top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 07, 2023




Dear Chief Acosta,

Nagsimula akong maglingkod bilang waiter sa isang hotel sa aming bayan. Matapos ang ilang taon na pagtatrabaho, ako ay nalipat sa kusina bilang isang cook na naghahanda ng mga pastries. Ako ay may iskedyul na anim na araw sa isang linggo. Makalipas ang humigit-kumulang siyam na taon ng aking paglilingkod, nagulat na lamang ako nang binawasan na ang aking iskedyul. Mula anim na araw, naging dalawang araw na lamang kada linggo. Kahit sa haba ng aking paglilingkod sa hotel, hindi ako kinokonsiderang isang regular employee at paulit-ulit lamang na nire-renew ang aking kontrata taun-taon. Ako ay agarang nagtungo sa National Labor Relations Commission (NLRC) upang magreklamo ng Constructive Dismissal. Ito ay itinatanggi ng pamunuan ng hotel at sinasabi nilang ako ay isa lamang fixed-term employee na maaaring tanggalin matapos ang aming kontrata. Tama po ba ito? -- Ramon


Dear Ramon,

Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Allan Regala v. Manila Hotel Corporation, G.R. No. 204684, October 5, 2020, Ponente: Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, kung saan sinabi ang mga pamantayan upang makonsidera ang isang empleyado bilang isang regular employee. Ayon sa Korte Suprema:


“The employment status of a person is defined and prescribed by law and not by what the parties say it should be. In this regard, Article 295 of the Labor Code "provides for two types of regular employees, namely: (a) those who are engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer (first category); and (b) those who have rendered at least one year of service, whether continuous or broken, with respect to the activity in which they are employed (second category).” While MHC insists that Regala was engaged under a fixed-term employment agreement, the circumstances and evidence on record, and provision of law, however, dictate that Regala is its regular employee.

First, Regala is performing activities which are usually necessary or desirable in the business or trade of MHC. This connection can be determined by considering the nature of the work performed by Regala and its relation to the nature of the particular business or trade of MHC in its entirety. Being part of the hotel and food industry, MHC, as a service-oriented business enterprise, depends largely on its manpower complement to carry out or perform services relating to food and beverage operations, event planning and hospitality. As such, it is essential, if at all necessary, that it retains in its employ waiting staff, such as Regala, specifically tasked to attend to its guests at its various dining establishments.


Second, the fact alone that Regala was allowed to work for MHC on several occasions for several years under various Service Agreements is indicative of the regularity and necessity of his functions to its business. Moreover, it bears to emphasize that MHC has admitted, albeit implicitly, that it renewed Regala’s Service Agreements on various occasions, i.e., during temporary spikes in the volume of its business since February 2000. Thus, the continuing need for his services for the past several years is also sufficient evidence of the indispensability of his duties as waiter to MHC’s business.”


Gaya sa iyong kaso, ang iyong ginagawa para sa kumpanya ay maaaring ikonsiderang usually necessary o indispensable sa negosyo ng nasabing hotel. Ang paulit-ulit na pagkuha sa iyo at pagre-renew ng iyong mga kontrata ay nagpapatunay din na ang iyong ginagawa ay kinakailangan ng nasabing hotel. Hinggil naman sa pagbabawas ng iyong iskedyul, ito ay maaaring ituring na Constructive Dismissal ayon sa Korte Suprema sa parehas na kaso:


“Patently, the reduction of Regala’s regular work days from five (5) days to two (2) days resulted to a diminution in pay. Regala’s change in his work schedule resulting to the diminution of his take home salary is, therefore, tantamount to constructive dismissal.


The fact that Regala may have continued reporting for work does not rule out constructive dismissal, nor does it operate as a waiver. Thus, in The Orchard Golf and Country Club v. Francisco, this Court held that:


Constructive dismissal occurs not when the employee ceases to report for work, but when the unwarranted acts of the employer are committed to the end that the employee’s continued employment shall become so intolerable. In these difficult times, an employee may be left with no choice but to continue with his employment despite abuses committed against him by the employer, and even during the pendency of a labor dispute between them.”


