top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 15, 2024



                                                                     

Sa mediacon ng What's Wrong With Secretary Kim, tinanong sina Kim Chiu at Paulo Avelino kung na-develop ba sila sa isa’t isa while shooting some intimate scenes ng nasabing adaptation ng Korean series? Unfortunately, pareho nilang idinenay na mayroon silang intimate relationship.


Sa mga naging pahayag ni Paulo, aniya'y close na umano sila ng actress bago paman sila nagsama sa kanilang series na Linlang.


Sa isang panayam ng showbiz insider na si DJ Jhai Ho kay Paulo, sey ng una, “Bago naman ‘yung pagsasama nila sa Linlang ata, parang nagiging close silang dalawa sa ASAP pa lang... ASAP Milan. Tapos parang nagsama sila sa Linlang, nakita natin na may chemistry din talaga, ‘di ba, si Victor at si Juliana.


“So, parang feeling ko naman, isa ‘yun sa mga naging dahilan kung bakit itong si Kim Chiu, eh, talagang napareha ulit para sa What’s Wrong With Secretary Kim? kay Paulo Avelino.”


Dagdag pa niya, “Kasi baka mamaya, ‘yung nasa getting to know pa sila nang mas malalim talaga, eh, dahil sa dami na ng mga taong nagsasabi sa paligid, baka mamaya, nagkakaroon na ng super closeness, tapos ang ending, dahil ang daming nasasabi ng mga tao... baka masira ‘yung binubuo nilang foundation para sa mas deeper na relationship na puwedeng pasukin.”


Gayunpaman, may ilang nagpapayo kay Kim na maghinay-hinay lang sa nararamdaman kay Paulo kung meron man dahil may record daw ang aktor na “pa-fall” pero ‘di naman sineseryoso.


Luh, may ganern!


 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 13, 2024



                                                                          

Bagama't naihatid na sa huling hantungan ang abo ng veteran actress na si Jaclyn Jose, may ilang netizens pa rin pala ang naninisi kay Andi Eigenmann at sa kapatid nitong si Gwen sa pagkamatay ng kanilang inang aktres.


Hirit ng ilang netizens, kung sana raw ay may ginawa para 'di agad ito namatay. 


Pinalagan naman ito ng actress na si Rita Avila at masama ang loob sa mga taong nambabatikos sa mga anak ng yumaong si Jaclyn Jose na sina Andi at Gwen.


Sa post nito sa Instagram, ibinahagi ni Rita ang photo collage ng mga larawan nina Jaclyn, Andi at Gwen.


Kasabay nito ang caption upang ipagtanggol ang mga anak ng aktres.


Ani Rita, "Tulad ngayon, ang daming kuro-kuro. Sana kasi, ganito ang ginawa! Dapat kasi, ganyan ang ginawa. Bakit naman kasi ginanu'n?


"Kasama ka ba nila sa bahay mula ng isinilang ang mga anak ni Jaclyn Jose? Naranasan mo bang pumasok sa isip at katawan nila kaya alam mo ang tinahak ng bawat isa sa kanila?


Nasa lugar ka ba para kuwestyonin at ipa-guilty pa ang mga naiwan?


"I-REST IN PEACE NA MUNA PO ANG ISIP AT BIBIG kung walang buti ang idudulot n'yo sa mga naiwan.


"MASAKIT NA PO MASYADO ANG NANGYARI SA KANILA. Hinay-hinay po.


"Hindi lahat ng nababasa o nakikita n'yo ay totoo. Marami ang nasisilaw. Marami ang makakapal. Parang totoo pero hindi.


"Ipagdasal na lang natin si Jaclyn at ang kanyang pamilya.


"Sa isang post ko na ang wishful thinking ko ay sana may “KATE” din si Jaclyn, mabuting wish ‘yun para sa isang naging kaibigan dahil malungkot nga raw siya sa pagiging mag-isa at dahil alam ko ang advantage ng may kasamang nagmamahal, nag-aasikaso at nagpapasaya sa akin. PERO HINDI KO KINUWESTIYON ANG SITWASYON NIYA. WALANG KINALAMAN ‘YUN SA MGA ANAK NIYA. I TRUST HER AND HER CHILDREN FOR ALL THEIR DECISIONS." 


