top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | October 22, 2023


Sa kabila ng usap-usapang tatanggalin na umano ang actor na si Baron Geisler sa seryeng Senior High dahil natatakot daw ang kanyang mga co-stars sa kanyang behavior lalo’t balik-bisyo na naman diumano ang actor sa pag-inom, naglabas naman ng official statement ang kanyang manedyer na si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit.


Ayon kay Arnold, walang katotohanan ang isyu na pagbabakasyunin o tuluyan nang ‘di isasama si Baron sa #1 trending na Kapamilya series na Senior High. May iba lang daw projects na pinagkakaabalahan si Baron kaya't pansamantala itong mawawala sa serye.


"Contrary to the misleading reports of some showbiz reporters, my talent Baron Geisler has not been terminated from his ABS-CBN teleserye project Senior High because of his delinquent behavior.

"Baron has been given clearance by the show’s producer to take a temporary break for him to focus on two movie projects (one local, one international), after which he will resume his taping for Senior High.


"I had the privilege of having a heart-to-heart talk with Baron recently and saw for myself how much he has reformed since his ‘bad boy’ days some years back," pahayag ni Arnold.


Kung anuman daw 'yung lumalabas na isyu, sinabi pa nito na Baron deserves a second chance.


"He remains the same talented, world-class and award-winning actor that we all know, and because of his inspiring story of redemption, I believe that he deserves a second chance – that’s why I didn’t hesitate to take him back under my management.


"I just hope that we can put an end to all these baseless allegations and refrain from making any unfair judgment until we validate the truth," paglilinaw pa ng manager.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | October 20, 2023


Nu'ng Miyerkules (Oct. 18) ang first day showing ng pelikulang Five Breakups and A Romance na ipinalabas sa 231 cinemas nationwide.


Ayon sa isang reliable source, mahigit P3 M ang gross income sa first day of showing ng first movie na pinagtatambalan nina Alden Richards at Julia Montes.


Kaya naman, may mga KathNiel fans ang 'di mapigilang ikumpara ang kanilang idolong si Kathryn Bernardo kay Julia Montes dahil kumita ng P10 M ang pelikulang A Very Good Girl when the movie was shown in cinemas last September 27 at showing pa rin hanggang ngayon.


Nagte-trending naman daw ang Julia-Alden movie as of yesterday kaya't inasahan daw nilang tataas pa ang box office sales nito sa mga darating pang araw.


Isa pa raw dahilan kung bakit mahigit P3 M lang ang kita sa first day ay 'di pa raw araw ng payday ang playdate ng movie. Maaaring wala pang budget ang maraming manonood.


Pero inaasahang pi-pick-up pa ito sa weekend o maaaring aabot pa ito sa araw ng suweldo. Isa pang dahilan ay tipong pang-crowd daw ang Alden-Julia movie.


Ganunpaman, naging abala sina Alden at Julia sa pag-iikot sa block screenings ng pelikula nila at suportado ng Sparkle GMA Artist Center ang isang block screening na dinaluhan nina Barbie Forteza, Royce Cabrera, Althea Ablan, Gil Cuerva, Lexi Gonzales, at Bryce Eusebio at pati ng mga fans ng tandem.


Siyempre pa, 'di matitiis ni Coco Martin ang rumored partner na si Julia at ito rin ay nag-sponsor ng isang block screening.


Sa kanyang speech sa naganap na block screening courtesy of Coco, tila kinilig pa si Julia nang magpasalamat at banggitin ng host ang pangalan ni Tanggol (Coco) ng FPJ’s Batang Quiapo na siyang nag-sponsor ng block screening na 'yun.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | October 17, 2023


Totoo kaya na plano raw tanggalin ang actor na si Baron Geisler sa hit Kapamilya series na Senior High, ayon sa source ni Ogie Diaz?


Sa Showbiz Update Vlog ay napag-usapan ni Ogie at mga co-hosts ang tungkol sa sinabi ng kanyang source hinggil sa issue ni Baron sa set ng Senior High.


"Gaano naman katotoo ito, Loi? Na merong isang artista na wala talagang choice kundi tanggalin sa seryeng Senior High?" tanong ni Ogie.


Ayon sa source, ito'y dahil sa bad behavior daw ng naturang artista.


"Mukhang magdedesisyon na ang management na tanggalin itong aktor na ito, eh, kasi raw, ito na nga 'yung sinasabi ko, talagang 'yung alak, wala talagang gagawing mabuti sa katawan mo at sa pakikipagrelasyon mo sa mga kapwa artista," sey ni Ogie.


Dito na nagbahagi ng reaksiyon si Ogie at tinanong si Baron kung gaano katotoo ang isyung ito.


"Ito'y nakarating sa 'min, sabi ko, 'Uy, serious?' 'Opo, baka tanggalin na siya kasi natatakot na 'yung ibang artista, lalo na 'yung mga bata kapag siya'y nakakainom.' Gaano katotoo, Baron Geisler, na ikaw 'yung aalisin sa Senior High? Eh, napaka-vital ng kanyang role," tanong pa ni Ogie Diaz.


Bago ito, may blind item nang kumakalat tungkol sa actor na sobrang demanding sa kanyang production team. Ayon sa source, nag-demand daw ang actor na kung 'di siya iimbitahin sa ABS-CBN Ball 2023, lilisanin niya ang programang Senior High.


Pumasok daw sa ulo ng pinaghihinalaang aktor ang muling kasikatang naibalik sa kanya kaya't nakakaramdam na naman ng paglaki ng ulo.


Sabi ng source, idinaan ng aktor sa kanilang group chat (GC) ang paghamon sa Senior High team at dito niya pinagmumura ang production team na kapag 'di siya in-invite sa ABS-CBN Ball, mas mabuting mag-resign na lang siya sa serye.


Sa nakaraang ABS-CBN Ball, nandu'n nga si Baron after 14 years na hindi imbitado sa annual Kapamilya event.


Ayon sa aming source, "Dumalo siya sa red carpet pero nangangamoy-alak pa rin. 'Di na nagbago!"


Tungkol naman sa paghahamon nito na tanggalin na siya sa ongoing serye na Senior High, naging malaking problema ito sa prod team.


Sabi pa ng source, "Sa una raw, naging malaking problema ito sa production team dahil namomroblema sila kung sino ang ipapalit sa actor na kasinggaling niyang umarte?"


Dahil dito, nagkaroon ng pagmimiting ang staff at napagdesisyunan nilang patayin na lang ang character ng aktor dahil sa inuugali nito.


Si Baron nga ba ito? O nagkataon lamang na siya ang paksa ng kumakalat na blind item?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page