top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 24, 2024




Ano na nga ba ang latest sa hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo? Pagkatapos nilang magbigay ng mensahe sa kani-kanilang social media account, napagtanto ba ng isa't isa na sila pa rin sa bandang huli?


Maging ang vlogger na si Ogie Diaz ay naniniwalang nagkapatawaran na ang dalawa.


Ini-reveal ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog ang tungkol sa sinabi ng kanyang source na umano'y laging nakaabang si Dominic sa tapat ng bahay ng ex niyang si Bea.


Feeling daw ni Ogie, baka magkabalikan ang dalawa.


"Feeling ko talaga, magkakasundo, magkakaayos... Baka, magkabalikan itong si Bea at si Dominic.


"Dahil alam mo ba, ilang gabi na raw na nandu’n sa harap ng bahay ni Bea si Dominic. 'Andu'n lang ito sa kotse, hinihintay ang pagdating ni Bea. Nakasindi nga 'yung kanyang makina. O, 'andu'n lang siya, waiting," ayon kay Ogie. 


Ikinuwento pa ni Ogie ang umano’y ginawa noon ni Dominic, ang parehong strategy ng actor nu'ng nanliligaw pa ito kay Michelle Vito. Kung ganu'n daw ang style ni Dom sa panliligaw, hindi na kataka-taka na magagawa rin niya ito kay Bea — ang paghihintay sa labas ng bahay ng nililigawan.


"Ay, alas-singko ng umaga, bago mag-alas-sais, 'andu'n sa La Salle, sa tapat ng La Salle naka-park lang si Dominic Roque, hinihintay ang pagdating ni Michelle Vito," sabi pa ni Ogie. 


Paniniguro pa niya, "'Yun ay ayon sa source ko. Puwera na lang kung i-deny ni Dominic."


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 21, 2024



Pagkatapos ng ilang buwang pananahimik, inanunsiyo na rin sa wakas ng magkasintahang Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang engagement sa kanilang social media account.  


Kahapon, February 20, ipinost nina Zanjoe at Ria sa kanilang social media account na sila’y magpapakasal na.


Ibinahagi rin nila ang kanilang sweet na larawan at ipinakita ang kanilang engagement ring. 


"Forever sounds good," nakasaad sa caption ni Ria. 


Nag-comment naman ang kanyang soon-to-be husband, “And tastes even better.”


Sa Instagram Stories naman ni Zanjoe, kanyang ibinahagi ang isang larawan kung saa'y bagong gising pa ang dalawa sa picture na sobrang sweet sa isa’t isa na may pa-kiss sa cheeks habang ibinibida ni Ria ang kanyang engagement ring.


Marami naman ang nag-congratulate at nagpahatid na masaya sila para sa dalawa. 


Ilan sa mga ito’y sina Maine Mendoza, Janine Gutierrez, Gary Valenciano, Arjo Atayde, Angelica Panganiban, Lovi Poe, Joshua Garcia at marami pang iba. 


Samantala, sina Ria at Zanjoe ay naging magkatrabaho sa ABS-CBN drama series na My Dear Heart nu’ng 2017 at naging magkaibigan hanggang sa kinumpirma ni Zanjoe nu'ng January 2023 na magkarelasyon na sila ni Ria. 

 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 17, 2024



Nitong nakaraang Valentine's Day, nagulat ang It's Showtime host na si Kim Chiu dahil nakatanggap siya ng bouquet of pink roses mula sa isang mysterious guy. 


Dahil aminado ang actress na siya'y loveless sa ngayon after her breakup with Xian Lim, kaagad na nag-viral sa social media ang post ni Kim kung saan ibinida nito ang bulaklak na kanyang natanggap.


Sa kanyang post sa Instagram Stories last February 14, Araw ng mga Puso, masayang ibinahagi ni Kim ang kanyang natanggap na bouquet of pink roses.


"Okay lang walang boyfriend, may flowers ka naman," ang mababasang message sa card na kalakip ng bouquet. 


Kapansin-pansin sa naturang card na may letter "P" ito, kaya kung sinu-sinong actor or non-showbiz guy ang pinaghinalaang nagbigay sa kanya ng bulaklak. 


At dahil si Paulo Avelino ang leading man ngayon ni Kim sa bagong seryeng ginagawa niya titled What's Wrong With Secretary Kim, ang espekulasyon ng mga netizens ay galing sa aktor ang naturang bouquet of pink roses.


Pero kung may mga kinilig sa gesture na ito ni Paulo, sabi naman ng ilang netizens, hindi na bago ang ganitong pautot o promo para sa isang project. Obyus naman daw na pinaiingay ang tambalang Paulo at Kim para mapag-usapan ang upcoming series nila.


'Di nga ba't balitang nagkabalikan sina Paulo at Janine Gutierrez kaya paano bibigyan ng malisya ang pagbibigay ng flowers ni Paulo kay Kim?


Sana lang, 'wag maging marupok si Kim at ma-fall in love kay Paulo habang ginagawa nila ang kanilang second series together after Linlang sa Prime Video.

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page