top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 26, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Marso 26, 2026 (Huwebes): Suwerte ang hatid mo sa sinumang lumapit sa iyo, lalo na sa mga negosyante. Hindi man nila aminin ng harapan, pero ito ang katotohanan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bubuwenasin ka kapag nakipagkuwentuhan ka sa kaibigan mo. Gawin mo na ito, at malalaman mong may suwerte pala sa mga kuwento niya. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-19-25-32-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsalita ka ng marahan at iwasan mo ang pabigla-biglang pagsasalita. Sa ganitong paraan, makikita mo unti-unting gaganda ang nangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-17-27-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng may kislap. Oo, ‘yung may kislap at saka ka makipagsapalaran upang sumakses ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-13-21-28-35-44.


CANCER (June 21-July 22) - Dadagsa sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-24-29-31-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kayanin mo ang mga napakahirap na kapalaran. Kailangan mo itong pagdaanan upang suwertehin ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-20-25-33-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag kumilos ka, mababawasan ang mga negatibong tumatakbo sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-15-28-32-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aakalain mong mahirap kunin ang bagay na madali lang naman mapasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-12-22-27-30-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mas maganda kung ‘di mo muna kokontrahin ang mga nagaganap sa buhay mo. Ang sumasakay sa agos ng kapalaran ay nakakarating sa kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-24-28-33-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakinggan mo ang payo ng mas mahusay kesa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-23-36-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na pinakahihintay mo, kung kailan ay nakabukas at nakatapat sa iyo ang tenga ng langit. Kaya magsabi ka na ng mga kahilingan mo. Ngayon na! Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-14-27-37-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo na kailangang igiit ang gusto mo, dahil ang totoo, kahit konting salita lang mula sa iyo ay ituturing na nautos na kailangang sundin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-20-28-32-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Kaya ‘wag mo nang akalain na minamalas ka dahil hindi umuusad ang gulong ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-25-29-31-43.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 25, 2026



Dingdong Dantes, Bimby at Kris Aquino - IG Jonathan Velasco

Photo: IG Jonathan Velasco / Circulated



Back to hosting na ba si Kris Aquino?

May ipinost kasing video sa social media ang hair stylist ni Kris na si RB Changco kung saan inaayusan niya ang TV host-actress.


Pagkatapos ayusan ng kanyang styling team, makikita sa video na nasa outdoor si Kris kasama si Dingdong Dantes, anak na si Bimby Yap, at ang mga katrabaho sa dating morning show niya sa ABS-CBN.


Iniisip tuloy ng mga netizens na maaaring nagsimula nang mag-taping si Kris para sa kanyang comeback as a TV host. Si Dingdong ang hinihinalang una niyang magiging guest. 


Well, mapaamin kaya ni Kris si Dingdong sa napabalitang sila ni Marian Rivera ang power couple na diumano’y malapit nang maghiwalay? 


Anyway, natuwa ang mga fans ni Kris sa bagong development sa buhay niya.

Sey ng mga fans:


“Ang saya ng heart ko, Sir Jonathan. I’m sure lahat ng nagmamahal kay Miss Kris din, to see her getting healthier and slowly getting back on track. Love love love po.”


“Happy to see you, Ms. K. We miss you.”


“Wow, she is getting better! Thank you Lord.”


“The Queen is back!”


Pero kung si Sharon Cuneta ay naging kahawig daw ni Lani Misalucha, si Kris Aquino naman ay naging kamukha raw ni Tessie Tomas.

Ganern?!





PASOK ang latest film ng award-winning director na si Joel Lamangan na All About Her (AAH) sa mga mahilig sa mystery-crime movie genre.


Bihira ang mga ganitong uri ng pelikula ni Direk Joel. Ilan sa mystery films na ginawa niya ay ang Fall Guy (2023), Siphayo (2016), Silip (2007), at Deathrow (2000).

With AAH, tinalakay ni Direk Joel ang dark side ng pageantry. Isa itong psychological drama-crime-mystery na may kaugnayan sa pagkamatay ng isang beauty queen.


In-explore rin ng pelikula ang toxic boundaries ng pagkakaibigan at pagtataksil.

Si Yuki Sonoda bilang Isabella at si Kelley Day bilang Olivia ang mga gumanap na magkaibigan at mga kandidata sa isang beauty pageant. Pareho ang kanilang obsesyon para sa korona, ngunit may kani-kanya silang paraan para makamit ito.


