ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 11, 2020
Pinakamalungkot na araw kahapon, July 10, para sa lahat ng Kapamilya stars, employees at mamamayang umaasa’t nagdarasal na mari-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Nagtapos na ang botohan kahapon sa House Committee on Legislative Franchises at nanalo ang hindi pabor na bigyan ng bagong franchise ang network.
The moment na natapos ang botohan at lumabas ang resulta ay bumuhos na sa social media ang lungkot at galit ng mga tao sa nangyari, lalo na nga ang mga Kapamilya stars.
Isa sa mga una naming nakita ang post ni Bea Alonzo. She wrote, “Tapos na ang botohan. Nakakatulala. Parang panaginip. Yakap, mga Kapamilya.”
Ang sakit din sa puso ng post ni Angeline Quinto. Aniya, “Sa lahat ng Kapamilya sa buong mundo, hindi natin kakalimutan ang araw na ito. Napakasakit ng ginawa n'yo sa pangalawang tahanan namin. Sa mga katrabaho ko. Napakarami n'yong sinaktan! Napakarami n'yong inulila. Nasaan ang puso n'yo?”
Si Martin Nievera naman ay nag-post ng art card na nagsasaad ng “Wow it’s so obvious. Congress, you think you punished a network when actually you crippled a nation” at may hashtag na #soobvious.
Post naman ni Anne Curtis, “I am lost for words. My heart breaks for everyone that is affected by this.... from our bosses to all the employees and the loyal viewers of ABS-CBN.... It is indeed a very sad day. I know people won’t forget this... Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nagdasal. I stay hopeful that somehow this isn’t the end... A big hug to my Kapamilya Family.”
Nakapagmura naman si Ria Atayde sa kanyang tweet. “Nakakaput*ng Ina,” tweet niya.
Tweet ni Paulo Avelino, “No words just SADNESS.”
Isa rin si Angel Locsin sa mga unang-unang nag-post kahapon matapos ang botohan.
“Tapos na po ang botohan. Kami po ay tulala at hindi alam kung anong gagawin. Gusto ko lang pong magpasalamat sa ilang taong pagtanggap n'yo po sa amin sa inyong mga tahanan.”
Tweet naman ni Maja Salvador, “Sa 70 plus na ayaw i-renew ang ABS-CBN... bakit po? Bakit?”
Maging ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ay nag-post din ng pakikisimpatya sa mga Kapamilya.
“Isang mahigpit na yakap para sa lahat ng Kapamilya,” tweet ni Jen.
Pahayag naman ni Liza Soberano sa kanyang Twitter account, “To all the employees who are greatly affected by this. I’m sorry. I’m sorry they aren’t sorry.”
Si Jake Cuenca naman ay nagpasalamat sa mga bumoto para mabigyan ng franchise ang network at inisa-isa niya ang mga ito’t kabilang dito si Congw. Vilma Santos.
“The 11 who voted for the 11,000 employees of abs-cbn. Maraming salamat po sa inyo," ang tweet ni Jake.