top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 12, 2023



Dear Chief Acosta,

Ngayong buwan lang namin nalaman ng aking asawa na nakalimutan pala naming bayaran ang premium para sa fire insurance ng aming bahay. Dapat ay binayaran na namin ito noon pang buwan ng Enero. Dahil dito, maaari bang kanselahin ng aming insurance company ang aming fire insurance policy kahit na walang notice of cancellation sa amin? -- Suzie

Dear Suzie,

Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 64 ng Republic Act No. 10607 kung saan nakasaad na:


“Section 64. No policy of insurance other than life shall be cancelled by the insurer except upon prior notice thereof to the insured, and no notice of cancellation shall be effective unless it is based on the occurrence, after the effective date of the policy, of one or more of the following:


(a) Nonpayment of premium;

(b) Conviction of a crime arising out of acts increasing the hazard insured against;

(c) Discovery of fraud or material misrepresentation;

(d) Discovery of willful or reckless acts or omissions increasing the hazard insured against;

(e) Physical changes in the property insured which result in the property becoming uninsurable;

(f) Discovery of other insurance coverage that makes the total insurance in excess of the value of the property insured; or

(g) A determination by the Commissioner that the continuation of the policy would violate or would place the insurer in violation of this Code.”

Sang-ayon sa batas, hindi maaaring kanselahin ng isang insurance company ang isang insurance nang walang prior notice of cancellation. Kabilang dito ang fire insurance. Ibig sabihin, kahit na hindi kayo nakapagbayad ng premium sa tamang panahon, hindi maaaring kanselahin ng inyong insurer ang fire insurance ng inyong bahay nang basta-basta lamang. Kailangan nilang magbigay muna ng notice of cancellation sa inyo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 11, 2023



1. Ayon sa DOLE Department Order No. 118-12, Series of 2012 (Rules and Regulations Governing the Employment and Working Conditions of Drivers and Conductors in the Public Utility Bus Transport Industry), ang mga drayber at konduktor ng bus ay may karapatan para sa mga sumusunod na benepisyo:


a. Suweldo para sa normal na oras ng trabaho na hindi bababa sa angkop na minimum wage, at babayaran ito ng isang beses kada dalawang linggo o dalawang beses kada buwan na hindi hihigit sa 16 na araw ang pagitan;


b. Labindalawang regular holidays ayon sa R.A. No. 9849. Ang drayber at konduktor ay babayaran ng holiday pay na katumbas ng 100% ng minimum wage kahit na hindi siya pumasok sa trabaho. Kinakailangan lamang na siya ay pumasok o kaya ay naka-leave of absence with pay sa huling araw ng trabaho bago ang holiday. Kapag pinagtrabaho ang drayber/konduktor sa nasabing holiday, siya ay mababayaran ng 200% ng minimum wage;

  1. Rest day na 24 na oras sa kada anim na sunud-sunod na araw ng pagtatrabaho. Kapag siya ay nagtrabaho sa araw ng kanyang pahinga o kaya ay special holiday, siya ay mababayaran ng karagdagang 30% ng kanyang sahod o 50% nito kapag nagtrabaho siya sa special holiday na nagkataon namang araw rin ng kanyang pahinga;

  2. Overtime pay na katumbas ng 25% ng kanyang suweldo para sa mga ordinaryong araw at 30% naman sa mga regular holidays, special days at rest days para sa trabahong lampas sa walong oras kada araw;

  3. Karagdagang bayad para sa night shift na katumbas ng 10% ng halaga ng sahod para sa trabaho sa pagitan ng 10:00 o’clock ng gabi hanggang 6:00 o’clock ng umaga ng susunod na araw;

  4. Service incentive leave na limang araw para sa bawat taon ng serbisyo;

  5. 13th month pay ayon sa P.D. No. 851 (as amended), kung saan ang isang empleyado ay makatatanggap ng halaga na katumbas ng 1/12 ng kanyang sahod sa kada buwan ng trabaho sa isang taon (calendar year). Dapat itong maibigay bago ang Disyembre 24 ng taon;

h. Maternity leave benefits;