Maganda ang istrukturang ginamit sa paglalahad ng kuwento. Nagsimula ito sa imbestigasyon ng dalawang agents sa nawawalang beauty queen at nagtapos sa kagimbal-gimbal na plot twist.


Well, malakas ang screen presence nina Yuki at Kelley. Bagay ang roles sa kanila at halatang may malalim na pag-unawa sa kanilang mga karakter. 


Naipakita ni Kelley ang pagtatalo ng damdamin niya between loyalty and desire.

Naging epektibo rin ang paglalapat ng musika sa pelikula, especially sa ending, na nakatulong para tumaas ang tensiyon ng mga sumunod na eksena.


Ang AAH ay nagpapaalala na maging maingat sa mga taong pinagkakatiwalaan at anumang tagumpay na nakuha sa panlilinlang at pagtataksil ay may malaking kabayaran.


Ang All About Her ay isa sa official entries sa Sinag Maynila Independent Film Festival na kasalukuyang nagaganap. Ito ay isinulat ni Quinn Carrillo.


Palabas ang All About Her hanggang Marso 29, Palm Sunday, sa Gateway Cinemas (Cubao, Quezon City), Eastwood Cinemas (Libis, Quezon City), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City), at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 25, 2026



Sam MIlby at Toni Gonzaga - TWBA

Photo: Sam MIlby at Toni Gonzaga - TWBA



Noong bago pa lang na nagho-host ng Pinoy Big Brother (PBB) si Toni Gonzaga ay makulit pala siya at kikay na kikay.


Isang lumang video clip ng PBB ang napanood namin at naaliw kami sa kanya nang ini-interview niya si Sam Milby na na-evict sa PBB.


Natural na natural ang kanilang biruan on cam.


Well, sino ang mag-aakala na naging dyowa pala ni Toni noon si Sam Milby at kanyang iniyakan pero natuklasan niyang may ibang girlfriend bukod sa kanya?


Anyway, bahagi na lang si Sam Milby ng isang nakaraan at masaya naman si Toni na napunta siya sa tamang lalaki na makakatuwang niya sa buhay.


Si Paul Soriano ang talagang nakatadhana para sa kanya. At si Sam Milby, single pa rin ngayon at papalit-palit ng karelasyon.





EXCITED na ang mga Sharonians sa balitang gagawa ng serye ang Megastar na si Sharon Cuneta sa GMA Network at ka-collab dito ang Kapamilya.


Inaabangan na kung sinu-sinong Kapuso stars ang makakasama sa gagawing serye. Dapat daw ay magagaling at may pangalan na Kapuso stars ang isama sa serye ni Shawie upang mas bongga.


Okey daw sana kung sila ni Bea Alonzo ang magkakasama sa serye pero may ibang project nang nakalaan para sa aktres.


Tiyak na powerhouse ang cast ng serye at big time rin ang direktor. 


Malaki ang expectation sa gagawing project ni Megastar sa GMA-7 dahil sa kanyang status sa showbiz. At tiyak na bongga rin ang talent fee (TF) na ibibigay sa kanya. 


Ngayon pa lang ay abangers na ang lahat sa mga mapipiling co-stars ni Sharon Cuneta sa kanyang serye sa GMA-7. Sino kaya ang kanyang magiging leading man?




BAGAMA’T hindi pa kinukumpirma nina Alex Gonzaga at Mikee Morada ang real status sa nababalitang pagbubuntis ng aktres, may lumabas na post sa social media kung saan binabati si Mikee dahil isa na raw itong daddy.


Patunay lamang ito na buntis na nga si Alex at ilang buwan na lang ay magiging ganap nang mommy. Ikinatutuwa ito ng mga fans ng aktres-vlogger.


Finally, ang pangarap niyang magkaroon ng baby ay matutupad na. Dininig din ng Diyos ang dasal nila ni Mikee na bigyan na sila ng little angel.


Marami naman ang nagwi-wish na sana ay babae ang maging panganay nilang anak.

Sobrang mahal ni Alex si Polly, ang anak ng kanyang ate na si Toni. May makakalaro na si Polly kapag babae ang magiging anak nila ni Mikee at magiging lubos ang kanyang kaligayahan dahil hindi na siya maiinggit sa kanyang ate.


Maging kasingkulit at kasing-smart kaya ni Alex Gonzaga ang anak nila o magmana ito kay Mikee na mahiyain pero matalino rin?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page