top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 28, 2024




Sa isang panayam sa rapper at songwriter na si Gloc-9 ni MJ Felipe ng ABS-CBN News na umere sa TV Patrol last Tuesday (Feb. 27), matapang niyang inamin na ang hit song niyang Sirena ay regalo niya sa kanyang anak na isang "gay" o kasapi ng LGBTQIA+ community.


Bata pa raw ang anak ay nararamdaman na niyang kakaiba ang kilos nito.


“My son is gay. Nu’ng isinulat ko ‘yung Sirena, hindi niya pa sinasabi sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko na, kung gaano ko siya kamahal.


"Hindi naman ako ma-showbiz and I think para sabihin ko ito now, ako ay proud na proud sa anak ko. Ako ay excited sa kung anuman ang kaya niyang ma-achieve sa buhay niya," say ni Gloc 9.


Para sa singer-rapper, suportado niya ang anak at masaya siya sa anumang marating nito sa kanyang paglaki.


Diin pa ng rapper, "Minsan, iniisip ko how life gives you hints of magic here and there. Nu’ng natapos ko ‘yung Sirena, hindi ko naman alam. And I don’t mind. Anak ko ‘yun.”


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 27, 2024




Sa isang episode ng It's Showtime segment na EXpecially For You, pinayuhan ni Vhong Navarro ang isang contestant na nag-share na tutol daw ang kanyang ama na may karelasyon siya at a young age.


Sabi ni Vhong, “Mas maa-appreciate mo ‘yung mga magulang mo kapag magulang ka na rin. Kasi nu’ng time na ‘yung anak ko ay teen-ager na, talagang sinasabi ko na, ‘Naku, mag-aaral muna!’ Kasi nu’ng time ko, maaga rin akong nagkaanak. Sinasabi ko sa sarili ko na kung hindi ako nagkaanak kaagad, baka nakapagtapos ako kaagad ng pag-aaral, mas nae-enjoy ko pa ‘yung pagiging binata.” 


Para kay Vhong, hindi naman daw niya pinagsisisihan na siya'y naging ama nang mas maaga.


“Pero hindi ako nagsisisi na naging tatay ako nang maaga kasi minahal ko sila, hindi ko sila pinabayaan. Ang akin lang, sana, mag-aral din muna. Darating at darating din ‘yang mamahalin mo. Huwag kang magmadali,” payo pa ni Vhong. 


Marami naman ang humanga kay Vhong sa kanyang sinabi.


Sa ngayon ay proud si Vhong na ang isa niyang anak na si Yce ay bahagi na ng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.


Si Yce ay anak ni Vhong sa unang karelasyong si Bianca Lapus, dating aktres na ngayon ay negosyante na.

 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 26, 2024




Sa kanyang YouTube vlog, nagbigay ng showbiz update ang vlogger na si Ogie Diaz sa kung ano na nga ang estado ng relasyon ng actor na si Sam Milby at ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.                                                                               


Ani Ogie, "Ano ba talaga ang real score, Sam Milby at Catriona Gray? Sa akin kasi, may nagsabi na wala na sila.”


Ayon pa sa source ni Ogie, magkaibigan na lang daw sina Catriona at Sam.


"Magkaibigan na [lang] sila… nu'ng birthday ni Catriona Gray, wala na sila… Nandu’n naman si Sam [sa birthday] pero sila’y magkaibigan na lamang."


Nabanggit din ni Ogie and tungkol sa singsing ni Catriona na hindi isinuot sa isang dinaluhang event. 


"One time sa isang event, nakita natin si Catriona, hindi ipinapakita ‘yung daliri niya, parang walang singsing. Sabi pa sa akin [ng source ko], parang ang rason daw ay na-realize ni Sam na ‘di pa siya pala handa magpakasal.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page