  1. Paternity leave na pitong araw, ayon sa R.A. No. 8187;

  2. Solo parent leave na pitong araw para sa mga solo parents, ayon sa R.A. No. 8972, as amended;

  3. Sampung araw na may bayad na leave para sa biktima ng VAWC (R.A. No. 9262);

l. Special leave para sa mga babaeng naoperahan dahil sa “gynecological disorder” alinsunod sa R.A. No. 9710 (Magna Carta for Women); at


1. Retirement pay sa edad na 60, ayon sa R.A. No. 7641.


2. Ang normal na pagtatrabaho ng drayber at konduktor ay hindi hihigit sa walong oras. Kung ang drayber o konduktor ay kinakailangang magtrabaho nang higit sa walong oras, hindi dapat ito lumampas sa 12 oras sa loob ng 24 oras na operasyon ng bus. Ang mga drayber at konduktor ay dapat bigyan ng 1 oras para kumain sa loob ng 12 oras na pagtatrabaho.

3. Katulad ng ibang manggagawa, ang drayber at konduktor ng bus ay mayroong kasiguruhan sa pagtatrabaho. Ang kanilang pagtatrabaho ay maaari lamang tapusin kapag mayroong makatarungang dahilan. Sasailalim din sa tamang proseso ang pagdinig ng mga dahilan ng kanilang pagkakatanggal sa serbisyo sa kumpanya.

4. Ang mga drayber at konduktor ng mga pampasaherong bus ay mayroong karapatang mabigyan ng coverage sa Pag-Ibig Fund, Philhealth, SSS at Employees’ Compensation Law.


 
 

BAGO NAMATAY SA DENGVAXIA.


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | June 10, 2023



ree

Sa tinaguriang Dengvaxia cases na hawak ng aming tanggapan, maraming mga bata ang pinaniniwalaang biktima ng nasabing bakuna ang nagkaroon ng pagbabago sa ugali at may pagkakataon na sila ay tila ibang tao na. Isa sa mga ito si Crisa Mae Porcia, anak nina G. Bartolome at Gng. Annabelle Porcia ng Antipolo City.

Si Crisa Mae, 15, ay namatay noong Disyembre 8, 2020. Siya ang ika-160 sa mga naturukan ng Dengvaxia na under Clinical Trial Phase 3 (WHO, Peter Smith) at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki, at pagdurugo ng lamang-loob), neurotropism (pamamaga, at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015}. Siya ay sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, matapos na hilingin ito ng kanyang mga magulang. Ayon sa Death Certificate ni Crisa Mae, siya ay namatay dahil sa Acute Respiratory Distress Syndrome (Immediate Cause); Pediatric Community Acquired Pneumonia O (Antecedent Cause); Pulmonary Tuberculosis (Underlying Cause).

Ayon sa mga kaklase ni Crisa Mae na sina Tiffany Joy at Jone Roej, tatlong beses umano itong naturukan ng Dengvaxia sa kanilang paaralan.


Dagdag pa nito, kasabay umano nila si Crisa Mae na naturukan ng nasabing bakuna sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon noong taong 2016 at 2017 sa kanilang nasabing paaralan.

Si Crisa Mae ay isang masayahin, aktibo at malusog na bata. Mahilig siyang sumayaw at aktibo sa mga activities sa kanilang paaralan. Siya ay student council president at consistent honor student magmula noong elementarya hanggang high school.

Noong Pebrero 2018, napansin ng kanyang magulang na siya ay walang gana kumain na nagresulta ng kanyang pangangayayat. Nangalay din ang kanyang parehong binti hanggang sa mababang parte ng kanyang likod. Siya ay dinala ng kanyang mga magulang sa manghihilot at albularyo pero hindi pa rin bumuti ang kanyang kalagayan. Nagpatuloy ito hanggang matapos ang taong 2018.

Pagdating ng taong 2019, narito ang ilan sa mga nangyari kay Crisa Mae:

· Unang bahagi ng taong 2019 – Wala pa rin siyang gana kumain hanggang sa nangayayat at nangalay na rin ang kanyang binti at likod.

