top of page
Search

ni Madel Moratillo | May 23, 2023



ree

Pinagbawalan na ang lahat ng abogado ng Public Attorney's Office na umasiste sa pagbibigay ng extra-judicial confession ng Persons Deprived of Liberty o iba pang suspek sa panahon ng custodial investigation o iba pang pagkakataon kaugnay ng isang criminal investigation.


Sa isang memorandum na pirmado ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, nakasaad na ang hakbang ay kasunod ng mga insidente ng pagbawi ng nasabing indibidwal sa nauna nitong extra-judicial confession.


Layon umano nitong maiwasan na magkaroon ng conflict of interest sa kaso sakaling mai-assign ang parehong kaso sa PAO.


Layon din umano nitong maiwasan na magamit o maabuso ang PAO ng “evil-minded persons”na ang nais lang ay lituhin ang mga imbestigador o makaiwas sa parusa.


Sa halip, lahat ng requests para sa legal assistance ay ieendorso umano sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang law enforcement agency.

Kung wala naman itong kakayahang kumuha ng abogado, papayuhan ito na puwede naman siyang bigyan ng competent at independent counsel ng investigating officer.


Sa isang bukod na post sa kanyang social media page sinabi ni Acosta na nakasaad sa Section 5 ng Republic Act No. 9406 na ang awtoridad at responsibilidad para magpatupad ng mandato o kapangyarihan nito ay nakabatay sa hepe Public Attorney.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 23, 2023


Dear Chief Acosta,


Tunay ba na hindi maaaring magnotaryo ang isang notaryo publiko kapag kamag-anak niya ang isa o ang mga partido sa nonotaryohang dokumento? – Anthony


Dear Anthony,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa mga probisyon ng 2004 Rules on Notarial Practice. Kaugnay ng nabanggit, nakasaad sa Rule IV, Section 3 ng nasabing alituntunin ang mga sumusunod na diskuwalipikasyon:


“SEC. 3. Disqualifications. - A notary public is disqualified from performing a notarial act if he:

a. is a party to the instrument or document that is to be notarized;

b. will receive, as a direct or indirect result, any commission, fee, advantage, right title, interest, cash, property, or other consideration, except as provided by these Rules and by law; or

c. is a spouse, common-law partner, ancestor, descendant, or relative by affinity or consanguinity of the principal within the fourth civil degree.”


Gamit ang nabanggit, malinaw na hindi maaaring magnotaryo ang isang notaryo publiko, sapagkat siya ay diskuwalipikado kapag: asawa, ninuno, desendyente, o kamag-anak (affinity or consanguinity) hanggang sa ikaapat na antas ng sibil siya ng pangunahing partido sa dokumentong nonotaryohan.


Samakatuwid, kung ang mga kamag-anak sa iyong katanungan ay isa sa mga nabanggit, tama ang iyong nasabi na hindi maaaring manotaryohan ng notaryo publiko ang dokumento, sapagkat siya ay diskuwalipikado ayon sa nabanggit na alituntunin, at hindi dahil ayaw lamang niya.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 22, 2023


Dear Chief Acosta,


Ano ba ang ibig sabihin ng “proximate cause” na diumano ay isa sa mga rekisito kapag magkakaso ng danyos perhuwisyo? Upang maituring na “proximate cause”, nararapat ba na ang dahilan ng naturang injury o pinsala ay ang pinakamalapit sa pamantayan ng oras at panahon? – Jal


Dear Jal,


Ang sagot sa iyong mga katanungan ay matatagpuan sa isa sa mga naging desisyon ng Korte Suprema. Kaugnay nito, ayon sa kasong Abrogar v. Cosmos Bottling Company (G.R. No. 164749, 15 March 2017) na sinulat ni Ret. Hon. Chief Justice Lucas Bersamin, ang doktrina o rekisito na proximate cause ay ipinaliwanag, viz.:

“Proximate cause is "that which, in natural and continuous sequence, unbroken by any new cause, produces an event, and without which the event would not have occurred."


The question of proximate cause is said to be determined, not by the existence or non-existence of intervening events, but by their character and the natural connection between the original act or omission and the injurious consequences. When the intervening cause is set in operation by the original negligence, such negligence is still the proximate cause.”


Kaugnay sa iyong ikalawang katanungan, nilinaw ng Kataas-taasang Hukuman sa nasabing kaso na ang pagiging proximate cause ay hindi nakabatay sa pagkakasunod-sunod sa oras o panahon. Bagkus, ito ay naaayon sa katangian at likas na koneksyon nito sa naging pinsala:


“To be considered the proximate cause of the injury, the negligence need not be the event closest in time to the injury; a cause is still proximate, although farther in time in relation to the injury, if the happening of it set other foreseeable events into motion resulting ultimately in the damage.”


Alinsunod sa nabanggit, ang proximate cause ay ang dahilan na – sa likas at tuluy-tuloy na pagkakasunud-sunod na hindi naputol ng anumang bagong dahilan –ay nagbubunga ng isang pangyayari, at kung wala ang kaganapan, hindi mangyayari ang naging pinsala.


Ang pagiging proximate cause ay hindi nakadepende lamang sa pagkakasunod-sunod ng panahon o oras ng mga pangyayari. Sa halip, ito ay naaayon sa katangian at likas na koneksyon ng isang pangyayari sa naging pinsala. Kaya naman, maaari pa ring maging proximate cause ang isang pangyayari kahit na hindi ito ang pinakamalapit sa oras na natamo ang pinsala, kung ito pa rin ang siyang naging pinakadahilan kung bakit gumulong ang mga susunod na pangyayari na siyang nagdulot ng pinsala.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page