top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 31, 2023


Dear Chief Acosta,


Boluntaryo akong nagbitiw sa trabaho dahil kailangan kong alagaan ang aking ina na may sakit. Humingi ako ng separation pay sa amo ko dahil mahigit 10 taon ko siyang pinagsilbihan, pero ayaw niyang magbigay. Maaari ko bang obligahin ang aking amo na magbayad ng separation pay? - Keil


Dear Keil,


Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “Perfecto M. Pascua vs. Bank Wise, et. al.” (G.R. No. 191460, 31 January 2018), na isinulat ng Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Marvic Mario Victor F. Leonen, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:


“Pascua’s third letter likewise indicates that he has already accepted the consequences of his voluntary resignation but that it would be subject to the payment of severance pay. However, his claim for severance pay cannot be granted. An employee who voluntarily resigns is not entitled to separation pay unless it was previously stipulated in the employment contract or has become established company policy or practice. There is nothing in Pascua’s Contract of Employment that states that he would be receiving any monetary compensation if he resigns.


He has also not shown that the payment of separation pay upon resignation is an established policy or practice of Bankwise since his third letter indicated that he was unaware of any such policy.


Batay sa nabanggit na desisyon, ang isang empleyado na boluntaryong nagbitiw ay hindi karapat-dapat sa separation pay maliban kung ito ay nauna nang itinakda sa kontrata o naging itinatag na patakaran o kasanayan ng kumpanya.


Ayon sa iyong salaysay, boluntaryo kang nagbitiw sa trabaho at wala kang nabanggit na ang pagbabayad ng separation pay ay itinakda sa iyong kontrata sa pagtatrabaho o naging itinatag na patakaran o kasanayan ng inyong kumpanya. Kaya naman, hindi mo maaaring obligahin ang iyong amo na magbayad ng separation pay.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 30, 2023


Dear Chief Acosta,


Nag-isyu ng memorandum ang aking employer na nagsasaad na ililipat ako sa ibang departamento at manunungkulan bilang supervisor. Subalit, tinanggihan ko ang promotion na ito dahil masaya na ako sa kasalukuyang trabaho ko bilang warehouse staff/checker. Isa pa, hindi ako handa na maging supervisor dahil sensitibo ang posisyon na ito at nangangailangan ng higit pang pagsasanay – na wala ako. Maaari ba akong pilitin na tanggapin ang promotion? Maaari ba akong tanggalin sa pagtanggi ko rito? - Didith

Dear Didith,


Sa kasong Echo 2000 Commercial Corporation, et al. vs. Obrero Filipino-Echo 2000 Chapter-CLO, et al. (G.R. No. 214092, January 11, 2016, Ponente: Retired Honorable Associate Justice Bienvenido L. Reyes), pinasyahan ng Kagalang-galang na Korte Suprema ang mga sumusunod:


“For promotion to occur, there must be an advancement from one position to another or an upward vertical movement of the employee’s rank or position. Any increase in salary should only be considered incidental but never determinative of whether or not a promotion is bestowed upon an employee.


An employee is not bound to accept a promotion, which is in the nature of a gift or reward. Refusal to be promoted is a valid exercise of a right. Such exercise cannot be considered in law as insubordination, or willful disobedience of a lawful order of the employer, hence, it cannot be the basis of an employee’s dismissal from service.”


Alinsunod sa kasong nabanggit, maituturing na may promotion kung mayroong pagsulong mula sa isang posisyon patungo sa isa pa, o isang pataas na patayong paggalaw ng ranggo o posisyon ng empleyado. Kaugnay nito, ang isang empleyado ay hindi obligadong tanggapin ang isang promotion – na nasa likas na katangian ng isang regalo o gantimpala. Ang pagtanggi na ma-promote ay isang wastong paggamit ng karapatan ng empleyado. Ang nasabing pagtanggi ay hindi maaaring ituring sa batas bilang pagsuway sa isang legal na utos ng employer. Samakatuwid, hindi ito maaaring maging batayan ng pagtanggal ng empleyado sa serbisyo.


Kaya naman, tulad sa iyong kaso, hindi ka maaaring piliting tanggapin ang bagong posisyon na maituturing na promosyon dahil aakyat ang iyong posisyon mula warehouse staff/checker patungong supervisor. Hindi ka rin maaaring tanggalin kung ito ay tatanggihan mo dahil binibigyan ka ng batas ng karapatan na magdesisyon kung tatanggapin mo ba ito o hindi.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 29, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking mga magulang ay hindi kasal sa kabila nang halos tatlong dekada nilang pagsasama.


Noong taong 2020 ay namatay ang aking ama, samantalang ang kanyang ama, na aking lolo ay namatay naman noong nakaraang buwan lamang. Ang mana na naiwan ng aking lolo ay pinaghati-hatian ng dalawang kapatid at ina ng aking ama. Hindi nila binigyan ng mana ang aking ama, sapagkat siya diumano ay patay na, at sa kadahilanang wala diumano akong karapatang magmana mula sa aking lolo sapagkat ako ay isang illegitimate child lamang.


Maaari ba iyon? - Amelia


Dear Amelia,


Ang batas na sasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Republic Act No. 386 o mas kilala bilang New Civil Code of the Philippines. Nakasaad sa Sections 887, 982, at 992 nito na:


“Article 887. The following are compulsory heirs:


(5) Other illegitimate children referred to in article 287.


Article 982. The grandchildren and other descendants shall inherit by right of representation, and if any one of them should have died, leaving several heirs, the portion pertaining to him shall be divided among the latter in equal portions.


Article 992. An illegitimate child has no right to inherit ab intestato from the legitimate children and relatives of his father or mother; nor shall such children or relatives inherit in the same manner from the illegitimate child.”

Kaugnay nito, inilahad ng Korte Suprema sa kaso ng Aquino v. Aquino (G.R. Nos. 208912, 209018, 07 December 2021, Ponente: Honorable Associate Justice Marvic M. V. F. Leonen) na:


“We adopt a construction of Article 992 that makes children, regardless of the circumstances of their births, qualified to inherit from their direct ascendants — such as their grandparent — by their right of representation. Both marital and nonmarital children, whether born from a marital or nonmarital child, are blood relatives of their parents and other ascendants.


Nonmarital children are removed from their parents and ascendants in the same degree as marital children. Nonmarital children of marital children are also removed from their parents and ascendants in the same degree as nonmarital children of nonmarital children.


Accordingly, when a nonmarital child seeks to represent their deceased parent to succeed in their grandparent’s estate, Article 982 of the Civil Code shall apply. Article 982 provides:


ARTICLE 982. The grandchildren and other descendants shall inherit by right of representation, and if any one of them should have died, leaving several heirs, the portion pertaining to him shall be divided among the latter in equal portions.”


Alinsunod sa mga nabanggit na probisyon ng batas, ikaw ay may karapatan sa naiwang ari-arian ng iyong lolo sapagkat ikaw ay maituturing na compulsory heir. Ang nasabing karapatan ay pinagtibay ng Korte Suprema nang binigyang-linaw nito na ang mga anak, anuman ang naging kalagayan ng kanilang kapanganakan, ay maaaring magmana mula sa kanilang direct ascendants sa pamamagitan ng right of representation. Samakatuwid, sa iyong sitwasyon, ang iyong pagiging nonmarital child ay hindi makaaapekto sa iyong karapatan na magmana mula sa iyong lolo bilang kahalili ng iyong namayapang ama.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page