· Mayo 2019 - Nagkaroon siya ng lagnat na tumagal ng tatlong araw. Naninikip na rin ang kanyang dibdib, pagkahilo, pagsusuka ng puting likido at pananakit ng kanyang ulo. Siya ay pinainom ng neozep at bahagyang bumuti ang kanyang kalagayan, ngunit hindi nagtagal ay bumalik din ito.

· Agosto 21 – Hindi pa rin bumubuti ang kanyang kalagayan, dinala siya sa isang clinic sa Antipolo, Rizal. Isinailalim siya sa urinalysis at hematology. Doon ay nalaman na may urinary tract infection (UTI). Niresetahan siya ng mga gamot gaya ng Co-amoxiclav at iba pa.

· Agosto 28 - Muli siyang dinala sa nabanggit na clinic para sa kanyang follow-up check-up. Hirap siyang maglakad, pabalik-balik na nilagnat, pananakit ng ulo, pagsusuka, at hirap sa paghinga. Muli siyang dinala sa albularyo subalit hindi pa rin ito bumuti. Sa mga sumunod na linggo ay lalo itong nanghina hanggang sa bumagsak na ang kanyang katawan.

· Oktubre at Nobyembre - Hirap nang maglakad si Crisa Mae. Pagdating ng Nobyembre, nagkaroon ng mga pantal na parang kagat ng lamok ang kanyang mga kamay at paa. Nawala rin naman ito matapos ang dalawang araw, at muling bumalik noong buwan ng Marso 2020.

· Enero, Pebrero, Marso 2020 - Noong Pebrero ay tuluyan na itong‘di makapaglakad. Pabalik-balik rin ang mga sintomas na kanyang nararamdaman, at bagsak na noon ang kanyang katawan.

· Disyembre 5 - Sa tulong ng barangay officials, nadala siya sa isang ospital sa Quezon City, at doon nalaman na may hangin ang kanyang baga.

· Disyembre 8 - Nagreklamo siya ng matinding paninikip ng dibdib. Agad na tumakbo si Gng. Annabelle sa nurse station ngunit pagbalik niya ay nangingitim na ang labi at mga daliri ni Crisa Mae. Kinuhanan siya ng dugo ngunit sa sobrang kalikutan ay halos bumaon at bumaluktot na ang karayom ng kanyang dextrose. Naging kritikal ang kanyang kalagayan, at bandang alas-4:00 ng hapon ay tumirik na ang kanyang mga mata.

Narito ang kaugnay na detalye, hango sa salaysay ng kanyang mga magulang:

“Sinabihan niya kami na alisin ang mga sakit sa kanyang katawan. Pagkatapos no’n ay sinabi niya na ‘Nay, maliwanag, patay na ako!’ Sinabihan ko siya na huwag niyang sabihin 'yun at mahal ko siya. Subalit pagsapit ng bandang alas-5:00 ng hapon, ay tuluyan nang pumanaw ang aming anak.


Palaisipan sa amin ang pagkakaroon niya ng sakit dahil wala naman siyang history ng pagkaka-ospital mula noong siya'y bata pa. Kaya nakapagtataka na nagbago ang kanyang kalusugan. Nangyari ito matapos siyang maturukan ng Dengvaxia.


Naging pabaya ang mga taong gumawa ng pagbabakuna ng Dengvaxia. Binakunahan nila ang aming anak ng wala kaming pahintulot at presensya. Nalaman na lang naming siya ay nabakunahan noong nakaburol na ang aming anak.”


Ang mga ganitong karanasan ang nagtutulak sa mga naiwang mga mahal sa buhay ng mga biktimang katulad ni Crisa Mae na maghanap ng katarungan.


Hindi nila matatanggap na ang karanasang itinuturing nilang panlilinlang ay magtatapos sa pagkawala ng buhay ng kanilang minamahal na anak. Kaya patuloy nating ipinaglalaban ang kamatayan ng mga bata sa ating hukuman. Ang prinsipyo, katatagan ng kalooban, at pagmamahal na nasa likod ng desisyon nilang lumaban sa hukuman ay nagbibigay inspirasyon sa amin bilang kanilang tagapagtanggol na patuloy na magpunyagi sa kanilang mga kaso sa legal na paraan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page