top of page
BULGARY - MOIRA, UMAMING ALAM ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA SAM AT CATRIONA_IG _moiradelat
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | September 20, 2026



WINNER - CHERRY PIE, NALASON, NAOSPITAL_IG _yesppicache

Photo: IG _yesppicache



Naospital ang aktres na si Cherry Pie Picache matapos siyang makaranas ng matinding pagtatae at pagsusuka na naging dahilan para ma-confine siya nang ilang araw sa ospital. 


Sinisi ng aktres ang kanyang panghihinayang sa pagtatapon ng pagkain. Kaya siguro kahit na sira na ay kinain pa rin niya, dahilan para siya ay magkasakit.


Samantala, laking-pasasalamat ni Cherry Pie sa kanyang anak na si Nio Tria na nag-alaga at nagbantay sa kanya habang nagpapagaling.


Sey ng aktres sa caption (as is), “You are my ride or die recently had a bout of the worst kind of diarrhea, vomiting, dehydration and cramping. Dahil sa pagiging nanay (throwing food is one of my pet peeves, pero I know) guess also because food and service is my love language.... kaya sacred sa ‘kin. Thank you so much, anak. How I would have survived it, love.


Sabi mo nga, solid oh well, Nio Tria!!! Can’t imagine without your patience and I am a blessed inay.


“I will forever cook for you and ‘di na magrereklamo on ‘di ko na alam ang lulutuin ko for you, anak #thankfulgratefulblessed #piecooksnioeats #bayadnipiekainninio.”


Nag-react ang anak ni Cherry Pie sa comment section.


“Love you so much, Inay! I’m thankful for this one moment to be able to give back too,” sabi ni Nio.


Samantala, winish si Cherry Pie ng ‘get well soon’ messages sa comment section ng mga celebrity friends niya gaya nina Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Agot Isidro at Arlene Muhlach.





FINALLY, nakausap na namin ang baguhang singer na si Cyrus Papa sa isang intimate dinner-interview last Thursday.


Hindi kasi kami nagkaroon ng chance na makausap si Cyrus after ng show niya with Ivy Violan titled Sparks of Love sa RJ Bistro, Dusit Hotel noong September 12.


Sa paanyaya ng iconic singer na si Ivy, nakausap namin ang mga bagong artists na mina-manage niya na sina Cyrus at Rai sa Lolo’s Resto & Grill, kung saan natikman namin ang pinakamasarap na sisig.


Kinongratyuleyt namin si Cyrus sa kanyang performance sa nakaraang show nila ni Ivy. Malakas ang kanyang stage presence, hindi kabado at pasado ang pagkanta niya ng classic songs mula kay Frank Sinatra at iba pang kapanabayan ng legendary singer.


Kuwento ni Cyrus, “Ever since nu’ng bata ako, nagta-try na akong kumanta. Mga six years po ako, ganu’n. Pero patingin-tingin lang. ‘Yung talagang nag-pursue ako na kumanta publicly, as a performer po, nu’ng high school ako.


“Pagkatapos po nu’n, mga ano lang, private events, mga birthdays, weddings. Kaya never ko pa na-try ‘yung talagang as a professional performer sa entertainment industry. ‘Di ko po talaga tina-try, ‘di ko pinursue. Pero ngayon po na nagkaroon ako ng opportunity, why not?”


“As in three months old pa lang po talaga ako nagta-try maging professional artist ever since kinuha ako ni Ms. Ivy. ‘Yung lolo ko po, meron s’yang pamilya sa iba. ‘Yun po ‘yung mga Cruz, so half. Kumbaga, parang half sibling ng father ko ang mother ng mga Cruz. Parang ganu’n po,” sey ni Cyrus.


At ayon naman daw sa tita ni Cyrus, meron silang grandfather na isang European na singer.


“Bale meron pong singer sa grandfather’s side ko. Meron kaming singing genes on both sides,” proud na tsika ni Cyrus.


Ipinaliwanag ni Cyrus sa amin kung bakit ngayon lang niya susubukan na pasukin ang entertainment world.


Esplika niya, “Unang-una po ‘yung sharing my talents. Kasi kung meron talaga at gusto mo rin ‘yung specific form of talent, so why not share it?


“At isa sa inspirations ko rin, ‘yung binabasa ko about AI (artificial intelligence), ‘di ba po, AI ngayon ang problema sa art saka sa music industry?


“Sabi po, if you don’t perform your art, or any form of art, even if you do it badly, AI will take over. So dapat ngayon pa lang, ilabas mo na lahat ng talents mo.”

Pinuri naman ni Cyrus ang kanyang manager.


“Si Tita Ivy, very inspiring po s’ya. Napakagaling pa rin po n’ya,” sambit ni Cyrus.

Ang mommy at tita ni Cyrus ang nag-produce ng show nila ni Ivy recently.

Congratulations, Cyrus!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page