top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Karapatan | July 23, 2023


Sa ating bansa, gaano man ito naging maunlad sa larangan ng teknolohiya, hindi maikakaila na marami pa rin sa ating mga kababayan na pagsasaka ang pangunahing pinagkakakitaan.


Ito ay bunsod na rin sa mayaman ang angking kalupaan ng ating bansa. Subalit hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang pag-aaring lupain at sila ay nakikisaka lamang sa mga kababayan nating mas naging maswerte sa buhay at nakapagpundar ng kanilang sariling kalupaan.


Kaya naman, may mga batas tayo na naglalayong magbigay ng proteksyon sa mga kababayan nating nagsasaka sa lupain ng iba. Ito ay upang bigyang halaga ang kasabihan na ang mga taong salat sa kayamanan ay dapat na mabigyan nang mas higit na konsiderasyon ng ating batas.


Kapag ang magsasaka at ang may-ari ng lupa ay may kasunduan na hati sila sa binhi na itatanim, ganundin sa abono na ilalagay bilang pataba sa mga pananim, ang relasyon nila ay hindi bilang landlord at tenant. Bagkus, isang partnership ang nabuo sa pagitan nila.


​Nakasaad sa Articles 1767 at 1771 ng New Civil Code of the Philippines ang mga sumusunod:


“Article 1767: By the contract of partnership two or more persons bind themselves to contribute money, property, or industry to a common fund, with the intention of dividing the profits among themselves.


“Article 1771: A partnership may be constituted in any form, except where immovable property or real rights are contributed thereto, in which case a public instrument shall be necessary.”


​Mula sa probisyon ng nabanggit na batas ay makikita natin na ang nabuong relasyon ay isang partnership. Ang kontribusyon ng bawat isa sa nasabing partnership ay lupa at kalahati ng binhi at abono o pataba na mula sa may-ari, at ang natitirang kalahati ng binhi at abono at serbisyo o pagtatrabaho mula sa magsasaka. Anumang kikitain sa pagtatanim ay paghahatian nilang dalawa nang patas.


​Bagama’t ang isang partnership ay dapat na nakalagay sa isang nakasulat na kontrata kapag mayroong lupang nakasama sa kontribusyon, ang naging kasunduan ng magsasaka at may-ari ng lupa o sakahan ay mayroon pa ring epekto sa pagitan nilang dalawa at marapat lamang na maisakatuparan ang napagkasunduan nang mayroong maayos na kalooban. Subalit, dapat na mapanatili na iyon lamang mga napagkasunduan ng parehong panig ang mangyari. Kung mayroon pang ginawa ang magsasaka na taliwas sa napagkasunduan katulad ng pagpapatayo ng istraktura na hindi nalalaman ng may-ari ng lupa, maaari itong ipatanggal sa nasabing magsasaka sa sarili niyang gastos, sapagkat ang sinuman na magtayo ng isang istraktura sa lupa ng ibang tao na walang pahintulot ay tinataguriang isang “builder in bad faith” alinsunod sa Article 449 ng New Civil Code kung saan nakasaad na:


“He who builds, plants or sows in bad faith on the land of another, loses what is built, planted or sown without right to indemnity.”


​Kung mayroon namang nakitang paglabag sa kasunduan ay maaaring wakasan ang naging kasunduan bilang “partners” dahil sa mga paglabag sa mga napagkasunduan.


Kinakailangan lamang na ang lehitimong hati sa ani ng lupang sinaka ay maibigay sa bawat isa.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 22, 2023


Dear Chief Acosta,


Namatay ang aking pinsan, limang (5) buwan na ang nakalipas. Siya po ay may naiwang asawa at tatlong (3) anak.


Nagulat na lamang po kami nang ikinasal ang kanyang naiwang asawa noong nakaraang linggo sa kaibigan din ng aming pinsan. Hindi po namin ito matanggap.


Sabi ng isa kong kakilala, may batas daw na maaaring


magparusa sa kanyang ginawa. Tama po ba ito? — Gabbie


Dear Gabbie,


Para sa iyong kaalaman, maaaring ang binabanggit ng iyong kakilala ay ang Artikulo 351 ng Revised Penal Code. Ang nabanggit na probisyon na ito ang nagbibigay ng depinisyon at kaparusahan sa tinatawag na premature marriages. Ayon sa nabanggit na probisyon:


“Art. 351. Premature marriages. — Any widow who shall marry within three hundred and one days from the date of the death of her husband, or before having delivered if she shall have been pregnant at the time of his death, shall be punished by arresto mayor and a fine not exceeding 500 pesos.


The same penalties shall be imposed upon any woman whose marriage shall have been annulled or dissolved, if she shall marry before her delivery or before the expiration of the period of three hundred and one day after the legal separation.” (Binigyang-diin) Subalit, ang nabanggit na probisyon ng Revised Penal Code ay naipawalambisa na sa pamamagitan ng Republic Act Number 10655 na may pamagat na “An Act Repealing the Crime of Premature Marriage Under Article 351 of Act No. 3851, Otherwise Known as the Revised Penal Code,” na naaprubahan sa Kongreso noong ika-15 ng Marso 2015. Ayon sa nasabing batas:


“Section 1. Without prejudice to the provisions of the Family Code on paternity and filiation, Article 351 of Act No. 3815, otherwise known as the Revised Penal Code, punishing the crime of premature marriage committed by a woman, is hereby repealed.”


(Binigyang-diin)


Samakatuwid, sapagkat naipawalambisa na ang probisyon ng batas na nagpaparusa sa muling pagpapakasal ng isang babaeng namatayan ng asawa sa loob ng tatlong daan at isang (301) araw mula nang pumanaw ang kanyang asawa, walang batas na nilabag ang asawa ng namatay mong pinsan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 21, 2023


Dear Chief Acosta,


Miyembro ako ng homeowner’s association sa aming subdivision, ngunit dahil na rin sa hirap ng buhay ay hindi na ako nakabayad ng monthly association dues sa loob ng isang taon. May karapatan pa rin ba akong gamitin ang aming clubhouse kahit na hindi na ako nakakabayad ng nasabing association dues? – Myra

Dear Myra,

Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 13 (a) at 16 (a), Rule III, The 2021 Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations,” kung saan nakasaad na:

“Section 13. Rights of a Member. A member shall have the following rights:

Avail of and enjoy all basic community services and the use of common areas and facilities, Provided, the member is in good standing;

Section 16. Delinquent Member or Member Not in Good Standing. Unless otherwise provided in the bylaws, a member may be declared delinquent or not in good standing by the Board of Directors on any of the following grounds:

a. Failure to pay at least three (3) cumulative monthly dues or membership fees, and/or other charges and/or assessments despite repeated demands by the association;

A member who has been declared delinquent or not in good standing in accordance with the procedure in the succeeding Section is not entitled to exercise the rights of a member, but is nevertheless obliged to pay all fees and dues assessed a member in good standing.”

Samakatuwid, malinaw sa batas na ang miyembro ng isang homeowner’s association ay may karapatang gamitin ang lahat ng mga common areas at facilities ng kanilang subdivision, sa kondisyon na ang nasabing miyembro ay in good standing. Ayon din sa nasabing batas, ang isang miyembro ay maaaring ideklarang delinquent kung siya ay hindi nakabayad ng monthly dues sa loob ng 3 buwan.

Ibig sabihin, dahil 1 taon ka nang hindi nakakabayad ng monthly association dues, maaari ka nang madeklarang delinquent. Dahil dito, maaari ka na ring tanggalan ng karapatang gamitin ang mga common areas at facilities ng inyong subdivision kagaya ng inyong clubhouse.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page