top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | January 20, 2024



Tila 'di nagustuhan ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang laman ng content ngayon sa TikTok na ipinapakitang nagli-lip read sa mga hosts ng noontime show habang hindi nakatutok sa kanila ang camera at hindi naka-on ang kanilang mga mic.


Kung tatanungin si Vice, hindi raw ito maganda dahil lilikha lang umano ito ng mga rumors na baka kung anu-ano na lang ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanila. 


Ayon sa host, “May mga madlang people na nagbi-video, tapos inili-lip read tayo sa TikTok. That’s so bad." 


Bukod sa pagiging delikado umanong content nito, inihayag din ni Vice na deserve rin ng mga hosts na magkaroon ng privacy dahil personal na discussion nila 'yun at hindi dapat isapubliko.


Aniya pa, nakakatakot daw na baka mali ang 'ilagay sa bibig' nila at ikalat. 


“Ang nakakatakot kapag mali 'yung sinasabi, tapos kakalat," ani Vice. 


Agree sa comment si Dani kay @ladyvicey sa X (dating Twitter) na nagsabing, “Siyempre, nakaka-offend sa part namin kasi siyempre, deserve rin naman namin ng privacy at mag-usap-usap bilang magkakaibigan.


"Boundaries, guys. Hindi lahat, kailangang alam at malaman natin," 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | December 30, 2023



Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng kanyang karelasyong beauty queen-actress na si Bianca Manalo, hindi nagpapatinag si Sen. Sherwin Gatchalian sa mga bashers na pumupuna sa kanilang samahan.


Kahapon, Biyernes (December 29), nag-post ang senador sa Instagram na magkasama sila ni Bianca sa picture. Kasalukuyang nasa bakasyon sa Vancouver, Canada ang dalawa spending the Holiday Season.


Ang kanyang caption: "Reunited and it feels so good."


Maraming friends from showbiz ng dalawa ang nag-comment at isa na nga rito si Ruffa Gutierrez na isa sa mga artistang close kay Bianca. 


Aniya, "Naks! Kasalan na!@stgatchalian74@biancamanalo".


Matatandaang nasangkot sa isyung 'pangangaliwa' si Bianca dahil kay Rob Gomez, ang co-star ng beauty queen-actress sa dating GMA afternoon series na Magandang Dilag.


Starring role sa seryeng nagtapos na si Herlene Budol na sangkot din sa kontrobersiya dahil sa pagkakalantad ng maseselang convo o pag-uusap nila ni Rob.


Sa mga panayam kay Senador Win, tila 'di ito apektado sa isyu ng kasintahan kay Rob at sabi'y mga fake news lamang daw ang mga naglalabasang ulat.


Sa limang taon nilang pagsasama ni Bianca, ngayon lang nadamay sa isyung tulad nito ang beauty queen-actress.

 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | November 30, 2023



Kaugnay ng tumitinding isyu sa KathNiel, seryoso na ang dalawa na wala nang puwede pang mamagitan sa kanila kung ang pag-uusapa'y pagkakasundong muli o pagkakapatawaran.


Pagkatapos ng hiwalayan, may pasabog umano ang kampo ni Kathryn. Tila kakalas na ito sa pangangalaga ng Star Magic, ang talent arm na nagbigay sa kanya ng malaking pangalan sa showbiz.


Hindi pa man kumpirmado ang paglayas ng Asia's Superstar sa Star Magic, kalat na at usap-usapan ngayon sa social media ang rebelasyon ni Cristy Fermin sa kanyang YouTube show na Showbiz Now Na tungkol sa tambalang KathNiel.


May nakarating umano kasing info kay Fermin na hindi na ire-renew ng Star Magic ang kontrata ng dalaga ngunit aminado naman daw siya na wala pa siyang resibo o patotoo sa tsismis na ito.


"Ang kuwento, hindi na sila ire-renew ng Star Magic. Ang balita, ang kampo ni Kathryn, nakikipag-usap na raw kay Rambo Nuñez, kina Maja (Salvador)," kuwento ni Cristy.


Sina Maja at Rambo ang nasa likod ng Crown Artist Management na nangangalaga rin sa career ni John Lloyd Cruz.


"At ang kay Daniel naman daw ay ibang management," ayon pa sa tsika ng Showbiz Now Na! host.


Well, kung matutuloy ito, tuluyan na ngang mabubuwag ang tambalang KathNiel.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page