Mananahimik na nga kaya ang mga bashers?


 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | March 12, 2024



Inihataid na nitong Linggo nang hapon, Marso 10, ang cremated remains ng namayapang actress na si Jaclyn Jose sa The Garden of the Divine Word Columbary sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City.


Sa ginanap na inurnment, dumating ang bunsong anak na si Gwen Guck na nag-aaral sa Amerika at hindi na niya inabutan ang mga madamdaming eulogy para sa ina.


Ang nasabing eulogy ay dinaluhan ng maraming sikat na celebrities tulad nina Alden Richards, Gladys Reyes, Vice Ganda at iba pa.


Sariwa pa sa alaala ng ilang nandu'n ang eulogy dahil ipinakita ang magagandang alaala nu'ng makasama nila sa ilang projects ang actress.


Gaya ni Vice Ganda, tumatak ang pagiging magkaibigan nila ni Jaclyn nu’ng magkasama sila sa isang pelikula. 


Dahil dito, napag-uusapan na raw nina Vice at Anne Curtis na parang type magpa-eulogy ng una habang buhay pa sila, para naririnig nila ang mga sasabihin sa kanila ng kanilang mga kaibigan habang buhay pa sila.


Sa segment nilang EXpecially For You ng It’s Showtime nitong Biyernes, March 8, sabi ni Vice, “Sinasabi ko nga kay Anne, eh. Parang gusto kong magpa-eulogy. Sabi niya, ‘Bakit ang morbid mo?'” 


Sagot ni Vice, “Hindi, kasi 'pag eulogy, 'yung namamatay, 'yung malalapit sa iyo na tao, pamilya mo, best friend mo, ang dami nilang sinasabing magaganda tungkol sa iyo."


'Pag namatay na nga raw naman, kahit ano pang sabihing maganda tungkol sa 'yo ng ibang tao, hindi mo na maririnig.


Dagdag  ni Vice, “Mag-inuman tayo, tapos saka natin sabihin 'yung mga gusto nating sabihin sa isa’t isa, 'yung masasarap sa pakiramdam.


“Bakit mag-aantay tayo ng eulogy? Kasi 'pag ginagawa natin 'yun, there are so much love left unspoken, 'di ba? Ang daming pagmamahal na hindi nasasabi. Tapos, sasabihin na lang 'pag kailan patay na?


“Bakit hindi natin sabihin 'pag birthday, 'di ba? Pangkaraniwang okasyon. Kasi nga hindi natin hawak ang bukas.


“So, dahil hindi natin alam kung masasabi pa natin ito bukas, sabihin na natin ngayon,” saad ni Vice na inaayunan naman ng mga co-hosts niya.


“Ako kasi, parang… gusto (ko), hangga’t buhay ako, ma-enjoy ko 'yung puwede kong ma-enjoy. Kasi 'pag wala na tayo, hindi na natin mae-enjoy 'yan,” pag-amin ni Vice.


Maging ang taga-media, pinasaringan ng Unkabogable Star, “Ang dami nating sinasabing hindi magaganda sa isa’t isa. Bakit hindi natin i-try na magsalita ng magaganda, 'di ba?


“Diyos ko! 'Yung parang sa mga news, 'yung mga reporters, 'pag buhay ka, kung anu-anong sinasabi sa iyo, 'di ba, ng mga reporter?


“Pero 'pag namatay ka, ano 'yan, the legend in Philippine showbiz, an icon, one of the best.


Sus! Pero nu'ng nabubuhay, kung anu-anong tsismis ang isinulat mo, 'di ba?


“Let’s talk about love, speak about love, speak of love, speak for love, speak with love, speak to love, at kung anumang preposition 'yan, basta may love, 'di ba?” katwiran ni Vice.

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page