


Ayon din kay Jodi, isa itong masayang regalo na handog nila matapos ang successful Kapamilya series na ginawa niya mula sa Ang Iyo Ay Akin at The Broken Marriage Vow na minahal ng maraming manonood.


“I am just so grateful to be part of this whole project and to be given the opportunity and to give back doon sa lahat ng mga tao na patuloy na sumuporta sa mga proyekto namin and also to really, alam mo, ‘yung magpasalamat sa kanila in our own little way by doing this project na we know na ang Christmas season ay maging masaya, exciting para sa ating mga kababayan.” sey ng aktres.


Aminado naman ang aktres na kinakabahan siya sa first time nilang pagsasama ni Coco, not only as co-actor, but her director as well sa film.


"Kinakabahan...since magkatrabaho kami hindi lang bilang artista, magiging director ko siya. I had to ask questions talaga, (kung) ano 'yung working style niya. Siyempre, kailangan kong mag-adjust du'n. (Like) Ano'ng oras ba siya nagigising, para alam ko kung ano'ng oras ba tayo dapat nasa set para ma-adjust ko 'yung tulog ko," paliwanag ng aktres.


Ayon naman kay Coco, “Ako honestly, sobrang excited. Kasi, sabi ko nga, napakapalad ko nga na makakatrabaho ko si Jodi kasi isa siyang napaka-professional at napakahusay na artista at aktres."


Ayon pa kay Coco, ganting-pasasalamat ito sa mga sumuporta sa kanilang mga ginawang proyekto sa telebisyon tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano na pitong taon na sinamahan ng mga Pilipino.


“Siguro, ito na rin ang way ng pasasalamat namin sa mga taong tumangkilik at sumama sa amin sa aming mga teleserye. Kaya ngayong Pasko, ito ang ihahandog at ireregalo namin sa kanila.”


Ayon pa kay Coco na bumuo ng konsepto ng proyekto, personal choice niya si Jodi na maging bahagi ng kuwento na kanilang handog ngayong Kapaskuhan.


“Sobrang gusto ko talaga na makasama si Jodi sa isang teleserye, kasi noong naiisip ko kasi ang concept noong binubuo namin ang kuwento, nakita ko kasi na bagay na bagay kay Jodi ‘yung character. Sabi ko nga, tulad ng kuwento naming dalawa na hindi nalalayo sa amin kasi na-experience na namin na nagtrabaho abroad, kung ano ang pinagdaraanan ng mga Pilipino doon, kaya kaya naming ikuwento at kaya naming gampanan kung ano ang character na gagawin namin dito. And at the same time, ano ‘yung mga bago naming maibibigay sa mga manonood. Kasi ito na sana ang pagbabalik ng ating mga pelikula ngayong darating na Kapaskuhan,” lahad pa ni Coco.


Bilang direktor ng film, ikinuwento ni Coco na hindi sila nahirapang mapa-'oo' si Jodi para maging leading lady o maging bahagi ng proyekto.


“Hindi naman (mahirap mapa-oo) kasi si Jodi naman, I’m sure na kapag alam niya na maayos at maganda ‘yung pelikula na gagawin niya, siyempre, iko-consult ko muna. Kasi kilala ko si Jodi na matalino siyang artista, eh, kaya sinigurado ko na ‘yung character niya and ‘yung buong kuwento nu'ng pelikula na gagawin namin ay maganda and maayos. Kasi ayokong mapahiya talaga sa kanya, kaya hindi naman ako nahirapan,” ani Coco.


Sinabi pa ni Coco sa storycon na nape-pressure siya bilang katrabaho ni Jodi.


"As a co-actor, ninenerbiyos ako. Isa siya sa pinakamagaling na aktres sa buong Pilipinas.


Bilang direktor, du'n ako natsa-challenge kasi alam kong magaling siya. Sa umpisa, medyo mahirap, pero ako kasi, nagtitiwala ako sa actor ko," ani Coco.


Dagdag pa ni Coco, "Sobra naman ang tiwala ko kay Jodi, kaya hindi ako kinakabahan bilang artista, pero as a director, maning-mani sa kanya 'to."


Sa pagbabalik ng MMFF, aminado rin si Coco na may pressure pa rin siyang nararamdaman sa taunang film festival.


“Oo naman, pero excited ako more than anything kasi sabi ko nga, pakiramdam ko kasi, regalo ‘to na naggi-give back. Kaya sabi ko, dapat maganda ang pelikula mo, eh, 'yung alam mong mahirap mag-ipon. Alam naman natin na importante ang pera na ilalabas. Tapos ang mga Pilipino talaga, pinaghahandaan talaga nila 'yan every Christmas. ‘Yun kasi ang bonding nila and reunion ng pamilya nila. Kaya kailangan, ‘yung ibabayad nila sa sine, sulit. Kaya sobra kaming excited at sisiguraduhin namin na matino at maganda ang pelikulang ilalabas namin."

Para naman kay Jodi, “Worth it ang ilalabas nilang money.”


Sa unang linggo ng Oktubre, nakatakdang lumipad ang cast sa US para kunan ang ibang eksena ng pelikula kung saan gagampanan ni Coco ang karakter ng hardworking na si Gabo, habang isang successful Overseas Filipino Worker (OFW) sa America naman si Jodi bilang si Trisha.



 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 7, 2022



Kahit gulung-gulo pa ang isip dahil sa kasong kinakaharap sa Court of Appeals dahil sa apelang rape case ng model na si Deniece Cornejo, naglaan pa rin ng oras ang It's Showtime host na si Vhong Navarro para magbigay ng kanyang mensahe sa asawang si Tanya Bautista sa kanilang 14th wedding anniversary.


Hindi rin kinalimutan ng TV host-comedian na pasalamatan ang asawa for standing by him despite the challenges na kanilang kinakaharap sa ngayon.


Bukod sa kanyang Instagram greeting, kalakip nito ang isang video kung saa'y makikita sina Tanya at Vhong habang naglalakad side by side.


Ani sa caption, "Maraming salamat, Lord, dahil ibinigay Mo siya sa akin. Pinag-isa Mo kami para manatiling matatag sa isa't isa at mag-alalayan habambuhay.


"Maraming salamat, Mahal, dahil lagi kang nasa tabi sa hirap at ginhawa. Happy 14th anniversary and happy 3rd Wedding Anniversary! I love you so much."


Nagiging sentro ng public attention ang relasyon ng dalawa dahil sa panibagong legal battle sa isinampang rape case ni Deniece noong 2014 against Vhong sa Taguig Prosecutor's Office. The filing of the case came after the Court of Appeals granted Deniece's petition challenging the dismissal of the rape charge before the Department of Justice.


Sa panayam ng ABS-CBN News kay Vhong, pinangatawanan nito na pawang katotohanan ang sinumpaan niyang salaysay at aniya, "Ever since na nagsimula 'to, nagsasabi ako ng katotohanan.


Hindi ako nagsinungaling. Consistent ako ru'n sa mga affidavit namin. Kumbaga, lahat ikinuwento ko ru'n. 'Di ba, paulit-ulit kong sinasabi ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko rito ay 'yung niloko ko 'yung girlfriend ko noon at ito na 'yung wife ko ngayon."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page