top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 7, 2024



Sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Kim Chiu, ibinahagi ng aktres ang mga huling sandali nila ng ex-boyfriend na si Xian Lim o ang kanilang magagandang sandali bago sila naghiwalay. 


Sa latest episode ng Ogie Diaz Showbiz Update Vlog, kuwento ni Ogie, ayon sa kanyang source, tinawagan umano ni Xian si Kim para magpaluto ng steak noong araw ng kanilang hiwalayan.


“Hindi naman nila sinasabi ang dahilan ng split, pero nakarating sa akin kung paano sila nag-split. Puwede naman ‘tong i-deny ni Kim Chiu o ni Xian Lim,” sabi ni Ogie. 


“Isang araw daw, itong si Xian Lim ay nag-request kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paborito niyang steak. So, ito namang si Kim Chiu, excited na nagluto ng steak. Siyempre, um-appear si Xian Lim, ganyan-ganyan,” pagpapatuloy pang kuwento ni Ogie.                   


Hindi na nabanggit pa kung ano ang kasunod na eksena after ng kainan, kung nagselos ba si Xian o may hinihiling ang lalaki na 'di nito naibigay at humantong sa hindi pagkakaintindihan.


Sa pagpapatuloy pa ng kuwento ni Ogie, habang kumakain daw ang dalawa ay sinabihan ni Xian si Kim na tapusin na ang kanilang relasyon. 


Sey ni Ogie, “Dumayalog si Xian Lim. Ang sabi, ‘Tapusin na natin ang ating relasyon. Parang wala namang patutunguhan. Ayaw din naman sa akin ng family mo at ng iba mong friends." 


Ngunit paglilinaw ni Ogie, “Something to that effect, ha? Pero siyempre, puwedeng exaggerated, puwedeng kulang ‘yung kuwento ko. Pero more or less, nag-start ‘yan sa steak.” 


Luh! 'Di kaya nagustuhan ni Xian ang pagkakaluto ni Kim ng steak? Char!

 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 6, 2024



Sa kuwento ng It's Showtime host na si Kim Chiu sa kanyang post sa X (dating Twitter), ikinaloka niya ang naranasan nu’ng isang araw na may nag-PDA (public display of affection) sa kanyang harapan habang siya'y umoorder ng tubig. 


Hindi binanggit ni Kim kung saang tindahan ito o fast food subalit kanyang ikinaloka nang makita nang harap-harapan na may naghahalikang couple in front of her eyes habang nakapila siya at hinihintay ang order na mineral water.


Marahil ay ‘di nakilala si Kim habang nakapila dahil maaaring naka-shades ang actress na bida sa seryeng What's Wrong with Secretary Kim?


Or baka naman sinadya ng couple ang eksena para kumalat sa social media dahil alam nila na nasa likod nila ang It’s Showtime host at tiyak na mababanggit nito sa kanilang programa ang nasaksihan?


Post ng aktres-host, "That feeling na may naghahalikan sa harap mo habang nakapila ka ng halos 1 hour na."


Ayon pa kay Kim, gusto lang naman daw sana niyang bumili ng tubig.


"Gusto ko lang naman umorder ng tubig! Ba't ganu'n!" 


Napaisip naman ang ilang netizens kung wala bang alalay na mauutusan si Kim at bakit siya ang kailangang pumila nang halos isang oras para lang bumili ng tubig?


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 29, 2024




Samantala, nag-post naman ng isa pang video si Kathryn Bernardo nito lamang February 27, kung saa'y ibinida niya ang kanyang ginawa noong nakaraang araw.


Nag-viral ngayon ang naging reaksiyon ni Jericho Rosales sa post ng actress. 


Uwian na," sabi ni Jericho sa kanyang comment. 


Matatandaan na naging usap-usapan kamakailan sa social media ang palagiang pagpaparamdam ni Jericho kay Kath.


Nagbigay naman ng kanyang opinyon ang vlogger na si Ogie Diaz at ayon sa kanyang vlog ay baka raw may gagawing movie ang dalawa kaya't lagi silang laman ng social media. 


“Parang may nabasa ako, kung totoo man. Gagawa sila ng movie? Totoo ba? Kasi kung gagawa sila ng movie, magandang basehan ito. Kung malakas ba sila sa tao? Kung may clamor ang partnership ng dalawa sa isang pelikula… Eh, mukhang naba-viral sila madalas. So malay naman natin, ‘di ba?” sabi ni Ogie.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page