top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | May 14, 2026



BULGARY - JULIA, ‘DI MA-TAKE NA SILA NI COCO ANG PRIMETIME KING AND QUEEN-FB Julia Montes

Photo: FB Julia Montes



Masayang ibinahagi nina Coco Martin at Julia Montes ang kanilang excitement sa muli nilang pagsasama sa upcoming action-drama series na Sigabo.


Matapos ang ilang taon mula sa kanilang mga ginawang proyekto tulad ng Walang Hanggan (WH), Ikaw Lamang (IL) at Ang Probinsyano (AP), aminado ang celebrity couple na espesyal para sa kanila ang reunion project na ito.


Ayon kay Coco, nakakaramdam sila ni Julia ng kaba, pero positibo raw itong senyales dahil lalo silang ginaganahan na pagandahin ang serye para sa kanilang mga tagasuporta.


Samantala, natawa naman si Julia nang matawag silang ‘Hari at Reyna ng Primetime’, at sinabing marami pa silang kailangang pagtrabahuhan.

Ipinunto rin ni Coco na ang tagumpay nila ay bunga lamang ng sipag at dedikasyon ng buong CCM Productions team.


Sa isang bahagi ng kanilang behind-the-scenes interview, sinabi ni Coco na proud siya sa kanyang ‘boss’ na si Julia. Ngunit mabilis naman itong kinontra ng aktres.


“Hindi, ito ang tunay kong boss. Sobra akong proud dito kay Coco,” ani Julia.

Dagdag pa niya, matagal na raw niyang pangarap na mas makita at makilala ang tagumpay ni Coco bilang actor at creator.


Ramdam din umano nilang dalawa ang suporta sa isa’t isa sa bawat proyektong pinagsasamahan nila, dahilan kung bakit mas naging matatag ang kanilang samahan bilang magkapareha sa trabaho at sa totoong buhay.





Nasa Spain ngayon ang mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee matapos magbahagi ang aktres ng kanilang mga larawan at video habang namamasyal sa Madrid.


Kabilang sa kanilang ipinost ang sweet video na magkahawak-kamay sila sa harap ng Almudena Cathedral, gayundin ang ilang kuha sa isang city square na may bandila ng Spain sa likuran nila. 


Caption naman ni Boyet sa kanyang post, “Day 1 #spanishbreadtrip.”

Kasabay ng kanilang Spain trip, muling umugong ang usap-usapan tungkol sa napapabalitang kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co sa Spain na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizens kung tuloy ba o hindi.


Samantala, iba’t iba naman ang reaksiyon ng mga netizens. May ilang nagsabing baka bakasyon lang talaga ang biyahe nina Dimples at Boyet, habang ang iba naman ay naniniwalang may koneksiyon ito sa umano’y wedding plans nina Bea at Vincent.


May ilan ding nagsabing posibleng bahagi lamang ito ng planadong ‘pasabog’ ng kampo ng aktres, lalo’t may mga kaanak umano ng aktres na nasa Spain na rin. 


Samantala, may mga netizens namang umaasang magiging maayos ang lahat para kay Bea Alonzo anuman ang tunay na estado ng napapabalitang kasal nila ni Vincent Co.





IBINAHAGI ni Ogie Diaz ang post mula sa isang netizen na nagtatampok sa pagtatalo nina Imee Marcos at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro.

Nagsimula ang kontrobersiya matapos maglabas si Sen. Imee Marcos ng isang vlog kung saan tinalakay niya ang umano’y mga kahihinatnan para sa mga mambabatas na hindi susuporta sa reklamong impeachment laban kay Vice-President (VP) Sara Duterte.


Pakli ng senadora, “Sangkatutak na kaso ang uulan sa inyo ‘pag ‘di kayo bumoto nang tuwid, nakakanerbiyos talaga, tama ba ‘to?”


Dagdag pa niya, bukod sa tanggapan ng Ombudsman, ang iba pang ahensiya tulad ng Department of Justice (DOJ) at Securities and Exchange Commission (SEC) ay maaari ring masangkot sa pagsasampa ng mga kaso laban sa ilang mambabatas.


“Talagang may bribery na, may pananakot pa, ano ba ‘tong nangyayari sa bansa natin?” wika niya.


Tinugunan naman ni Atty. Claire Castro ang paratang ni Sen. Imee at nagtanong kung ano ang pinagmulan ng mga kumakalat na pahayag. 


Nagpahayag siya ng pag-aalinlangan sa paraan ng paglalahad ng salaysay.

“Kanino kaya galing ‘tong script na ‘to?” sey ni Atty. Claire Castro.


“Saan kaya galing ang kuwentong ‘to? Bakit lumalabas na parang chismis lang? Kasi gumagamit ng ‘raw.’ Tsismis, ‘di ba? Panira,” aniya pa.


Kasunod ng palitan ng opinyon, nag-post si Ogie ng sarili niyang reaksiyon na nagbigay ng katatawanan at komentaryo sa sitwasyon.


“Mukhang may kalaban na ang Ogie Diaz Showbiz Update sa katauhan ni Sen. Imee ‘Marites’ Marcos,” wika ni Ogie.


Sa ngayon, wala pang opisyal na tugon ang kampo ni Sen. Imee Marcos hinggil sa naging pahayag nina Ogie Diaz at Atty. Claire Castro.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page