top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 18, 2023


Dear Chief Acosta,


Mayroon akong kaklase sa kolehiyo na nagbebenta ng mga segunda manong cellphone, at araw-araw ay iba’t ibang klase ang kanyang paninda. Naging mabenta ito sa aming paaralan sapagkat uso ang mga paninda niya at ibinebenta lamang sa sobrang murang halaga, kaya naman kahit ako ay interesado ring bumili. Ngunit mayroon lamang akong isang palaisipan, sapagkat pakiwari ko ay galing ang mga ito sa nakaw. Wala ba akong malalabag na batas kung bibilhin ko ito? - Allan


Dear Allan,


Para sa iyong kaalaman, mayroong batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Section 2 (a) of Presidential Decree No. 1612 na tinatawag ding “Anti-Fencing Law of 1979”:


“Fencing” is the act of any person who, with intent to gain for himself or for another, shall buy, receive, possess, keep, acquire, conceal, sell or dispose of, or shall buy and sell, or in any other manner deal in any article, item, object or anything of value which he knows, or should be known to him, to have been derived from the proceeds of the crime of robbery or theft.”


Sang-ayon sa nabanggit, may karampatang kasong kriminal ang fencing o ang pagbili, pagbenta, pagtanggap, o paghawak ng anumang gamit na galing sa krimen ng pagnanakaw (theft or robbery).


Ang mga aktong ito ay magiging krimen pa rin basta alam ng bumili, o dapat ay alam niya, na ang mga ito ay galing sa nakaw kahit na hindi direktang nasabi sa kanya. Hangga’t mayroong intensyon ang bibili ng mga nakaw na gamit upang siya ay kumita o makinabang para sa kanyang sarili o para man sa iba, nagkakaroon pa rin ng krimen na fencing.


Sa iyong sitwasyon, kahit hindi direktang nabanggit sa iyo na ang cellphone ay galing sa nakaw, maraming panuntunan ang nagsasabing posibleng ang mga ito ay galing nga sa nakaw tulad ng pagkakaroon ng labis na murang halaga. Kaya kung bibilhin mo ito para sa iyong personal na gamit o para sa iba man ay maaari ka pa ring makasuhan ng fencing.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 17, 2023


Para sa isang tao, ang bahay at lupa ay dalawa sa mga pangunahing pangangailangan niya at ng kanyang pamilya.


Subalit, ang pagbili ng bahay at lupa ay nangangailangan ng malaking halaga na napakahirap ipunin ng isang ordinaryong empleyado na sumasahod lamang ng minimum na suweldo. Kaya naman, palakasan ng loob ang pagkuha ng housing loan. Sa ganitong paraan ay maaaring magkaroon ng bahay at lupa ang isang indibidwal sa pamamagitan ng paghulog ng buwanang bayad sa kanyang pagkakautang. Habang ito ay hindi pa nakakabayad ay mananatili sa pinagkunan ng loan ang orihinal na titulo ng nasabing bahay at lupa, at mailalabas lamang ito kapag nabayaran na ang lahat ang pagkakautang.


Ngunit, mayroong pagkakataon na nahihirapan ang nangutang na mabayaran ang kanyang buwanang hulog, at upang matiyak na ang kanyang kapakanan ay mapangangalagaan ay ipinasa ang Republic Act No. 6552 o mas kilala bilang “Realty Installment Buyer Protection Act.” Nakapaloob sa batas na ito ang mga karapatan ng mga bumibili ng bahay at lupa nang hulugan (installment basis).


Ayon sa nasabing batas, ang lahat ng transaksyon o kontrata na may kinalaman sa pagbili ng real estate nang hulugan, kabilang ang condominium apartments, kung saan ang buyer ay nakapaghulog na ng bayad sa loob ng 2 taon subalit hindi na niya kaya pang ituloy ang paghuhulog, siya ay pinagkakalooban ng mga sumusunod na karapatan:


1. Karapatang maghulog ng bayad nang walang karagdagang interes sa loob ng palugit na araw (grace period) na nakredito sa kanya ayon sa bilang ng taon na siya ay nakapaghulog. Itinalaga ng batas ang isang buwan na palugit kada isang taon na paghuhulog. Subalit ang karapatang ito ay maaari lamang gamitin ng buyer nang isang beses sa loob ng limang taon na sakop ng kontrata;


2. Kapag ang kontrata ay nakansela, ibabalik ng seller sa buyer ang cash surrender value ng mga naibayad sa nasabing ari-arian. Ang cash surrender value ay may halagang katumbas ng 50% nang kabuuan ng naibayad. Pagkatapos ng limang taon na pagbabayad, may karagdagang 5% para sa bawat dagdag na taon na pagbayad.


Subalit ang ibabalik na halaga ay hindi hihigit sa 90% nang kabuuan ng halaga ng nabayarang hulog. Ang pagkakansela sa kontrata ay marapat na mangyari pagkaraan ng 30 araw pagkatapos makatanggap ang buyer ng paalala (notice) para sa pagkakansela ng kontrata o hiling (demand) na tatapusin na ang termino ng kontrata sa pamamagitan ng notarial act at pagkatapos na naibalik na ang kabuuan ng cash surrender value sa nasabing buyer;


3. Ang lahat ng paunang bayad, deposito o options na naisama sa kontrata ay kasama sa pagkukuwenta nang kabuuan ng naihulog na bayad;


4. Kapag mas mababa sa dalawang taon ang paghuhulog, ang seller ay magbibigay sa bumili ng palugit sa pagbabayad na hindi bababa sa 60 araw mula sa araw na kinakailangang maghulog (due date);


