ni Julie Bonifacio - @Winner | July 27, 2022

Kinabog ni Heart Evangelista sa pagandahan at outfit-an ang mga babaeng dumalo sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa Congress noong Lunes, July 25.
Rumampa si Heart sa Senado at Kongreso kasama ang kanyang mister na si Senador Chiz Escudero. Lutang na lutang ang ganda ni Heart sa dalawang Filipiniana immaculate white gowns na isinuot niya (isa sa Senado at 'yung isa, sa Batasang Pambansa) na parehong gawa ni Mark Bumgarner.
Gowns pa lang ni Heart, alam na, ‘di ba?
What more ang kanyang mga accessories na pawang super high-end ng brands, huh?
Umpisahan natin sa bitbit ni Heart na mini white bag sa Senate.
Ang tawag pala sa bag na dala ni Heart sa pagbubukas ng Senado ay ang 20cm Hermes Kelly Sellier in Beton matte Alligator na binili niya sa kanyang trip sa Paris, France noong January this year at almost P5 million daw ang halaga nito.
Habang ang suot niyang jewelries ay mula sa Bvlgari, Tiffany and Co. at Royal Gem.
Suot ni Heart sa kanyang right wrist ang Bvlgari’s Serpenti viper bracelet na gawa mula sa 18-karat white gold set with full pavé diamonds na nagkakahalaga ng mahigit P1.7 million.
Habang ang suot din niya na Tiffany and Co. Hardwear Large Link Bracelet in yellow gold and diamond ay may presyo naman daw na mahigit P1.1 million.
Tumataginting na mahigit sampung milyong piso ang halaga ng OOTD ni Heart, ganern?
And not to forget ang Bvlgari “Serpenti” cocktail clutch in white agate metallic karung skin na ginamit ni Heart sa SONA na worth P1.7 million.
Naku, ayaw ni G Toengi ng ganyan!
May hanash kasi sa Twitter si G tungkol sa magagarbong kasuotan ng mga imbitado sa SONA ni P-BBM.
“Please PH! It’s called delicadeza. Today is not about a fashion show, ok? Today is about thinking critically about issues that have never been addressed that are owed to the Filipino people. A president of any nation has to serve the people and not their self interest. #sona2022,” tweet ni G.
In fairness kay Heart, ‘di siya government official pero may sariling pera, kaya keri niyang bumili ng pang-OOTD niya kahit ilang milyon pa ang halaga.
Deeevah?