Sang-ayon sa nasabing desisyon, kahit na magpatuloy ang isang empleyado sa pagpasok, hindi nito pinapawalang-bisa o pinabubulaanan ang nangyaring constructive dismissal sapagkat ang constructive dismissal ay hindi lamang nangyayari kapag huminto na ang isang empleyado na magtrabaho. Bagkus, ito ay nangyayari magsimula nang gumawa ng mga hakbang ang isang employer upang gawing ‘intolerable’ ang kalagayan ng paglilingkod ng apektadong empleyado.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 5, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang mababang opisyal sa isang maliit na kumpanya. Noong nakaraang linggo ay pumirma ako sa isang promissory note upang bayaran ang pananagutan ng aming kumpanya sa isa sa aming mga suppliers. Kung sakaling hindi ito mabayaran ng aming kumpanya, magkakaroon ba ako ng personal na pananagutan upang bayaran ito? – Jennie

Dear Jennie,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Republic Planters Bank v. Court of Appeals and Canlas (G.R. No. 93073, December 21, 1992, Ponente: Honorable Associate Justice Jose C. Campos, Jr.), kung saan ipinaliwanag na:

“The promissory notes are negotiable instruments and must be governed by the Negotiable Instruments Law.

Under the Negotiable lnstruments Law, persons who write their names on the face of promissory notes are makers and are liable as such. By signing the notes, the maker promises to pay to the order of the payee or any holder according to the tenor thereof.

Where an instrument containing the words "I promise to pay" is signed by two or more persons, they are deemed to be jointly and severally liable thereon. An instrument which begins with "I", "We", or "Either of us" promise to pay, when signed by two or more persons, makes them solidarily liable. The fact that the singular pronoun is used indicates that the promise is individual as to each other; meaning that each of the co-signers is deemed to have made an independent singular promise to pay the notes in full”.

Sang-ayon sa nabanggit, ang sinumang tao na ilalagay o isusulat ang kanyang pangalan at pipirma sa isang promissory note ay kinukonsiderang maker nito at magkakaroon ng personal na pananagutan para sa nasabing promissory note. Samakatuwid, kahit na ikaw ay isang maliit na opisyal lamang ng kumpanya, magkakaroon ka pa rin ng personal na pananagutan bilang isang co-maker kung ikaw ay nakapirma bilang maker sa promissory note. Maaari kang mapanagot sa kabuuang halaga ng utang o kaya ay parte lamang nito depende sa mga salitang ginamit sa kontrata upang ilarawan ang iyong pananagutan.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Daing mula sa hukay | June 3, 2023


Sa usaping may kinalaman sa “puso” wala nang mas higit na apektado sa isang mapagmahal na ina, lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kanyang anak. Katulad ni Gng. Maricel C. Fernandez ng Bulacan sa kanyang anak na si Jc Albert F. Legaspi, na nagkaroon ng malubhang karamdaman at pumanaw.


Ani Gng. Maricel sa kanyang salaysay: “Maayos ang kalagayan ni Jc, ngunit noong mga sumunod na araw ay kitang-kita ang pagtibok ng kanyang puso. Buwan-buwan ay dinadala namin siya sa isang ospital sa Quezon City. Na-discharge siya noong Mayo, dahil sa kakapusan ng aming pera, hindi na namin siya madala pang muli sa ospital para sa kanyang check-up.”


ree

Si Jc, 15, ay namatay noong Nobyembre 25, 2020. Siya ang ika-159 sa mga naturukan ng Dengvaxia na under Clinical Trial Phase 3 (WHO, Peter Smith) at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki, at pagdurugo ng lamang-loob), neurotropism (pamamaga, at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015}. Siya ay sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, matapos na hilingin ito ng kanyang mga magulang.


Siya ay tatlong beses na naturukan ng Dengvaxia sa kanilang paaralan. Una, noong Hunyo 21, 2016; pangalawa ay noong Pebrero 1, 2017, at huli, noong Setyembre 25, 2017.


Ayon kay Gng. Maricel, si Jc ay “Masayahin, aktibo, masigla at malusog na bata. Mahilig siya maglaro ng volleyball. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng mabigat na karamdaman, maliban na lamang noong nagkaroon siya ng Dengue noong siya ay nasa Grade 1.”