5. Kapag hindi nakapaghulog ang buyer pagkaraan ng palugit na ibinigay sa kanya, maaaring kanselahin ng seller ang kontrata pagkatapos ng 30 araw mula nang matanggap ng buyer ang notice of cancellation o demand of rescission of the contract na nabanggit sa itaas;


6. Sa mga nabanggit, maaaring ibenta ng buyer ang kanyang karapatan o ilipat ito sa iba. Bago ang aktuwal na pagkansela ng kanyang kontrata, maaari niyang i-update ito sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanyang mga arrears sa loob ng panahon ng palugit na ibinigay sa kanya;


7. Karapatan ng isang buyer na bayaran nang mas maaga ang kanyang mga hulog o bayaran nang buo ang kanyang pagkakautang sa kahit anong oras nang walang interes. Ang nasabing pagbabayad nang buo ng nasabing kabayaran ay itatala sa likod ng titulo na sumasakop sa nasabing ari-arian. Anumang istipulasyon na kontra sa mga nabanggit ay walang bisa.




 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 16, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking anak ay nakasuhan ng Murder sa aming bayan. Nang naganap ang arraignment ay inamin niyang siya ay guilty. Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit siya umamin na guilty. Marahil, siguro sa pagod na rin sa tagal ng kaso. Dahil dito, ang korte ay nagbaba ng hatol at naparusahan ang aking anak ng pagkakakulong. Walang hearing na naganap at walang mga ebidensya na prinesenta.


Hindi ba dapat man lang ay alamin ng korte kung naiintindihan ba ng akusado ang pag-amin niya? - Judith


Dear Judith,


Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng Korte Suprema sa kasong People of the Philippines v. Brendo P. Pagal, G.R. No. 241257, September 29, 2020, Ponente: Honorable Chief Justice Alexander G. Gesmundo, kung saan sinabi ng Korte Suprema ang tungkulin ng mga korte hinggil sa pagsusuri ng akusadong umaamin sa isang ‘capital offense’ gaya ng Murder. Ayon sa Korte Suprema:


“The searching inquiry requirement means more than informing cursorily the accused that he faces a jail term but also, the exact length of imprisonment under the law and the certainty that he will serve time at the national penitentiary or a penal colony. The searching inquiry of the trial court must be focused on: (1) the voluntariness of the plea, and (2) the full comprehension of the consequences of the plea.


Not infrequently indeed, an accused pleads guilty in the hope of lenient treatment, or upon bad advice, or because of promises of the authorities or parties of a lighter penalty should he admit guilt or express remorse. It is the duty of the judge to see to it that the accused does not labor under these mistaken impressions.


A searching inquiry likewise compels the judge to content himself reasonably that the accused has not been coerced or placed under a state of duress — and that his guilty plea has not therefore been given improvidently — either by actual threats of physical harm from malevolent quarters or simply because of his, the judge's, intimidating robes.


Further, a searching inquiry must not only comply with the requirements of Sec. 1, par. (a), of Rule 116 but must also expound on the events that actually took place during the arraignment, the words spoken and the warnings given, with special attention to the age of the accused, his educational attainment and socio-economic status as well as the manner of his arrest and detention, the provision of counsel in his behalf during the custodial and preliminary investigations, and the opportunity of his defense counsel to confer with him.


These matters are relevant since they serve as trustworthy indices of his capacity to give a free and informed plea of guilt. Lastly, the trial court must explain the essential elements of the crime he was charged with and its respective penalties and civil liabilities, and also direct a series of questions to defense counsel to determine whether he has conferred with the accused and has completely explained to him the meaning of a plea of guilty. This formula is mandatory and absent any showing that it was followed, a searching inquiry cannot be said to have been undertaken.”


Dahil dito, ang pag-amin ng isang akusado nang walang kinaukulang pag-iimbestiga ng huwes ay kinokonsiderang ‘improvident plea of guilt.’ Higit pa rito, idinagdag ng Korte Suprema na ang kinaukulang tungkulin ng prosekusyon na patunayan beyond reasonable doubt ang krimen ay hindi naaalis dahil sa pag-amin ng akusado. Ito ay nangangahulugan na dapat ay magkaroon pa rin ng pagdinig ukol sa kaso na parang hindi umamin ang akusado. Ayon sa Kataas-taasang Hukuman:


“The reason behind this requirement is that the plea of guilt alone can never be sufficient to produce guilt beyond reasonable doubt. It must be remembered that a plea of guilty is only a supporting evidence or secondary basis for a finding of culpability, the main proof being the evidence presented by the prosecution to prove the accused's guilt beyond reasonable doubt.


Once an accused charged with a capital offense enters a plea of guilty, a regular trial shall be conducted just the same as if no such plea was entered. The court cannot, and should not, relieve the prosecution of its duty to prove the guilt of the accused and the precise degree of his culpability by the requisite quantum of evidence. The reason for such rule is to preclude any room for reasonable doubt in the mind of the trial court, or the Supreme Court on review, as to the possibility that the accused might have misunderstood the nature of the charge to which he pleaded guilty, and to ascertain the circumstances attendant to the commission of the crime which may justify or require either a greater or lesser degree of severity in the imposition of the prescribed penalties.”


Gaya sa kaso ng iyong anak, ang hukuman ay may tungkulin na magsagawa ng tinatawag na ‘searching inquiry’ upang malaman kung tunay na naiintindihan ng iyong anak ang kanyang pag-amin. Dapat ay maipaliwanag sa kanya ang kanyang inaamin, gayundin ang epekto nito. Sang-ayon din sa nasabing desisyon, kinakailangan pa ring magkaroon ng pagdinig sa kaso at mapatunayan ang sakdal upang magkaroon ng tamang paghatol ang korte.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page