Pagdating ng 2019, patuloy pa rin na lumubha ang kanyang kalagayan. Narito ang ilan sa mga detalye:

Enero 2019 - Tuluy-tuloy ang kanyang pag-ubo. Dinala siya sa isang ospital sa Bulacan. Base sa resulta ng x-ray, lumaki umano ang puso niya. Binigyan siya ng gamot para sa ubo at ni-refer sa ibang ospital upang masuri ang paglaki ng kanyang puso. Agad siyang dinala ro’n dahil hirap na ito sa paghinga. Nangitim ang kanyang mga kuko sa kamay at paa. Isinailalim din siya sa iba’t ibang uri ng eksaminasyon. At nakumpirma ro’n na mayroon siyang “enlargement of the heart.”

Marso at Abril 22 - Muling inubo si JC noong Abril 22, 2019, dinala siya sa isang ospital sa Quezon City, dahil sa patuloy na pag-ubo na nagsimula ng huling linggo ng Marso 2019. Nawalan na siya ng malay at nang i-akyat sa Intensive Care Unit (ICU) ay nagkamalay ito subalit nagwawala siya dahil sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman, kaya napagdesisyunan na siya ay iginapos. Nagkaroon siya ng hallucinations, at na-comatose rin si Jc ng dalawang linggo.

Setyembre 2019 - Naging maayos ang naging kalagayan ni Jc sa mga sumunod na araw, maliban sa malakas na pagtibok ng kanyang puso.

Noong taong 2020, lumala ang kondisyon ni Jc. Hanggang sa humantong ito sa kanyang pagpanaw. Narito ang mga kaugnay na detalye:

Setyembre 2020 - Muling bumalik ang kanyang pag-ubo. Dinala siya sa isang medical center at niresetahan ng gamot sa ubo at para sa puso niya.

Nobyembre 12 at 18 - Namamanas na ang mga paa ni Jc, palala nang palala ang kanyang manas. Noong Nobyembre 18 ay dinala siyang muli sa ospital.

Nobyembre 19 at 22 - Isinailalim si Jc sa swab test at negatibo ang naging resulta. noong Nobyembre 19 ay ipinasok siya sa emergency room.

Nobyembre 25 - Nais niya nang lumabas sa ospital, pinayagan itong lumabas subalit ang discharge ni Jc ay against medical advice. Tumuloy muna sila sa kapatid ni Gng. Maricel dahil siya ang sumundo sa kanila sa Bulacan. Subalit bandang alas-9:00 ng gabi, habang kinakausap ni Gng. Maricel si Jc ay bigla na lamang siyang sumubsob. Itinakbo siya sa pinakamalapit na ospital sa Quezon City, subalit dead on arrival na si Jc.

Ayon kay Gng. Maricel, “Napakasakit para sa akin ang biglang pagpanaw ng aking anak na si Jc. Palaisipan pa rin sa akin ang pagkakaroon ng sakit ni Jc dahil isang itong masigla, aktibo at malusog na bata. Wala siyang history ng pagkaka-ospital mula sa kanyang pagkabata. Kaya nakapagtataka na matapos niyang maturukan ng Dengvaxia vaccine ay bigla na lamang nagbago ang kanyang kalusugan.”

Sa tinaguriang Dengvaxia cases na hinahawakan ng aming tanggapan, kung saan ay kabilang ang kaso ni Jc, na may support system na masasandalan ng magulang o kaanak ng mga biktima. Kabilang dito si Gng. Sumachen Dominguez, Presidente ng Samahan ng mga Magulang, Anak ay Biktima ng Dengvaxia (SMABD). Nabuo ang samahan na ito upang madamayan ang kanilang kalungkutan sa biglaang pagkakasakit o pagkamatay ng kanilang mga anak. Sila ay lumaban upang makamit ang hustisya para sa kanilang mga anak. Si Gng. Dominguez ang tumatayong tagabuklod. Siya ring ay ina ng survivor vaccine ngunit patuloy na umaabot sa kamay ng mga kapwa niya pamilyang biktima. Sa dulo nito, katarungan ang masasabing indikasyon ng tagumpay ngunit ang pagtutulungan ng mga miyembro ng SMABD ay tagumpay ring maituturing.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page